Tommaso Espressini Machiatini

Tommaso Espressini Machiatini

By Sarahmenrickdylan MenNews
Download on the App Store

Tommaso Espressini Machiatini episodes

  • 24 Oras Podcast: South Korean nationals arrested in Cebu, 'Ghost' super health centers, Vice Ganda and Ogie Alcasid in Bubble Gang Anniversa
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 16, 2025.
    • Ombudsman: Pinoprotektahan ng mga Discaya si Sen. Go, may joint venture ang mga pamilya nila
    • Sen. Go sa alegasyong pinoprotektahan siya ng mga Discaya: 'Wag tayong lumihis at panagutin ang dapat managot
    • VP Duterte, may hinalang iuugnay sila ni Ex-Pres. Duterte sa flood control controversy kasunod ng imbestigasyon sa kumpanya ng pamilya ni Sen. Go
    • Palasyo, sinabing kumpiyansa ang isang tao kung ang ginagawa ay 'di para sa pansariling interes
    • Rehabilitasyon sa tulay sa Laur, Nueva Ecija, ipinagpaliban ng DPWH sa Nobyembre matapos tutulan ng mga residente
    • Nakaparadang SUV, sinilaban ng 'di pa nakikilalang salarin
    • DOH, kinuwestyon kung bakit kabubukas lang ang center na July 2024 pa natapos; LGU: Hinanapan pa ito ng staff
    • Driver ng pickup na naka-diplomatic plate, tinutugis matapos takasan ang binanggang rider na may angkas na bata
    • Mga negosyong may kinalaman sa turismo, umaapela ng tulong dahil sa matumal na kita mula nang lumindol
    • Mga suspek na sumugod sa bahay at nanakit, sinampahan na ng reklamo; pakay ang 13-anyos umanong nobya ng 30-anyos na suspek
    • Rep. Leviste: Ilang appointee sa DPWH, contractor o may koneksyon sa contractor ayon sa kanyang source
    • Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa Zambales; naramdaman din sa Tarlac at Bataan
    • Pagbawi sa perang ninakaw sa maanomalyang flood control projects, pinag-uusapan na ng ICI
    • Guro, binaril ng mister sa paaralan
    • Bahagi ng A. Bonifacio St., may palatandaang dinadaanan ito ng West Valley Fault
    • Low Pressure Area sa Philippine Area of Responsibility, posible nang maging bagyo anumang oras ngayon
    • Ogie Alcasid, Vice Ganda, atbp., mapapanood sa part 2 ng anniversary special ng 'Bubble Gang'
    • Sec. Remulla: May P500M insertion sa intel funds ng PNP ngayong 2025; pondo, isinauli sa Office of the President
    • Pamamahagi ng P3,000 e-voucher na pambili ng pagkain kada buwan, pinalawig
    • Ruru Madrid, abala sa pagsasanay ng Pinoy Martial Arts na 'Laraw Kali Pamuok'
    • Luxury car na sinita dahil walang plaka, galing sa importer kung saan binili ang mga sasakyan ng mga Discaya
    • 3 Koreanong wanted sa kanilang bansa dahil sa loan fraud scheme, arestado
    • Namataang istruktura sa Bajo De Masinloc, lumabas na AFP ang nagtayo noong 1990s
    • 'My Father's Wife' cast, nakisaya sa Coramblan Fest; tinikman din ang mga lutong Alaminos
    • Ex-PNP Chief Acorda, itinalagang bagong Executive Director ng PAOCC
    • Asong nahulog sa sink hole, buwis-buhay na sinagip ng ilang residente
    • Pokwang, iginiit na 'di siya nag-eendorso ng sugal gaya nang gustong palabasin sa deepfake video
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 9 min
  • 24 Oras Podcast: China aircraft tails Philippine Coast Guard, Discayas withdraw cooperation with ICI, Mariah Carey's Philippine concert
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, October 15, 2025.
