Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal Filipino----
ANONG ORAS NA?
ANO ANG ORAS?
Anong oras na ngayon?
Ang mga tao ay laging nag-uusap tungkol sa oras, pero ano nga ba ang oras?
Ang oras ay kung kailan ang pangyayari ay nagaganap.
Ang oras ay kung gaano din katagal nangyari ang isang kaganapan.
MGA UNIT NG ORAS
Ipalakpak ang iyong mga kamay nang mabilis ng apat na beses na magkakasunod.
Isang segundo ang lumipas habang ikaw ay pumapalakpak.
Animnapung segundo ang bumubuo sa isang minuto.
Animnapung minuto ang bumubuo sa isang oras.
Dalawampu't apat na oras ang bumubuo sa isang araw.
Tinatandaan natin ang takbo ng oras gamit ang mga orasan.
Tayo ay mag-aral kung paano gamitin ang orasan para masabi ang oras.
MGA ANALOG NA ORASAN
Ang mga analog na orasan ay may mga numero na paikot.
Ang dalawang kamay ay tumuturo sa iba't-ibang mga numero.
Ang maikling kamay ang nagsasabi ng oras, at ang mahabang kamay ang nagsasabi ng mga minuto.
Ang mga numero ay para sa oras.
Ang maikli at mahabang kamay ba ay magkahanay sa taas?
Kung ganoon, ito ay eksaktong alas-dose.
Ang mga numero sa orasan ay para din sa mga minuto.
Bawat numero ay limang minuto.
Ang bawat maliliit na linya sa pagitan ng mga numero ay isang minuto.
Bumilang nang tig-lima para sa lahat ng mga minuto sa loob ng isang oras.
Bumilang kasabay ng pagturo ng kamay ng orasan.
Ang kamay para sa minuto ang nagsasabi kung gaano kahaba ang panahong lumipas matapos ang isang oras.
Ang orasan na ito ay nagpapakita ng sampung minuto matapos mag ika-apat.
Ang oras ay "sampung minuto matapos mag ika-apat" o "sampung minuto matapos mag alas-kuwatro" o "alas-kuwatro dies"
Maaari mong isulat ang oras nang 4:10.
Anong oras ang pinapakita ng orasan na ito?
Minsan ang kamay para sa minuto ay nasa kaliwang bahagi ng orasan.
Kung ganun ay pinag-uusapan natin kung ilang minuto pa bago ang susunod na oras.
Bilangin pabaligtad ang mga minuto mula sa taas ng orasan.
Bumilang kasabay ng pagturo ng kamay ng orasan.
Ang orasan na ito ay nagpapakita ng sampung minuto bago mag ika-tatlo.
Ang oras ay "sampung minuto bago mag ika-tatlo" o "sampung minuto bago mag alas-tres" o "menos dies bago mag alas-tres"
Ibig nitong sabihin ay sampung minuto bago mag ika-tatlo o sampung minuto bago mag alas-tres.
Gusto mo bang isulat ang oras gamit ang mga numero?
Bilangin ang mga minuto mula sa itaas ng orasan.
Bumilang kasabay ng pagturo ng kamay ng orasan.
Ang oras ay 3:50.
Isipin ang isang oras na parang isang pie na hinati sa kalahati.
Ang bawat kalahati ay tatlongpung minuto.
Anong oras ito?
Ngayon, ang pie ay nahati sa apat na magkakatulad na piraso.
Ang bawat piraso ay limampung minuto.
Ang bawat piraso ay isang apat-hati ng pie.
Pag-aralan ang mga orasan na ito.
Nakikita mo ba kung paanong ang bawat oras ay may maraming pangalan?
Anong mangyayari kapag ang parehong kamay ay nakaturo sa labing-dalawa?
Maaaring ito ay tanghali o hating-gabi!
DIGITAL NA ORASAN
Ang mga digital na orasan ay walang mga kamay.
Pinapakita nito ang oras gamit ang mga numero.
Makakakita ka ng parehong uri ng mga orasan.
Kaya naman mahalagang malaman kung paano magsabi ng oras.
----Formal English----
WHAT TIME IS IT?
WHAT IS TIME?
What time is it right now?
People talk about time a lot, but what is time?
Time is when things happen.
Time is also how long it takes for things to happen.
UNITS OF TIME
Clap your hands fast four times in a row.
One second passed while you were clapping.
Sixty seconds make up a minute.
Sixty minutes make up an hour.
Twenty-four hours make up a day.
We keep track of time with clocks.
Let’s learn how to u [...]