LIT Junction

LIT Junction

By LIT JunctionArtsBooks
Download on the App Store

LIT Junction episodes

  • Episode 15 - “Produksiyong Pampanitikan ng Mga Guro sa Loob at Labas ng Paaralan” ni Ruby Ana Bernardo

    Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Mga Guro, naging panauhin ng LIT Junction sa Episode 15 guesting series nito si Bb. Ruby Ana Bernardo mula sa Schools Division Office - Quezon City at aktibong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, opisyal ng ACT NCR-Union, at ng Quezon City Public School Teachers Association. Binasa rin dito ang tulang "Kami, Guro" ni Bernardo (ACT Forum, 2018) na bahagi ng kaniyang komprehensibong pagtalakay sa produksiyong pampanitikan ng mga guro sa loob at labas ng paaralan. Happy World Teachers' Day 2020 sa lahat ng mga guro ng bayan!

    46 min
  • Episode 14 - "Santa Peregrina" ni Jerry Gracio

    Aling Lukring at Mang Miguel. Catmon. Malabon. Tambak ng Basura. Bangus. Paano binago ni Santa Peregrina ang buhay ng mga residente ng Catmon. Nina Aling Lukring at Mang Miguel? Ni Miguelito? O may kinalaman nga ba ang Santa Peregrina sa laging banta ng demolition, ng naging sunog? Sa episode na ito, babasahin at pag-uusapan ang maikling kuwentong “Santa Peregrina” ni Jerry Gracio mula sa “Kuwentong Siyudad” (2002) ng Ateneo de Manila University Press.

    1 hr 12 min
  • Episode 13 - "Filemon Mamon" ni Christine Bellen

    Samahan natin si Filemon Mamon sa pagsugod sa kainan. Ano-ano ba ang paboritong kainin ni Filemon Mamon?  Magagawa kaya ni Filemon Mamon na gampanan ang  pagiging bida sa katauhan ng bayaning si Andres Bonifacio sa kaniyang pag-arte sa entablado? Pakinggan natin yan sa maikling kuwentong pambatang "Filemon Mamon" ni Christine Bellen na inilathala ng Adarna House noong 2004.





    23 min
  • Episode 12 - "Ang Mga Beterano" ni Joselito Delos Reyes

    Sino nga ba ang mga beterano? Anong pinagkakaabalahan ng mga beterano sa panahon ng kanilang pagiging beterano? Kilalanin si Dwight, kasama si Mang Luis, sa pagtuklas niya sa buhay ng kaniyang namayapang 'beteranong' ama sa maikling kuwentong "Ang Mga Beterano" na mula sa "Troya: 12 Kuwento" (2013 NCCA Writers' Prize for Short Story in Filipino) ni Dr. Joselito Delos Reyes na inilathala ng Visprint noong 2016.

    58 min
  • Episode 10 - "Ang Pasukin Ang Pamilyar ay Sobrang Hirap na Gawain" ni Ferdinand Pisigan Jarin

    Gaano ka-personal ang personal at bakit ito itinuturing na isang mahirap na gawain sa konteksto ng pagsulat ng personal at malikhaing sanaysay? Sasagutin yan ni Prof. Ferdinand Pisigan Jarin sa kaniyang paksang "Ang Pasukin Ang Pamilyar ay Sobrang Hirap na Gawain". Mapapakinggan din dito ang kaniyang sanaysay na pinamagatang "Mangga" na bahagi naman ng "Tangke" -- kalipunan ng mga sanaysay ni Jarin na ilalathala ng UST Publishing House ngayong taon.

    1 hr
  • Episode 8 - "Politics of Forgetting: Preliminary Notes on Waray Poetry After the Balangiga Encounter of 1901" ni Ian Harvey Claros

    Ang "Politics of Forgetting: Preliminary Notes on Waray Poetry After the Balangiga Encounter of 1901" ay isang pagsipat ng iskolar, kritiko, at guro na si Ian Harvey Claros sa naging kalikasan at katangian ng panulaang Waray matapos ang 1901, isang mahalagang yugto ng Balangiga Encounter. Tayo nang makinig at unawain ang isang makabuluhang diskurso ukol sa pag-alaala at paglimot.

    55 min
  • Episode 7 - "Pagbaklas at Pagbuo ng Panitikan sa Antas SHS" ni Billy Joy Creus
    Ang “Pagbaklas at Pagbuo ng Panitikan sa Antas SHS” ay pagtalakay ni Billy Joy Creus sa kaniyang ilang taong karanasan bilang guro ng Panitikan sa high school. Mapapakinggan din dito ang pagbasa sa kaniyang akdang “Hinila” na lumabas sa antolohiyang Baclaran: Unang Biyahe na inilathala ng KaMaSo noong 2017. Makinig at matuto sa isang klase ng pagbaklas at pagbuo ng panitikang sariling atin.
    38 min
  • Episode 6 – “Ang Imahen ng Bidang Bata sa mga Kuwentong Pambata” ni KC Daniel Inventor

    Ang “Ang Imahen ng Bidang Bata sa mga Kuwentong Pambata” ni KC Daniel Inventor ay unang installment ng guesting series ng LIT Junction. Mapapakinggan din sa episode na ito ang maikling kuwentong pambatang “Ang Lumilipad na Perya ni Ginoong Pikpakbum” ni Inventor na inilathala ng Liwayway noong 2018. Sulyapan natin dito kung ano nga ba ang imahen ng mga batang bida sa kanilang kuwento.

    41 min

About LIT Junction

From the publisher's feed

LIT Junction podcast features conversations on and discussions of the country’s contemporary literary landscape. The podcast reads and talks about Filipino authors' literary works in Filipino and…