    • Viral na pagsugod sa isang bahay, pagsundo pala sa live-in partner ng isa sa mga suspect
    • 297 super health center sa bansa, nadiskubre ng DOH na hindi kumpleto
    • ICI: Mga Discaya, 'di na makikipagtulungan nang malamang wala pang qualified maging state witness
    • Panawagang ikulong ang mga kurakot, umaalingawngaw sa concerts at sports events; malawakang protesta, ikakasa sa Nov. 30
    • 600 bahay, natupok; 2 aso, nasawi
    • Chinese aircraft, bumuntot sa eroplano ng PCG na nag-iimbestiga sa istruktura sa Bajo De Masinloc
    • Legaspi Fam, puno ng pasasalamat sa mga tumutok sa world premiere ng “Hating Kapatid”
    • Bagong barangay hall at munisipyo na 'di pa nagagamit, winasak agad ng lindol
    • Iloilo, Cebu at Eastern Samar, nakaranas ng magkakahiwalay na mga pagyanig (M4 to M4.2)
    • PHIVOLCS: Kanlaon Volcano, halos isang oras nagbuga ng abo; nananatili sa alert level 2
    • Presyo ng itlog sa ilang pamilihan, tumaas; maaaring mas magmahal bago magpasko
    • Marian Rivera, dinumog sa airport at fashion event ng kanyang Vietnamese fans
    • Pres. Marcos, tiwalang 'di aabot sa palasyo ang mga alegasyon ng katiwalian
    • Abugado nina dating DPWH Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, umaasang kikilalanin ng DOJ ang halaga ng kanilang testimonya sa kaso
    • Nagbebenta umano ng 'di rehistradong armas at supplier din ng ilang criminal group, arestado
    • Low Pressure Area kahapon sa bandang Luzon, nawala na; isa pang mino-monitor na LPA, posibleng bukas pumasok ng PAR
    • LTO, nakikipag-ugnayan sa courier services para pabilisin ang problema sa delivery ng mga plaka
    • VP Duterte sa paglilinis sa korapsyon: 'Wag duterte lang, tingnan ang ibang admin
    • Pagdiskuwalipika ng COMELEC Kay Rep. Erice, may grave abuse of discretion ayon sa SC
    • Ilegal na pagre-refill ng mga LPG tank, bistado; 3 suspek, arestado
    • Horror train, nadiskaril at tumagilid; ilang sakay, sugatan at hinimatay
    • Trust ratings ni Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Duterte nitong Setyembre, bumaba batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations
    • Mga ahensyang pinagpapasahan ng SALN, hinikayat na padaliin ang paglabas ng hawak nilang SALN
    • Partnership ng GMA Network Inc. at FILSCAP, magpapatuloy matapos ang contract renewal
    • Atty. Conti: 'Di masyadong makakaapekto ang pag-disqualify ng ICC kay Chief Prosecutor Khan sa kaso ni ex-Pres Duterte
    • 2 babaeng OFW, 2 linggo nang nawawala
    • Dennis Trillo, overwhelmed sa sunud-sunod na acting wins kabilang sa Urian para sa 'Green Bones'
    • Libo-libong hotel worker para sa Croatia, iaalok sa job fair
    • Mariah Carey, pinasaya ang Pinoy fans sa kanyang concert sa bansa
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 9 min
  • 24 Oras Podcast: ICC disqualifies Karim Khan in Duterte case, China-made structures in Bajo de Masinloc being verified, “The Big One” earthq
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, October 14, 2025.
