
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
Ang pag-abot sa mga pangarap ay totoong mahirap pero kung ikaw ay determinado, baka bukas hawak mo na rin ito. Pakinggan ang kwento ni Lorenz sa Barangay Love Stories.
Walang tao ang ipinanganak na perpekto at darating ang pagkakataon na makikilala mo ang isa pang piraso na mas magpapalago sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Thaddeus sa Barangay Love Stories.
Matuto sa pagkakamali ng iba para ito ay iyong maiwasan at hindi na ulit-ulitin pa. Piliing ang katuwiran lagi hindi yung may pagsasama at pamilya kang sinisira. Pakinggan ang kwento ni Lizzy sa Barangay Love Stories.
Ang paghilom ay hindi mabilisan pero sana dumating din ang panahon na makakapagpatawad ka nang taos sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Kim sa Barangay Love Stories.
Nakakabulag daw talaga ang pag-ibig. At pinatunayan 'yan ni Rachel nang hindi siya nakinig sa paalala ng kanyang mama at kapatid. Unang pagkikita pa lamang, hindi na ginalang ni RJ ang pamilya ng kanyang girlfriend. Pero si Rachel, pinagtanggol pa rin si RJ dahil mali naman daw na husgahan nila ang nobyo niya sa unang pagkikita pa lang. Kaya ang solusyon niya, ilapit si RJ sa kanyang pamilya para mas makilala nilang lahat ang isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Rachel sa Barangay Love Stories.
Kailangang bumitaw sa mga maling paniniwala para makita mo ang katotohanan na hindi na tama ang iyong ginagawa. Pakinggan ang kwento ni Analea sa Barangay Love Stories.
Ang isang relasyon ay hindi dapat hinahaluan ng kasinungalingan at daya dahil dito nagsisimula na ang pagmamahal ay mawala. Pakinggan ang kwento ni Dado sa Barangay Love Stories.
Masarap umibig, masarap mapagkatiwalaan, at masarap maging masaya kasama ang iyong minamahal. Pero kung hindi mo kayang maging tapat at mabuti, ipaubaya mo na lang siya sa taong aalagaan siya hanggang sa huli. Pakinggan ang kwento ni Sher sa Barangay Love Stories.
May mga tao talagang mas sumasaya kapag nakakapanloko ng iba pero sana maghanda rin sila kasi babalik iyon sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Aubrey sa Barangay Love Stories.
Maganda sa pamilya ang nagtutulungan kahit na hikahos ang buhay. Pero ang mahirap, kung may mabuong puot sa puso ng anak dahil sa sakripisyong ginawa ng kanyang magulang. Hindi matanggap ni Belle na hindi sila sinama ng kanilang ina sa ibang bansa para makipagsapalaran. Lumaki sila ng kapatid niya sa piling ng maalaga nilang tito, istrikto ito sa kanila dahil ayaw nitong mapariwara sila. Pero kahit na ganun, nakuha pa ring magbisyo ni Belle. Pakinggan ang kwento ni Belle sa Barangay Love Stories.
From the publisher's feed
Ranked by our users in the last 21 days

94 Listeners

155 Listeners

364 Listeners

27 Listeners

1 Listeners

26,002 Listeners

808 Listeners

2 Listeners

12 Listeners

2 Listeners

11 Listeners

2 Listeners