Learn Filipino | FilipinoPod101.com

Extensive Reading in Filipino for Intermediate Learners #15 - Dinosaurs


Listen Later

Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal Filipino----
MGA DINOSAUR
MGA FOSSIL NG DINOSAUR
Noon pa man bago nabuhay ang mga tao, ang mga dinosaur ay naghari na sa mundo.
Ilan sa mga nakamamanghang hayop na ito ay malalaki!
Ang mga tao ay natuklasan ang mga dinosaur mula pa noong 1800s.
Mula noon, ang mga tao ay gusto pang madagdagan ang kaalaman tungkol dito.
Alam natin ang tungkol sa mga dinosaur dahil nakatuklas tayo ng mga fossil.
Ang ilang mga fossil ay mga buto, ngipin, at iba pang bahagi ng katawan na naging bato.
Ang ibang mga fossil ay mga bagay tulad ng bakas ng paa, pugad, at mga itlog.
Ang mga fossil ay tumutulong sa atin na mapag-aralan ang mga katawan at buhay ng mga dinosaur.
ANONG URI NG HAYOP?
Ang mga dinosaur ay miyembro ng malaking grupo ng hayop na kilala bilang reptilya.
Karamihan sa mga reptilya ngayon ay may tuyo at makaliskis na balat.
Sa panahon ng mga dinosaur, hindi lahat ng reptilya ay may mga kaliskis. Ang ilan ay may balahibo!
Ang mga dinosaur ay naglakad sa kakaibang paraan kumpara sa mga reptilya ngayon.
Pagkumparahin natin ang butiki at ang dinosaur.
Ang paa ng butiki ay nakausli sa mga tagiliran.
Ang paa ng dinosaur ay nasa ilalim ng katawan nito.
SAAN TUMIRA ANG MGA DINOSAUR
Ang mga dinosaur ay tumira sa lahat ng kontinente.
Ang ilang mga dinosaur ay tumira sa maraming iba't-ibang lugar.
Ang ibang uri ay tumira lang sa ilang lugar.
Noong ang mga dinosaur ay nabubuhay pa, ang lahat ng mga kontinente ay magkakalapit sa isa't-isa.
Mas madaling makarating mula sa isang kontinente papunta sa isa pa.
Ang mga mananaliksik na nag-aaral ng mga dinosaur ay tinatawag na mga paleontologist.
Nakatuklas sila ng daan-daang mga uri ng dinosaur.
Ang iba sa mga dinosaur ay nakilala dahil lamang sa iilang mga buto.
Ang ilan, karamihan sa kanilang mga buto ay nahukay.
Ang mga paleontologist ay inilalagay ang mga dinosaur sa isa sa dalawang grupo, base sa kanilang mga balakang.
Ang mga may lizard-hip na dinosaur ay may buto sa balakang tulad ng mga butiki ngayon.
Ang mga may bird-hip na dinosaurs ay may buto sa balakang na tulad ng mga ibon.
Pag-aralan natin ang tungkol sa mga dinosaur sa bawat grupo.
MGA DINOSAUR NA MAY LIZARD-HIP
Ang pinakakilalang dinosaur ay ang Tyrannosaurus rex, o T. rex.
Ang malaki at kumakain lamang ng karne na ito ay may malakas na paa sa likod, na may mahaba, at malakas na buntot. Ang harapang paa nito ay maliliit.
Walang nakakaalam kung saan ginagamit ng T. rex ang mga ito.
Ang T. rex ay may makapal at mabigat na bungo. Kailanman, ang kagat nito ay ang pinakamalakas sa lahat ng hayop sa kalupaan.
Ang bibig nito ay puno ng malalaking ngipin.
Ang harapang ngipin ay para sa pagkagat at paghila.
Ang mga ngipin sa gilid ang pumipilas sa karne, at ang likurang ngipin naman ang naghahati sa karne.
Ang T. rex ang nangunang kumain sa mga dinosaur na kumakain lang ng mga halaman.
Hinuhuli nito ang ilan sa pagkain nito. Kinakain din nito ang mga hayop na patay na.
Mahigit sa limapu ang kalansay ng T. rex na natagpuan.
Ang pinakamalaki ay makikita sa Chicago.
Ang Velociraptor ay isa ring kumakain lang ng karne.
Ang dinosaur na ito ay mas maliit kesa sa T. rex.
Ito din ay kakaiba sa ibang paraan.
Ito ay may balahibo!
Gayunman, ang mga braso nito ay maiikli para sa paglipad.
Mayroon ito mahabang buntot at malaking kuko ng ibon sa mga paa sa likod.
Ang Brachiosaurus ay may napakahabang leeg. Ang mga paa nito sa harap ay mas mahaba kesa sa mga paa nito sa likod.
(Ang Brachiosaurus ay nangangahulugang "arm lizard".)
Ang dinosaur na ito ay kumakain lang ng mga dahon.
Ang isang matandang Brachiosaurus ay kumakain ng higit walon [...]
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Learn Filipino | FilipinoPod101.comBy FilipinoPod101.com

  • 4
  • 4
  • 4
  • 4
  • 4

4

40 ratings


More shows like Learn Filipino | FilipinoPod101.com

View all
Freakonomics Radio by Freakonomics Radio + Stitcher

Freakonomics Radio

32,000 Listeners

Global News Podcast by BBC World Service

Global News Podcast

7,589 Listeners

Learn Spanish | SpanishPod101.com by SpanishPod101.com

Learn Spanish | SpanishPod101.com

673 Listeners

Learn Italian | ItalianPod101.com by ItalianPod101.com

Learn Italian | ItalianPod101.com

420 Listeners

Learn Japanese | JapanesePod101.com (Audio) by JapanesePod101.com

Learn Japanese | JapanesePod101.com (Audio)

636 Listeners

Learn German | GermanPod101.com by GermanPod101.com

Learn German | GermanPod101.com

403 Listeners

Learn Korean | KoreanClass101.com by KoreanClass101.com

Learn Korean | KoreanClass101.com

282 Listeners

Learn French | FrenchPod101.com by FrenchPod101.com

Learn French | FrenchPod101.com

387 Listeners

Learn Russian | RussianPod101.com by RussianPod101.com

Learn Russian | RussianPod101.com

177 Listeners

Learn Arabic | ArabicPod101.com by ArabicPod101.com

Learn Arabic | ArabicPod101.com

166 Listeners

Learn Portuguese | PortuguesePod101.com by PortuguesePod101.com

Learn Portuguese | PortuguesePod101.com

118 Listeners

Learn English | EnglishClass101.com by EnglishClass101.com

Learn English | EnglishClass101.com

825 Listeners

Pivot by New York Magazine

Pivot

9,513 Listeners

Learn French with daily podcasts by Choses à Savoir

Learn French with daily podcasts

974 Listeners

Portuguese News - NHK WORLD RADIO JAPAN by NHK WORLD-JAPAN

Portuguese News - NHK WORLD RADIO JAPAN

26 Listeners

The Daily by The New York Times

The Daily

112,031 Listeners

Fiction - Comedy Fiction by The Sunset Explorers

Fiction - Comedy Fiction

6,445 Listeners