    • 3 batang magkakapatid, patay; 33 pamilya, apektado
    • Ex-employee ng NIA na nagpost noon tungkol sa umano'y ghost project ng ahensya, pinagbabaril
    • Ex-Speaker Romualdez, humarap sa pagdinig ng ICI; itinangging may delivery ng pera sa kanyang bahay
    • Ilang taga-Brgy. Calapagan, nilisan na ang kani-kanilang bahay na nagkabitak dahil sa magnitude 7.4 na lindol
    • Pinangangambahang "the big one”, muling nagbabalik sa kamalayan ng mga taga-Metro Manila dahil sa mga lindol ngayong buwan
    • 7 Koreano na nag-o-operate ng illegal online sugal, arestado; bistado ring may derogatory record at overstaying na
    • AZ Martinez, abala sa iba't ibang project; naghahanda para sa lock-in taping ng "The Secrets of Hotel 88"
    • Babaeng nag-aalok umano ng pekeng dokumento para maka-kickback sa ayuda sa distressed OFWs, arestado
    • 8 opisyal ng Bulacan 1st DEO at isang contractor, sinampahan ng reklamo ng DOJ sa Ombudsman
    • MGB-7: 70 sinkholes ang nakita sa Northern Cebu; posible pang madagdagan dahil sa patuloy na aftershocks
    • Kyline Alcantara, masaya sa kanyang self-love era; magpapahinga muna sa acting projects
    • Rep. Teodoro, naghain ng kontra-salaysay kaugnay ng reklamo sa kanya ng 2 babaeng pulis
    • Dalawang Low Pressure Area, mino-monitor ngayon ng PAGASA sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility
    • P7M impounding dam, pang-iwas baha na, pang-ipon tubig-ulan pa para sa patubig
    • Chief Prosecutor Karim Khan, diniskwalipika ng ICC Court of Appeals sa kaso ni Ex-Pres. Duterte — Reuters
    • DOF: Pagtaas ng credit rating ng Pilipinas, naunsyami dahil sa isyu ng katiwalian
    • Halos P243.2B nasa panukalang 2026 nat'l budget; ilang taga-minorya, tinawag itong pork barrel ng pangulo
    • Access sa mga hawak nitong SALN, binuksan ng Ombudsman sa publiko
    • Panawagan ng ilan na magbitiw sa puwesto si Pres. Marcos, walang saysay ayon kay VP Duterte
    • Namataang istruktura sa Bajo De Masinloc, inaalam kung bago o dati pang inilagay ng China
    • COA Commissioner Lipana, 'di nakadalo sa COA budget hearing; nagpapagamot umano abroad
    • Magnitude 5.6 pagyanig, isa sa 'di bababa sa 1,200 aftershocks na naitala sa Davao (as of Oct. 14)
    • Kampo ni Sen. Escudero, naghain ng manifestation kaugnay sa P30M campaign donation na natanggap sa contractor
    • Pagbabagong-anyo sa gayak-pandigma ng mga Sang'gre, inabangan, pinag-usapan at hinangaan ng Encantadiks
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 19 min
  • 24 Oras Podcast: Davao earthquake, China vessels clash with Philippine ships, President Marcos visits Davao
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Lunes, October 13, 2025.
    • Manay Nat'l H.S. na may 1,300 estudyante, nasira nang yumanig ang m7.4 na lindol
    • Face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa Metro Manila, 2 araw suspendido
    • Lahat ng face-to face-classes sa Laguna, suspendido mula Oct. 14-31
    • P0.2331/kWh na dagdag-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong Oktubre
    • 1 barko ng BFAR, binangga ng China Coast Guard; 2 Phl ship, binomba ng tubig ng Chinese ships
    • Zaldy Co, ipapa-cite in contempt ng ICI sa Korte kung 'di sumipot bukas para maaresto
    • Reklamo ng Manibela: ginigipit kami ng DOTR-SAICT; SAICT: Colorum ang hinuli, ginagawa lang ang mandato
    • Vince Maristela, enjoy sa fan meet kasama ang 'Vincies'
    • Kalsada sa harap ng Hagnaya Integrated School, nauka nang yumanig ang m5.8 na aftershock
    • DOJ: Tell-all affidavit ng mag-asawang Discaya, 'di kailangang hintayin sa paghahain ng reklamo
    • Rep. Barzaga, isa sa namuno sa protesta sa labas ng isang exclusive subdivision
    • DOTR Usec. Alfonso, 'di sumipot sa LTO; humarap na driver niya, binawian ng lisensya
    • PCG: Panghaharass, nangyari sa PHL territory; pinakamalapit na distansya sa Pag-asa Island
    • Ashley Ortega, mapapanood soon sa 'Sanggang Dikit FR'
    • Burol at libing, sasagutin ng gobyerno kung mahirap ang pumanaw o biktima ng kalamidad
    • Pres. Marcos, namahagi ng tulong sa Davao Oriental
    • Isang Low Pressure Area, binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility
    • Panukalang P6.793T nat'l budget, inaprubahang may unprogrammed appropriations at OVP budget cut
    • "Green Bones" at Dennis Trillo, kinilala sa Gawad Urian at Parangal ng Bayaning Pilipino
    • Mga kaso kaugnay sa Pharmally scandal na 'di pa na-a-arraign, pinabubuksan ng Ombudsman
    • Tila pundasyon sa ilalim ng tubig na namataan sa Bajo de Masinloc; iimbestigahan ng PCG
    • Lisensya ng driver na pinagmaniobra ng manibela ang kandong na bata, sinuspinde ng 90 araw
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 6 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: China ship rammed BFAR vessel, Surigao and Zambales earthquake, Mt. Kanlaon emits ash
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, October 12, 2025.
