Haynayan at Agham

Haynayan at Agham

By Sir Red | BUNK CollectiveScienceLife Sciences
Download on the App Store

Haynayan at Agham episodes

  • #32: Vetsin, Dapat ba itong iwasan?
    Maligayang pasko mga ka-Bio! At dahil sa papalapit na ang maraming selebrasyon sa ating mga tahanan, syempre hinding hindi mawawala dito ang mga malilinamnam na putaheng handa ni Juan. Isa marahil sa pinaka-gamit ngunit pinaka-kontrobersyal na pampalasa ay ang Vetsin o kilala rin na Monosodium Glutamate. Ano nga ba ito? Masama ba talaga ito sa ating katawan? Ikaw ba ay malalasing kaagad kapag nakakain ka nito? At bakit nga ba vetsin ang tawag natin dito? C'mon mga ka-Bio! Kahit festive ang panahon, may oras pa rin tayo para matuto! Let's hop on sa very meaningful na discussion na ito! | If you would like to help or reach-out to our brothers and sisters na na-apektuhan ng Bagyong Odette, please be redirected sa thread na ito para sa additional detials kung paano makatutulong sa kanila https://twitter.com/jairrrrooo/status/1472760221583884292?t=YD9MSfdGr1N1e4RwSRowgg&s=19 || https://twitter.com/TheBunkPH/status/1472475271920238594?t=tAxVR3MrblhMYonmvKE5Hg&s=19
    45 min
  • #31: Paano nakalilipad ang mga ibon?
    Paglipad, isa sa mga pinaka-kagilagilalas na evolutionary adapattion na nangyari sa mga may buhay sa mundo. Binigyan nito ng kakayanang makapaglakbay at pagharian ng mga hayop, di lang ang katubigan at kalupaan, kundi pati na rin ang himpapawid. Sa episode natin ngayon, ating pag-usapan kung paano nga ba naghari ang mga ibon sa kalangitan at paano ang mekanismo ng kanilang paglipad. At sa kaunaunahang pagkakataon sa podcast na ito, ating pag-usapan ang ilang konsepto ng Liknayan (Physics) para maunawaan natin ang mga bagay na ito. C'mon mga ka-Bio! Let's soar to a very detailed discussion today! Show Notes: • Philippine Eagle photo credit to Alain Pascua (https://www.alainpascua.com/Blog/FlightoftheBanog-BagoboPlight) • https://www.birdwatchingdaily.com/news/science/the-amazing-muscles-and-bones-that-make-birds-fly/
    49 min
  • #30: Death by Drowning
    Ayon sa WHO, matatayang nasa halos 370,000 na katao ang namamatay kada taon dahil sa pagkalunod. At dahil sa mukhang marami sa atin ang gustong gusto nang magbalik sa dalampasigan at mga dagat kahit na hindi pa naman summer season sa bansa, ating pag-usapan ang bagay na ito para sa third installment ng ating "Death by.." series. Bilang isa sa mga taong nakaranas na ng pagkalunod, at maraming beses nang nakaligtas dito, ating alamin kung ano nga ba ang nangyayari sa katawan ng isang taong nalulunod, at paano natin siya maililigtas? Alamin rin natin ang nangyayari sa katawan ng isang taong namatay at nababad sa tubig ang kanyang bangkay, paano siya maaagnas at ano ang mangyayari sa kanyang mga labi. Mahaba-habang usapan nanaman ito mga ka-Bio! Nawa'y may mapulot kayo, at magamit upang makalutang pagkatapos ng pagkalunod di lang sa tubug kundi pati na rin sa mga obligasyon natin sa buhay!
    50 min
  • #29: Hydroponics: Pagtatanim kahit na walang lupa? Posible! (NSTW 2021)
    Ito ang ikalawang bahagi ng ating Special Episode produced in collaboration with the National Science and Technology Week 2021. Ngayon ay makakasama natin si Dr. Chito F. Sace Director of the Urban Farming Innovation and Learning Center of the Department of Agriculture, and a Professor VI in Central luzon State University na ang isa sa mga dalubhasa pagdating sa Soilless Farming sa ating bansa. Ating alamin kung papaaano nga ba natin maaabot ang food security sa pamamagitan ng Urban Farming at paggamit ng mga sinaunang teknik na ngayon ay mas lalo nating nakikilala at napayayabong! Ikaw ba ay isang Plantito o Plantita? Tara na mga ka-Agham at mga ka-Bio at ating alamin ang teknolohiyang ito!
    55 min
  • #28: NeuRo Tech: Teknolohiyang Bago, Mapakikinabangan ng mga Pilipino (NSTW 2021)
    Ito ang unang bahagi ng ating Special Episode produced in collaboration with the National Science and Technology Week 2021. Sa episode na ito makakasama natin si Dr. Roy Francis Navea ng DLSU-IBEHT-NICER para talakayin kung ano nga ba ang NeuRo Tech at ano ang mga maitutulong nito sa mga Pilipino sa larangan ng Medisina at Agham. Tara! Samahan nyo kami mga ka-Agham at mga ka-Bio sa napaka-malaman na usapan pagdating sa bagay na ito. #2021NSTW #DOSTTugonSaHamon #Scienceforthepeople. | Muli ay iniimbitahan at inaaanyayahan ko ang bawat isa na makilahok at manood sa pinakamalaking Science and Technology event ngayong taon, ang 2021 National Science and Technology Week o NSTW na mangyayari mula sa ika-22 hanggang ika-28 ng Nobyembre.
