Usong uso sa mga dance enthusiasts sa Beijing ang Kizomba. Si Fritz Labinghisa ang nagsimula sa dance craze na ito sa Beijing Salsa Club. Alamin kung anong mga elemento nito ang naka-akit sa mga estudyanteng aralin ang Kizomba, sayaw na mula sa Angola.
Ipinagdiwang noong ika 29 ng Disyembre, 2016 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang Rizal Day. Payak na paggunita sa Ika 120 Anibersaryo ng Pagkamartir ni Dr. Jose Rizal ang nasaksihan ngunit ito namay napakamakabuluhan. Ang mga panayam ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina ni Mac Ramos.
Ang Kape’t Tsaa (KaT) ay pang-araw-araw na programang mula sa Beijing. Ang layon nito ay ipaalam sa mga Pilipino ang samu’t saring mga kaganapan at talakayan tungkol sa maiinit na isyung panlipunan ng…
Tsina; sining; showbiz at musika; at wikang Tsino, sa pamamagitan ng pamumuhay at pananaw ng mga Pilipino sa Tsina.