    • 4 patay, 8 sugatan matapos araruhin ng isang truck ang 11 sasakyan at 3 bahay
    • 6.0 magnitude na lindol, yumanig sa Cagwait, Surigao Del Sur kagabi
    • Magnitude 5.1 na lindol sa Zambales, naramdaman din sa ilang lugar sa Metro Manila
    • BRP Datu Pagbuaya ng BFAR, binomba ng tubig at binangga ng barko ng China
    • Face-to-face classes sa public schools sa Metro Manila, suspendido bukas, October 13 at sa Martes, October 14, ayon sa DEPED-NCR
    • Tindero ng mais, tinamaan ng kambal na gulong na kumalas sa trailer truck
    • Metro Manila LGUs, naghahanda sa posibilidad ng pagtama ng malakas na lindol
    • Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinilalang "Most Influential Celebrity of the Year" ng EdukCircle
    • Bahay at kabuhayan ng mga residente at ilang estruktura, nasira ng lindol; Bayan ng CARAGA, nasa state of calamity
    • Kapaguran sa mga sakuna o "disaster fatigue", nag-ugat sa pakiramdam na wala tayong kontrol sa mga pangyayari
    • Bulkang Kanlaon sa Negros Island, nagbuga ng usok at abo; 72 volcanic quakes, naitala ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon
    • Mga gusaling nasusunod ang Natl. Structural Code, kaya ang 'di bababa sa magnitude 7 na lindol, ayon sa grupo ng structural engineers
    • Mga ipinagmamalaking produkto ng Eastern Visayas, tampok sa isang trade fair
    • Alden Richards, bukas sa mga criticism at feedback sa kanyang pagiging direktor
    • Barista mula Mati City, bumiyahe pa Manay, Davao Oriental para mamigay ng libreng kape sa frontliners
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    35 min
  • 24 Oras Weekend Podcast: Twin quakes rock Davao Region, Rep. Pulong Duterte condemns ICC decision, Carla Abellana answers wedding allegation
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Weekend ngayong Sabado, October 11, 2025.
    • Manay, Davao Oriental, nasa state of calamity | Kalagayan ng mga nilindol, pinatututukan ni PBBM
    • Ilang estruktura sa Davao City, nasira ng lindol | ilang residente, lumikas sa mas mataas na lugar
    • Magnitude 7.4 at 6.8 na pagyanig, "doublet" o 2 lindol na magkaiba ang epicenter ayon sa PHIVOLCS | 7 na nasawi ayon sa NDRRMC
    • Rep. Paolo "Pulong" Duterte, kinondena ang desisyon ng ICC na hindi pagbigyan ang interim release ni FPRRD
    • Magnitude 5 na lindol, niyanig ang Zambales kaninang 5:32 PM — PHIVOLCS
    • Kaso ng dengue sa ilang barangay sa QC, tumataas | Flu-like illnesses, dumarami rin
    • Mahigit 5,000 nakiisa sa fun run para sa kamalayan tungkol sa teritoryo ng Pilipinas
    • Duck, cover, and hold, atbp. hakbang para manatiling ligtas kung may lindol, muling ipinaalala ng PHIVOLCS
    • PCG at BFAR, patuloy ang joint ops sa Pag-Asa Island
    • 65-anyos na delivery rider, inulan ng tulong mula sa netizens
    • Nagbabanggaang tectonic plates sa ilalim ng Pacific Ring of Fire, dahilan kung bakit madalas ang paglindol
    • Mga estrukturang nakasusunod sa updated na structural code, kaya ang “big one” ayon sa engineer
    • GMA Kapuso Foundation, mamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng lindol
    • VP Duterte sa pagtalaga kay Remulla bilang Ombudsman —Kung ako presidente, hindi ko siya ia-appoint
    • Dalawang weather systems, nagdadala ng pag-ulan sa bansa
    • Carla Abellana, sinagot ang usap-usapang malapit na raw siyang ikasal
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    39 min
  • 24 Oras Podcast: Davao earthquake, Rainy weekend, Ex-Pres. Duterte’s interim release denied
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, October 10, 2025.
