Haynayan at Agham

Haynayan at Agham

By Sir Red | BUNK CollectiveScienceLife Sciences
Download on the App Store

Haynayan at Agham episodes

  • #40: Death by Radiation
    Naging maugong na usapin muli sa ating bansa ang tungkol sa Nuclear Energy dahil sa napirmahang EO 164 ng ating kasalukuyang pangulo para posibilidad ng paggamit at pagsama ng alternatibong mapagkukunan ng enerhiya na ito sa ating energy mix. Marami ang may pag-aagam agam tungkol sa bagay na ito at marahil ay may takot dahil sa mga nangyari sa ibang bahagi ng mundo, kaya sa Series of Episodes natin para sa buwan na ito, ating pag-usapan ang Nuclear at ating alamin ang iba't ibang konseptong nakapalibot dito. Sa unang bahagi ng Series na ito, alamin natin kung ano nga ba ang maaaring mangyari sa katawan ng isang indibidwal kapag siya ay nagkaroon ng radiation sickness. This is also the 4th part ng ating Death By series.. kaya halikayo! Pag-usapan natin ito. Shownotes:
    |
    Fate of Hisashi Ouchi: https://youtu.be/ccRTh6wyDF4 |
    Ionizing Radiation FAQs: https://www.osha.gov/ionizing-radiation/health-effects
    41 min
  • #39: Totoo ba ang 5-Second Rule?
    Kapag may pagkain ka na nahulog o di kaya'y nalaglag sa lapag, pinupulot mo pa ba ito at sinasabing "Pwede pa ito, wala pa namang 5-seconds". Kung oo man o hindi ang iyong tugon, pwes ating pag-usapan kung ligtas nga ba talagang kainin ang pagkain kapag ito ay nalaglag na. May katotohanan ba sa 5-second rule o gawa-gawa lang ito? Halika mga ka-Bio pag-usapan natin ito! Shownotes: Julia Child (1963) https://youtu.be/k6s6rVAkFrE || Origin of Five-Second Rule https://www.sciencefriday.com/articles/the-origin-of-the-five-second-rule/ || https://www.safefood.net/food-safety/5-second-rule
    22 min
  • #38: Bakit maliit ang mga insekto?
    Ang mga insekto ang matuturing nating pinaka-adaptive sa lahat ng mga hayop sa mundo.
    Nagawa nilang mabuhay sa halos lahat ng ecosystem na matatagpuan dito; mula sa lupa, tubig, at himpapawid.
    Kagilagilalas kung tutuusin, ngunit bakit nga ba sa laki, tila ba'y nagkulang sila?
    In this episode ating alamin kung bakit nga ba maliliit lamang ang mga insekto.
    Dapat ba natin silang maliitin o dapat ay bigyan ng pansin. Halika mga ka-Bio! Pag-usapan natin yan! Shownotes:
    https://projects.ncsu.edu/cals/course/ent425/library/tutorials/importance_of_insects/reasons_for_success.html
    ||
    Giant Insects: https://www.nationalgeographic.com/animals/article/animal-science-insects-biggest-moth-weta-butterfly
    30 min
  • #37: Mahiyain ba talaga ang Makahiya?
    Isa sa mga pinaka-nakapagtatakang halaman na marahil ay parati nating nilalapitan sa tuwing ating nakikita dahil sa kakaiba nitong ginagawa, ay ang ๐˜”๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ค๐˜ข , shame plant, touch-me-not plant, makahiya. Bakit nga ba tumitiklop ang mga dahon nito sa simpleng dampi ng ating mga darili o katawan? Mahiyain ba talaga ito? Halika! Ating sagutin ang mga katanungang ito. At tandaan nakararamdam man ang mga organismong ito o hindi, dapat lamang natin silang respetuhin at ituring na patas. Shownotes: 1. https://www.flipscience.ph/flipfacts/makahiya/ | 2. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3459453/#:~:text=It%20majorly%20possesses%20antibacterial%2C%20antivenom,and%20also%20applied%20on%20wounds.
    29 min
  • #36: Let's Talk About Sex (Circumcision & Genital Mutilation)
    Tuli ka na ba? Kung oo man o hindi ang iyong sagot, welcome na welcome ka sa discussion na ito. In this episode, ating pag-usapan kung paano nga ba nakarating sa ating bansa ang konsepto ng pagpapatuli, at paano nga ba ginagawa ang tradisyunal na 'tuling de pukpok'. Atin ring alamin kung ano ang naidudulot nito at kung ayos lang ba na hindi na lang magpatuli. Pati rin ang usapin tungkol sa female genital mutilation (FGM) ay atin ring pag-uusapan. Halika mga ka-Bio and let's have a deep dive sa topic na ito. Shownotes |
    Tuling de Pukpok (explicit images)
