Ang Tsina ay isang
bansang may mahigit 3,000 taong kasaysayan. At sa loob ng mahabang panahon,
lumitaw mula rito ang mga pambihirang personahe na tulad nina Confucius, Lao
Zi, Sun Zi at iba pa, na gumawa ng mga di-maikakailang kontribusyon sa
pag-unlad ng sangkatauhan. Bukod diyan, nagmula rin sa Tsina ang maraming bagay
at kagamitang may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao, magpahanggang
ngayon. Para sa episode na ito at sa susunod na episode ng DLYST, susubukan
nating kilalanin ang ibat-ibang personalidad na humubog sa kamalayan ng mga
Tsino, at gumawa ang mga kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan.