LIT Junction

LIT Junction

By LIT JunctionArtsBooks
Download on the App Store

LIT Junction episodes

  • Episode 5 - "Sandosenang Sapatos" ni Luis Gatmaitan
    Ang maikling kuwentong pambatang “Sandosenang Sapatos” ni Dr. Luis Gatmaitan ay nagkamit ng parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Inilathala ito ng Hiyas bilang aklat pambata (may salin sa Ingles) noong 2003 at palagiang piyesa sa mga masining na pagkukuwento sa mga paaralan sa bansa. Tuklasin ang makulay na kuwento nina Karina at Susie sa likod ng sandosenang sapatos.
    30 min
  • Episode 4 - "Aso, Pusa, Daga" ni Stefani J Alvarez

    Ang mga dagling "Aso, Pusa, Daga" ni Stefani J Alvarez ay orihinal na lumabas sa Culture and Literary section ng Squeeze.PH (wwww.squeeze.ph,  isang culture and new media digital platform),  taong 2020. Si Alvarez din ang may-akda ng "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na inilathala ng Visprint noong 2015 at ng papalabas na nobelang Lama Sabactani ngayong taon. Halina't makipaglaro sa mga aso, pusa, daga, at hulihin ang natatanging mga tagpo sa kani-kanilang mga kuwento.

    30 min
  • Episode 3 - "Pulot Boy" ni Ferdinand Pisigan Jarin

    Ang 'Pulot Boy' ni Ferdinand Pisigan Jarin ay isa sa mga sanaysay sa aklat na "Anim na Sabado ng Beyblade" na inilathala ng Visprint noong 2013. Muling ililimbag ngayong taon ang aklat ng mga sanaysay na ito sa bago nitong edisyon sa pangangasiwa ng UST Publishing House, kasabay ng paglulunsad ng prequel nitong pinamagatang "Tangke" sa ilalim pa rin ng UST Publishing. Halina't makinig at sama-sama tayong pumulot ng mga gunita.

    54 min
  • Episode 2 - "Lalaki, sa Balumbalonan ni Hakob" ni Mayette Bayuga

    Ang ‘Lalaki, sa Balumbalonan ni Hakob’ ang panghuling kuwento sa aklat na “Babae, sa Balumbalonan ni Hakob at iba pang Kuwento” ni Mayette Bayuga na inilathala ng UST Publishing House noong 2015. Ang aklat na pinagmulan ng akda ang pinakabagong koleksiyon ng mga maikling kuwento sa Filipino ni Mayette Bayuga, na siya ring may-akda ng nobelang “Sa Amin, Sa Dagat-Dagatang Apoy” (UP Press, 2015). Pakinggan natin ang isang kuwentong puno ng hiwaga. 

    27 min
  • Episode 1 – “Lorenzo” ni Chuckberry Pascual

    Mula ang maikling kuwento sa antolohiyang “Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko” na inilathala ng Anvil Publishing, Inc. (2011) at pinamatnugutan nina Dr. Rolando B. Tolentino, Dr. Romulo Baquiran, Jr., Dr. Joi Barrios, at Dr. Mykel Andrada. Pinapaksa ng “Lorenzo” ni Dr. Chuckberry Pascual ang “pagkawala sa hawla” ng alagang ibon na si Kwaylo at ng binatang si Lorenzo.

    32 min

About LIT Junction

From the publisher's feed

LIT Junction podcast features conversations on and discussions of the country’s contemporary literary landscape. The podcast reads and talks about Filipino authors' literary works in Filipino and…