    https://my_sarisari_store.typepad.com/my_sarisari_store/2010/04/pagtutuli---circumcision-in-the-philippinesthis-photo-series-contains-explicit-contentin-the-rural-philippinespagtutulior.html
    |
    Female Genital Mutilation (article)
    https://www.unicef.org/stories/what-you-need-know-about-female-genital-mutilation
    50 min
  • #35: Tuluyan na bang lulubog ang Pilipinas?
    Ayon sa ilang pag-aaral mula sa loob at labas ng ating bansa, sa taong 2050, malaking bahagi ng Pilipinas ang tuluyan nang lulubog at lalamunin ng katubigang nakapaligid dito. Sa episode na ito, ating alamin kung anu-ano nga ba ang mga kadahilanan sa pangyayaring ito. Atin ring suriin kung talaga bang ang buong bansa ay lulubog na sa ilalim ng tubig o may matitira pa rin na bahagi nitong nasa ibabaw ng tubig kapag dumating ang pagkakataong natunaw na ang mga nalalabing kapuluaan ng yelo sa mundo. Tara mga ka-Bio, magkaroon ng dagdag na kaalaman hinggil sa bagay na ito! Shownotes: Mga lugar na lulubog sa tubig sa taong 2050.
    https://www.projectlupad.com/philippine-cities-projected-sea-level-by-the-year-2050/
    ||
    Anong bahagi ng bansa ang lulubugin sa tubig kapag natunaw na ang lahat ng mga yelo?
    https://www.projectlupad.com/what-the-philippines-would-look-like-if-all-the-ice-melted/
    || https://www.nationalgeographic.com/magazine/article/rising-seas-ice-melt-new-shoreline-maps
    || https://www.noaa.gov/news-release/us-coastline-to-see-up-to-foot-of-sea-level-rise-by-2050
    34 min
  • Haynayan at Agham Year 2
    Mga tanong sa isip ni Juan, halika! Patuloy nating bigyan ng mga siyentipikong kasagutan. Ito pa rin ang inyong gurong lakan mula sa Bulacan, Sir Red at ito ang Haynayan at Agham the podcast year 2! Tara! Matuto, maglakbay, magsaliksik, magkaroon ng dagdag na kaalaman. Haynayan Magpakailanman.
    1 min
  • Brain Fart #05: Year One! (Anniversary Episode)
    Happy Anniversary mga ka-Bio!! Ang episode na ito ay dedicated sa bawat isa sa inyo! Maraming salamat sa pagtangkilik at nawa'y matuwa kayo sa munting episode na handog ko para sa lahat. Hintayin lamang ang link para sa video ng Brain Fart anniversary episode na ito! Haynayan Magpakailanman. โค
    46 min
  • #34: Microplastics at ang problemang dulot nito
    Microplastics - maliit, simple, mapaminsala. Sa dinami-rami ng mga basura at plastic na matatagpuan natin sa ating kapaligiran, mayroon pa ring isang uri ng mapaminsalang bagay na tila baโ€™y invisible sa ating paningin dahil sa kanilang liit ang maaaring makapaghatid ng malaking problema sa ating lahat, dahil maaaaring ito ay nakasama na sa ating mga hapagkainan at ito ay atin nang nakain. Ating pag-usapan ang banta ng microplastics at ano nga ba ang maaaring mangyari sa mga organismong maaapektuhan nito. C'mon mga ka-Bio let's have a deep dive sa usapang ito at ating i-cap off ang discussions sa unang taon ng Haynayan at Agham. || GESAMP study on microplastics: http://www.gesamp.org/publications/reports-and-studies-no-90 http://www.gesamp.org/publications/microplastics-in-the-marine-environment-part-2 || https://oceanservice.noaa.gov/facts/microplastics.html#:~:text=Microplastics%20are%20small%20plastic%20pieces,our%20ocean%20and%20aquatic%20life.&text=Plastic%20debris%20can%20come%20in,)%20are%20called%20%E2%80%9Cmicroplastics.%E2%80%9D || https://www.nature.com/articles/d41586-021-01143-3
    54 min
  • #33: Bakit may iba't ibang kulay ang fireworks?
    In this year-ender episode of Haynayan at Agham, let's include Kapnayan (Chemistry) in this discussion. Ating pag-usapan ang intricate science sa likod ng mga kulay na makikita natin sa mga fireworks, at patterns na nabubuo nila sa himpapawid. C'mon mga ka-Bio and join us in this very fun discussion. || RRL: Flame Test: https://youtu.be/TOyDzOc2AaI , Cheat Sheet: https://youtu.be/9fELdiKPj_0
    34 min

About Haynayan at Agham

From the publisher's feed

Welcome mga ka-Bio! This podcast is dedicated to Biology and Science related discussions from your homegrown gurong lakan from Bulacan. Samahan natin si Sir Red at alamin kung ano nga ba ang mgaโ€ฆ