
Sign up to save your podcasts
Or


"Hihingi po sana ako ng advice. May crush po ako na nakilala sa university ko. Ngayon po, alam ko lang po pangalan niya pero hindi ko siya masearch sa kahit anong social media platforms. May kakilala po ako na kilala sya pero nung tinanong ko kung ano yung mga socmed accounts nya, sabi daw po nung kakilala ko is wala daw po syang kahit anong soc med accounts tapos medyo private na tao daw po sya. Nagsend po ako ngayon sa inyo kasi hihingi po sana ako ng payo kung paano ko po siya i-approach na alam ko po na sobrang private nya na person. Gusto ko po kasi sya talaga makilala."
Kung bibigyan ka ng chance na doblehin ang sarili mo. Would you be friends with yourself?
What are some of the reasons why people tend to unfriend and block their exes?
"Yesterday lang nung nakipaghiwalay ako sa bf ko, ayoko man pero kailangan. Sobrang mahal na mahal ko siya pero sobrang nagmumukha na akong tanga kong ipagpapatuloy ko pa. Nagbreak kami kasi nakita ko sa account niya na may babae siya. Ilang beses ko na siyang nahuli nung mga nakaraang buwan pero pinalampas ko yun kasi umaasa akong magbabago siya. Sobrang laki parin ng tiwala ko sa kanya sa kabila ng mga ginawa niya. Kahit di niya ako namemessage never ako nagrants o nagdemand sa kanya. Wala eh sobra ako magsupport sa kanya na kahit alam kong sinasaktan na niya ako hinayaan ko parin not until yesterday, diko na talaga kaya ang sakit. Kaya kahit humihingi pa siya ng another chance is sobrang ayoko na talaga. I want to share this kasi gusto ko humingi ng advice paano magmoveon, sobrang zakit at ang hirap magsimula ulit. Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Sobrang takot na yung nararamdaman ko, parang natrauma ako. Magiging ok ako saglit tapos maya maya iiyak nanaman, nakakabaliw na. Hindi ko nadin magawang kumain kasi wala eh, dina ako makaramdam ng gutom. Sobrang di ako ok. Nagdarasal ako kay God na kung wala na akong purpose kunin na niya ako. Kasi gustong gusto ko ng magrest. Sinaktan lang naman ako pero bakit grabi naman yung epekto. Ang hirap kasi naginvest ka ng lahat lahat ng meron ka para sa taong yun tapos in the end is magloloko lang. Bakit ang unfair nman."
"Hi gusto ko lang po humingi ng advice. Nahihirapan ako na mahalin ng buo yung bf ko dahil sa once na nagawa niyang cheating 1month sila ni girl di ko pa din tanggap na nagawa niya akong lokohin. Kase sobrang ramdam ko na mahal niya ako at halos saken na umiikot mundo yun pala may tinatago siya. Sa ngayon nahihirapan pa din akong magkalimot sa nangyare kami pa din pero mas iniingatan ko na yung puso ko sa kanya. Fair ba yun??? At si girl humingi na ng tawad pero alam kong di pa talaga niya narerealize yung ginawa niya alam kase niya na meron kami pero pumatol siya at kasabwat pa pinsan niya."
"Di ko na po kase talaga makayanan ang nang yayari samin kaya gusto ko po sana itanong kung ganito din ba ang ugali nang bf nyo or gf nyo. 3years na po kami pero napakadami niya pading secrets sakin kase po di kami nagbibigayan nang facebook account kase may tiwala kami sa isat isa noong una pero kahapon lang nagbago lahat last month po kase yung ex girlfriend nya friend nya dati yun sa fb pero lagi ko po kasing inaunfriend yun para wala nang comunication kase alam kung matagal din pinagsamahan nila kase po minsan na iiwan ni bf yung facebook nya na naka log in sa phone ko pero everytime na isesearch ko si ate girl nakikita ko friend ulit sila ng ex nya sobra akong nagseselos alam nya naman na pinagseselosa ko na iyon pero parang nananadya porke malaki tiwala ko sa kanya palaging ganun tapos di nya sinasabi sakin kung bakit ko inauunfriend si ex nya alam naman nya na ako yun pero parang secret lang nagdududa na tuloy ako diko alam kung bakit basta lahat ng activity log nya clear kahit messenger nya ako lang yun naka save chat itatanong ko lang po sana kong normal lang ba yun o paranoid lang ako kase alam kung wala silang closure ng ex niya kaya natatakot ako na baka mamaya mawala na sya sakin."
"May bestfriend po akong almost 10 years na kami magkakilala. Nandun kami lahat sa events ng buhay namin na masaya at malungkot. Nakipag-break sa kanya-kanyang girlfriend at boyfriend, birthdays, etc. Pero dumating po sa point na sa sobrang taas ng standars ko mag grow as a person, nakalimutan ko po yung bestfriend ko. Diko namalayan na naging toxic nadin yung tingin ko sa kanya which is yun yung pinaka pinagsisisihan ko ngayon. May nalaman po kasi ako lately na ngayon ko lang po nalaman na binabackstab po ako ng bestfriend ko sa iba naming kaibigan. Paano ko po ba sosolusyunan to? Ayoko po kasi masayang yung pagkakaibigan namin."
"Mag 4 years na kami ng partner ko this coming October , sa loob ng 3 years sobrang dami naming problema na pinagdaanan dumating na din sa point na halos pag hiwalayin na kami ng parents namin pero pinaglaban natin pareho yung relationship namin pero syempre sa relasyon hindi parin naiiwasan yung pagkakaroon ng “babae” lahat yon pinatawad/pinalampas ko even the worst na ginawa nya , pinatawad ko parin sya kasi nga mahal so ngayon sobra akong kuntento sa kung anong meron kami , pero I realized na parang Hindi na sya tulad ng dati hindi na kami madalas mag usap kapag naga away kami minsan hina hayaan nya nalang akong matulog ng masama yung loob ko basta everything has changed ibang iba na talaga , Sobra na akong kinakain ng pagiging Overthinker ko , what should I do? Dapat ko na ba syang kausapin ? "
From the publisher's feed