    Dahil sa pandemya, pansamantala munang hindi natin mararanasan ang nakasanayang pagdiriwang ng National Science and Technology week. Ngunit hindi nagging hadlang o limitasyon ang CoVid-19 upang idaos natin ang NSTW, at dahil sa teknolohiya ay patuloy natin naipapaalam at naibabahagi sa publiko ang mga inobasyon, makabagong teknolohiya, at mga programa tungkol sa Siyensya at teknolohiya na kapakipakinabang sa ating lahat.
    Sa temang Agham at Teknolohiya: Tugon sa Hamon ng Panahon, may mga webinar, career talk, film showing, at iba pa na magpapakita ng pagbibigay solusyon sa mga problema natin sa pang-araw-araw na pamumuhay, na hatid ng iba’t ibang ahensya ng DOST.
    Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa 2021 NSTW, bisitahin lamang ang www.nstw.dost.gov.ph at huwag kalimutang i-follow at i-share ang post sa official Facebook page na National Science and Technology Week at gamitin ang hashtags na #2021NSTW, #DOSTTugonSaHamon, at #Scienceforthepeople
    Kitakits tayo virtually mga ka-Bio at mga ka-Agham! 💚
    35 min
  • #27: Lubag at hindi Aswang
    Lubag o kilala rin sa tawag na XDP o X-linked Dystonia Parkinsonism ay isang sakit na mauugat ang pingaggalingan sa ating bansa. Ito ay isang sakit na hindi naiintindihan ng maraming mga tao at marahil ay ang sakit na pinanggalingan ng mga kwento kwento ng mga pinagmulan ng mga kinatatakutan ng karamihan na mga Aswang. Sa ating episode ngayong araw na ito, ating kilalanin ang sakit na ito, at nawa ay ating maunawaan kung ano nga ba ang epekto nito sa mga tao, at kesa takot ay pag-intindi at pagtulong ang ating ibigay sa mga taong mayroong ganitong kondisyon. C'mon mga ka-Bio! Let's wrap up this Halloween Special with this 4th and last installment.
    31 min
  • Ututang Dila #03: Cine Files Annihilated Haynayan at Agham (Movie Review: Annihilation)
    Let's go to 'The Shimmer'! It's the 3rd Installment of our Halloween Special and Ututang Dila Session! In this episode sasamahan tayo ng ating mga unreeliable hoests of Cine Files to unpack the themes discussed sa movie na Annihilation (2018). Ano nga ba ang sciences behind this movie, and ating alamin kung ano nga ba ang tingin nilang metaphors na matatagpuan dito! Masayang episode at may pa-recitation pa tayo dito ha! So, join us mga ka-Bio?
    50 min
  • #26: Let's Talk About Sex (On Sex Horror Stories & the Medical Conditions Behind Them)
    It's episode TWENTY-SEX mga ka-Bio! And this is a 2-in-1 special themed episode! Let's talk about these sex-related conditions na mukhang nakatatawa o kaya naman ay nakababahala sa iba, pero para sa mga taong nakaranas nito, ay isang kahindikhindik na pangyayari para sa kanila. In this episode let's dive in sa mga peculiar na medical conditions na ito, atin silang unawain at kesa matakot, ay atin itong intindihin. I-normalize natin ang mga usapin tungkol sa SEX, this should no longer be a taboo, and gumawa tayo ng safe space para sa lahat.
    44 min
  • #25: Saan 'galing ang mabahong amoy ng mga bangkay?
    Happy October mga ka-Bio! And alam nyo na kung ano ang kasunod nito! Halloween themed episodes! Sa first installment ng ating Halloween special, pag-usapan natin ang patay, bangkay, corpse, human remains, cadaver, dead bodies, labi ng mga tao, at ang amoy na nangmumula sa kanila. Let's talk about the science behind the scent of decomposition and paano nga ba ito nadedetect ng mga cadaver dogs. Tara, samahan natin si Sir Red sa sobrang interesting na discussion na ito!
    37 min
  • Ututang Dila #02: Pag-iisa sa Panahon ng Pandemya (Conversations on Mental Health | Part 2)
    Happy World Mental Health day sa lahat! Sa pagpapatuloy ng aming Ututang Dila ni Ma'am Vei, aming napahagingan sa huling bahagi na ito ang epekto ng isolation o pag-iisa, sa mga tao since tayo ay mga social beings. Nakasama rin sa mga nabanggit dito ang ilang konseptong related sa haynayan at agham. C'mon mga ka-Bio! Listen to the last part of this conversation ni Sir Red kay Ma'am Vei. Let's normalize the conversations on Mental Health ha!
    37 min

About Haynayan at Agham

From the publisher's feed

Welcome mga ka-Bio! This podcast is dedicated to Biology and Science related discussions from your homegrown gurong lakan from Bulacan. Samahan natin si Sir Red at alamin kung ano nga ba ang mga…