Usap Lang

Usap Lang

By Team NasnipComedy
Download on the App Store

Usap Lang episodes

  • Usap Lang Episode 9: Stress

    Happy Mothers' Day! yeah! we know! pero Mothers' day namin 'to ni-record! haha

    Kaya nga for this episode, usapang "nanay" muna ang tropa! At 'pag 'to ang bumabangka, siguradong karugtong ang "stress". Bukod sa mga heartfelt at makukulit naming memories sa aming mga dakilang ina, lapagan na rin kami ng mga "stress" with ways on how to "escape"! Oha! Oha! Pang malupitan naman ang mga sagutan sa kuwentuhan! Men, ikaw na lang ang kulang! C'mon! hit that play button!

    1 hr 29 min
  • Usap Lang Episode 8: Pangarap

    A great philosopher once said..."Kapag hindi para sa'yo, it's not for you!" Amen ba? Amen!

    For this episode naman, halah! sige! Sama-sama tayong mangarap eeste! mag-usap tungkol sa pangarap! Pero, yeah, puwede na rin pala! Sagot na naman ang kuwento at payo, basta ba makikinig lang kayo! Promise, bukod sa laughtrip at kalokohan, may mapupulot kayo sa usapan! Ayiiiieeee! In-smooth-an na namin ah! Kaya stream na!

    But wait, there's more! For the first time! May mag-ge-guest sa amin! Isang birthday girl at isang japanese (sort of haha) ghorl! Sino sila? Eh 'yun na nga, ii-stream niyo na! 

    1 hr 39 min
  • Usap Lang Episode 7: Ano ang iyong halaga?

    Salmong tugunan--"Ate ghorl, Kuya Bhoy, you...are...worth...it!" Kuha? Kuha!

    Kaya naman for this episode, pag-usapan natin ang ating halaga at kung paano ba tayo maglalalagay ng ating halaga sa ating mga ginagawa o sa kung ano tayo as a whole! Pangmalakasang kuwentuhan na naman mga ka-nasnip! Mas sasaya 'to siyempre kung sasamahan niyo kami! Stream na! Sige na! Daliiii

    1 hr 21 min
  • Usap Lang Episode 6: Things We Should Normalize

    Punong-puno tayo ng issue bes! Halos sa lahat ng bagay nga actually! Pero don't get these wrong. Baka naman kasi kailangan na talaga nating baguhin ang mga toxic na dating kalakaran gaya ng choices sa buhay, pagkakaiba-iba ng lahat sa iba't ibang aspeto, at marami pang iba! For our episode 6, let's talk about the things that we should normalize! Let's normalize good vibes kasama siyempre ang paborito niyong barkada at alumni from PNHS! Stream naaaaa

    PS! May pa-intro music na kami! Oha! oha! ohaaaa! Mag-sstream na 'yannn!!!!!

    1 hr 11 min
  • Usap Lang Episode 5: Usapang 90's Anime at TV Shows

    Imagine--5:30am, magigising ka sa mga balita ng Unang Hirit. Magtutuloy-tuloy ang panonood mo, hanggang sa mag-Bananas in Pajamas, hanggang mag-Dragon Ball. Tapos after siyesta, ayan na ang "Slam Dunk", "One Piece", "Naruto" at "Bleach". Sino bang makakalimot sa mga educational TV shows ng ABS-CBN na "Hiraya Manawari", "Epol Apple", "Mathinik" at "Wansapanataym". For this episode, pag-usapan natin ang mga classic TV shows at anime na talaga nga namang nag-marka sa ating childhood! Throwback kuwentuhan ulit tayo kasama ang tropa ng makukulit na PNHS Alumni! Stream na!

    1 hr 6 min
  • Usap Lang Episode 4: Tagumpay

    Kaway-kaway at kampay para sa Tagumpay! Sa episode na 'to, pag-usapan natin kung ano nga ba, para sa tulad naming mga "millennial" tito ang kahulugan ng "SUCCESS". Punuan tayo ng inspiration tanks with some pieces of advice kung paano ba maging successful and at the same time, "chill" at masaya lang din sa buhay! Malalimang usapan pero siyempre, 'di parin mawawalan ng tawanan at kulitan! Stream na!

    1 hr 20 min
  • Usap Lang Episode 3: Pagsisisi

    "Sana ganito---", "Sana ganyan--" Ayan! ayan! ayannn! Let's talk about our teenage regrets! Mga bagay na sana alam o nalaman na natin bago pa man tayo mag-high school or sige na! Sa buhay na in general! Let's breakdown our "what ifs" at siyempre kung ano pang dapat nating pagbutihin sa future!

    All that and more kulitan at tawanan pa sa paborito niyong high school tropa from PNHS dito lang sa #UsapLang!


    1 hr 2 min
  • Usap Lang Episode 2: Usapang Generations

    Millennials VS. Gen Z! Ano nga ba ang kaibahan? Ganito kami noon, paano ba ngayon? Generation talk tayo para sa ating episode 2. Siyempre, malalang tawanan at kuwentuhan na naman tayo with the "not so" young pero "not so" old ding mga "tito" from PNHS. All that with #IbaPangPayoNgMgaTito! Stream na!

    1 hr 27 min
  • Usap Lang Episode 1: Throwback Hayskul

    Hello mga Nasnip! 

    Taking a trip down to memory lane, longtime friends talk about their fondest memories from high school. Mula sa mga paboritong group projects, mga kalokohan hanggang sa mga nakakahiyang lakas-trip experiences, naging pulutan sa hagalpakang kuwentuhan. For our first episode, kilalanin ang Team Nasnip at ang masaya nilang mga karanasan with matching *ehem* siyempre “Titos' payos” para sa mga batang #struggleisreal sa high school!

    1 hr 28 min
  • Usap Lang: Episode 1 - Teaser

    Tig-sisiyeteng pamasahe sa jeep, makukulay na banners with matching background music ng Paramore o ‘di kaya ng FM static sa friendster account ng crush mo, at ang bente-bente at bayad-talong pustahan sa laro ng tropa sa DOTA.  ‘yan at iba pang high school memories ng mga hopeless romantic pero makukulit na millennials noong early 2000s! Pag-usapan natin kasama ang kuwelang high school tropa mula sa isa sikat na national high school sa bansa— Alaws boring dito pramis! Kinig naaaaa!

    2 min

About Usap Lang

From the publisher's feed

High school friends talk about their memories, adulting, and life in general of course in their most happy way possible. #RelateMuch na mga kuwentuhan at kuwelang hiritan. Good vibes good vibes lang!