    • Hiling ng kampo ni dating pres. Duterte na interim release, ibinasura ng ICC
    • Mag 7.4 na pagyanig 44KM mula Manay, Davao Oriental, nagdulot ng takot at pagguho hanggang ibang lugar
    • Lahat ng road reblocking, pinapatigil ng DPWH
    • Ilang grupo, muling nagsama-sama sa EDSA Shrine para sa white ribbon protest
    • Utos ng ex-Ombudsman na wag isapubliko ang SALN kung walang permiso ng may-ari, babawiin ni Remulla
    • 3 plantang naapektuhan ng pagyanig, balik-operasyon; 3 electric coop, may partial power interruption pa rin
    • Pangarap ni David Licauco na manood ng live F1 race, natupad na
    • Pickup na may kargang mga parte ng armalite at ibang armas, naharang; 2 arestado
    • Pag-aangkat ng bigas ng DA, inusisa sa Senado
    • Cassy Legaspi, mas confident at health conscious matapos ma-diagnose ng hypothyroidism
    • Lindol sa Cebu, La Union, at Davao Oriental, 'di konektado sa isa't isa ayon sa PHIVOLCS
    • Panukalang budget, inaprubahan sa 2nd reading ng Kamara nang may unprogrammed appropriations
    • Babaeng natabunan ng natumbang pader sa kasagsagan ng lindol sa Davao Oriental, nasawi
    • Magnitude 6.9 na lindol, naitala sa Davao Oriental kaninang 7:12pm
    • Maulang weekend, posibleng maranasan
    • SWS: 34% ng mga Pilipino, madalas ma-stress; pera, nangungunang dahilan ng stress ng mga Pinoy
    • Pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan sa Davao del Norte, hindi natinag ng lindol
    • Driver ni transportation Usec. Ricky Alfonso, inireklamo ng pananakit ng nakagitgitang driver
    • Bianca, kinikilig at natutuwang makita ang sarili bilang Sang'gre Terra na hawak na ang brilyante ng lupa
    • Hiling ni ex-pres. Duterte na pansamantalang paglaya, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber
    • Disaster preparedness, tinalakay sa GMA Masterclass: "The Be Juan Tama Conversation Series"

    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 8 min
  • 24 Oras Podcast: DPWH ghost projects, Remulla to file flood control cases, Chinese vessels tail PCG and BFAR
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Huwebes, October 9, 2025.
