
Sign up to save your podcasts
Or


#FOTEpisode122 #MgaPinoySaNFL
Totoo nga ang sabi ng ating mga kababayan na kahit nasaan ka man sa mundo ay may makikilala ka pa ring mga Pinoy. Kaya maski sa sport na American football, hindi kayo maniniwalang may mga kababayan din tayo.
Kaya naman ating ipapakilala sa atin ni Enzo sa episode na ito ang dalawa sa mga Pilipinong naglaro sa National Football League o NFL.
#FOTEpisode121 #FOTBodabil
Ano ang bodabil? Ano ang kasaysayan nito? At gaano nga ba ito ka-popular? Iyan ang ating pag-uusapan sa episode na ito.
#FOTEpisode120 #FOTPassport
Ano ang silbi ng ating mga pasaporte sa tuwing tayo ay maglalakbay papuntang abroad? At ano-ano nga ba ang ibig sabihin ng bawat kulay ng mga pasaporte sa buong mundo?
#FOTEpisode119 #Hoopers2Senators
Sa kasaysayan ng Senado, tatlo sa mga alamat ng Philippine basketball ang nahalal na senador. Sino-sino sila?
#FOTEpisode118 #EmpressMyeongseong
Ang buhay ng isa sa pinakamakapangyarihang reyna ng Joseon dynasty sa Korea - si Empress Myeongseong o si Queen Min. Paano sinapit ng reyna ang isang brutal na pagwawakas ng kanyang buhay?
#FOTEpisode117 #FOTFishTayo
Ating kilalanin ang mga isdang kadalasan nating nakikita sa palengke at nakakain sa hapag-kainan.
#FOTEpisode116 #PinoyWinterOlympians
Bagaman walang snow dito sa Pilipinas, pinatunayan pa rin natin na tayong mga Pinoy ay kaya pa ring makipagsabayan sa mundo ng winter sports.
Kaya sa episode na ito, ating kilalanin ang mga kababayan nating lumaban sa Winter Olympics sa loob ng 50 taon. Kilala n'yo ba ang unang Pinoy na lumaban sa quadrennial multi-sporting event na ito? Kailan sila unang lumaban?
#FOTEpisode115 #349NumberFeverFiasco
Isang pa-promo ng isang kilalang brand ng softdrinks noong 1992 ang nauwi sa gulo at nagkapatayan pa raw?! Ano ang kuwento sa likod ng kontrobersyal na "Number Fever" promo?
#FOTEpisode114 #AndresXOriang
Ngayong Buwan ng Pag-ibig, tayo na't makinig sa love story ng Ama at Lakambini ng Katipunan na humubog rin sa kasaysayan ng ating bansa.
#FOTEpisode113 #ChineseNewYearMenu
Isa-isahin natin ang mga pagkaing karaniwang inihahanda tuwing Chinese New Year, at kung ano ang mga paniniwala sa bawat pagkain.
From the publisher's feed
History, general information, and current events in one podcast show.