    • 421 proyekto, kinumpirma ng DPWH bilang ghost projects; listahan, isinumite sa ICI
    • Pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng flood control, ikakasa ni Remulla sa mga susunod na linggo
    • Wanted sa kasong statutory rape, nakorner matapos tumakas sakay ang motorboat
    • Unprogrammed appropriations, ginagamit sa emergency kaya 'di maaaring zero ayon sa Palasyo
    • PCG at BFAR, binuntutan ng mga barko ng China nang maghatid ng ayuda sa mga mangingisda
    • Sec. Go: Fake news ang sinabi ni SEC Chair Lim na bumagsak ng P1.7T ang halaga ng listed companies dahil sa agam-agam sa korapsyon
    • Charlie Fleming, umaasang marami ring matutunan ang new batch ng housemates
    • Hanggang 5% na taas-presyo sa noche buena items, hirit ng ilang manufacturer pero ayaw ng DTI
    • Flash flood, naranasan sa isang barangay sa Guinobatan, Albay
    • Bagyong Quedan, nasa loob ng PAR pero posible ring lumabas bukas nang madaling araw
    • Mas malakas at mabagsik si Mitena nang magbalik sa Lireo sa 'Sang'gre'
    • Ilang estudyante, nahilo, hinimatay o nag-panic dahil sa mag. 4.4 na pagyanig
    • 3 nagbebenta ng mga sasakyang nahatak na ng bangko, inaresto
    • Itutuloy ang pag-imbita kay Rep. Romualdez at Co sa pagdinig ng Blue Ribbon Comm —Sen. Erwin Tulfo
    • Palay sa truck na nakasampa sa nasirang Piggatan Bridge, hinakot; paggawa ng detour bridge, pinaghahandaan
    • P16B halaga ng ilegal na droga, winasak
    • Dingdong Dantes, tampok sa safety educational videos bilang ambassador ng 'Panatag Pilipinas' campaign
    • 2 hinihinalang sinkhole, nadiskubre malapit o sa ilalim ng mga bahay sa SJDM, Bulacan
    • Sunod-sunod na pagsabog, umalingangaw dahil sa nasunog na truck na may kargang LPG tanks
    • Manila Councilor Eunice Castro, ilang beses umanong binastos ng kapwa-konsehal na si Ryan Ponce
    • Legal Rep. ng Office of the Public Counsel for the Victims, nakiusap na ibasura ang hiling na indefinite adjournment ng defense team ni ex-pres. Duterte
    • Mavy Legaspi sa online bashers: It hurts to see those but at the end of the day, what do they know?
    • Banti Falls at burol na may sea of clouds, ilan sa mga mapapasyalan sa Nueva Vizcaya
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 4 min
  • 24 Oras Podcast: Tax evasion case vs Discayas, PH oil and gas exploration, Andrea Torres as Ayeshka in Sang’gre
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Miyerkules, October 8, 2025.
    • 15-anyos na rider, sugatan nang banggain ng kotseng nasagi ng kanyang motorsiklo; lisensya ng nambundol, pinapakansela ng DOTR
    • Lalaki, pinagbabaril sa kaniyang bahay; 1 suspek, huli; 2 pang kasabwat, tinutugis
    • P7.1B tax evasion complaints laban sa mga Discaya, inihain ng BIR sa DOJ
    • Zaldy Co, pinadalhan ng subpoena ng ICI; ex-Speaker Romualdez, inimbitahan
    • DPWH: Kinalawang na ang Piggatan Bridge, kulang sa maintenance, dapat may managot
    • Awareness tungkol sa challenges ng LGBTQIA+ community, isinusulong ng cast ng 'Open Endings'
    • Blue Ribbon Committee Vice-Chairperson Erwin Tulfo, tatayo munang acting chairman nito
    • Pilipinas, papasok sa 8 kasunduan kaugnay ng paghahanap ng langis sa Sulu, Palawan atbp.
    • Binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility, lumakas at naging isang tropical storm
    • Tinangay na motorsiklo ng delivery rider, bistadong ibinibenta online; suspek, huli
    • Nag-caption ng 'headshot' sa litrato ng pangulo na may nakaturo sa ulo, inaresto
    • Pagmahal ng mga produkto at serbisyo, bumilis nang 1.7% nitong Setyembre
    • Pinoy crew member ng Dutch cargo ship na kritikal sa ospital, pumanaw na ayon sa DMW
    • SEC: Apektado ng flood control project issue ang public confidence; P1.7T ang nawala sa PHL stock market sa loob ng 3 linggo
    • Sen. Kiko Pangilinan, nanawagan sa Independent Commission for Infrastructure na isapubliko ang kanilang pagdinig sa anomalya sa flood control projects at katiwalian
    • Ate Gay, ipinagpasalamat ang pagliit ng bukol at ang mga tulong ngayong may stage 4 cancer siya
    • Sen. Gatchailan: Ilang farm-to-market road, labis ang presyo; may mga ghost project din
    • Mahigit 2,000 pamilya, nakatanggap ng ayudang P5,400 mula sa DOLE-7; magbibigay ng livelihood
    • Reklamong bara-barang pagparada sa ilang lugar sa Parañaque City, pinasadahan ng MMDA
    • 2026 budget, may P230B pork barrel umano kaya dapat i-reset ayon sa People's Budget Coalition
    • 6 na 2022 senatorial candidate na tumanggap ng donasyon sa gov't contractors, iniimbestigahan
    • Fight scenes at sayaw, inaral ni Andrea Torres para sa special role bilang 'Ayeshka'
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 11 min
  • 24 Oras Podcast: New Ombudsman Jesus Crispin Remulla, Sen. Estrada vs Hernandez perjury case, Shuvee Etrata joins Boy Scout relief distribut
    Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras ngayong Martes, October 7, 2025.
    • DOJ Sec. Remulla, itinalagang bagong Ombudsman; may clearance mula Ombudsman kaya nasa JBC shortlist
    • Remulla sa pagiging Ombudsman: 'Di ito gagamitin laban sa isang political camp, walang sisinuhin
    • Huling retrofitting ng Piggatan Bridge, inaalam ng DPWH; bigat ng mga truck na dumaan, sobra sa kapasidad nito
    • Palakad niya sa DPWH, ipinaliwanag ni Villar sa ICI; proyekto umano ng pinsan sa Las Piñas, inusisa ng ICI
    • Rider na nag-superman stunt, patay nang sumalpok sa SUV
    • Jak Roberto kay Kylie Padilla: Importante siya sa akin; sobrang komportable namin sa isa't isa
    • Bagong silang na sanggol na natagpuan sa kangkungan sa Pampanga, sinagip
    • 50 pamilyang nilindol sa Bogo, tumutuloy sa mga tent; gagawa rin ng tent city sa Medellin
    • 4 counts of perjury, inihain ni Sen. Estrada laban kay ex-DPWH Engr. Hernandez
    • Sen. Lacson, desidido sa pagbitiw bilang chairperson ng komite
    • Mahigit P223M jackpot sa Grand Lotto 6/55, solong tinamaan
    • Pagpapabilis sa imbestigasyon, pinagpulungan nina Sec. Dizon, ICI special adviser Azurin at Magalong
    • Dagdag na tunnel boring machine, ginagamit na para mapabilis ang paghuhukay sa Metro Manila Subway
    • Pagtatapos ng Habagat season, opisyal nang idineklara ng PAGASA
    • Shuvee Etrata, nanguna sa relief distribution sa Cebu katuwang ang Boy Scouts of the Philippines
    • 4 sugatan sa ragasa ng tubig sa 6 na brgy; nasa 122 pamilya, pinalikas
    • 4 na incumbent at isang dating kongresista, kasama sa sasampahan ng class suit kaugnay ng ilang QC project
    • PBBM: Local projects, pwedeng pondohan ng national govt; ipauubaya sa LGUs ang pag-aayos ng mga school building
    • Speaker Dy: On track ang pag-apruba ng budget; 'di sumagot kung tatapyasan ang OVP budget
    • Dahilan ng pagguho ng bahagi ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela noong Pebrero, iniimbestigahan pa rin ayon kay DPWH Sec. Dizon
    • Iglesia Ni Cristo, nanawagan na gawing transparent ang mga pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
    • Maimpluwensyang sangkot umano sa anomalya, handang pangalanan ni Curlee Discaya
    • Hardware, natupok; katabi nitong gusali, nilamon din ng apoy
    • GMA Afternoon Prime Series na 'Hating Kapatid', mapapanood na simula Oct. 13
    • May-ari ng sari-sari store na biktima rin ng m6.9 na lindol, ipinamigay ang lahat ng paninda sa kanyang mga kapitbahay
    Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
    1 hr 11 min

About Tommaso Espressini Machiatini

From the publisher's feed

Meme