
Sign up to save your podcasts
Or


"Hello po. Ask lang po sana ako ng advice. I'm 25 years old now and Male. Is it okay po ba na magasawa ako ng mas matanda sakin or mas bata? I know I'm old enough to have a decision pero po kasi sabi ng mga friends ko, mas okay daw po na mag-asawa ng mas bata sakin (like 1-2 yrs old gap lang). I can now provide for my future family (if dumating na yung time) pero po naguguluhan ako at this time ngayon. Matagal na din po kasi ako hindi nagcommit sa relationship and ibang iba na po yung panahon ngayon hindi katulad nung dati na medyo kaya pa magkita-kita kapag nag date, etc. Ano po sa tingin niyo?"
"I am 17, lumaki ako kasama lola ko and nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaedad ko na nagagawa nila gusto nila and nakakasama sila sa outing with their friends. Si lola kasi never niya ako pinayagan na sumama or makibirthday sa mga friends ko. One time tinry ko magsuot ng bralette pero sa loob lang ako ng bahay hindi nga ako makalabas pag suot ko is sleeveless shirts then nung nakita niyang nakasuot ako ng brallete sinabihan niya ako ng pokpok/malandi/nangaakit ng lalaki which is hindi naman so ayon nasaktan ako until now sobra kong dinamdam yon. any advice po?"
(UPDATE)"May gusto kasi ako sa isang kaibigan ko kaso d ko alam paano sya iaaproach lalu na grabe nangyari sa kanya sa past relationship nya d naman talaga to sumbong more of hihingi ng advice paano gagawin."
"So here it is, may naging bf ako tumagal kami ng 1yr 2months the thing is naghiwalay kami coz he cheated and worst is nabuntis niya. So after a month na nalaman ko pinakasal agad sila. And huli na nung nalaman ko na i was pregnant too 4months na pala nun ung tiyan ko wala kasing sign nun na naglilihi ako except sa hindi ako dinatnan. Hindi ko sinabi sa kanya kasi ayaw kong sirain ung family nila, ayaw kong makagulo kahit in the first place ako ung nauna kesa sa kasama niya ngayon, nalaman nalang niya na may anak kami when i gave birth to my son. Hindi ko na po alam ang gagawin ko since nung nagbuntis ako. Hindi po ako humihingi ng tulong sa kanya kasi galit na galit po ako sa kanya pero hindi ko kayang magalit kasi para sa baby ko. Ano po kaya pwede ko gawin? Nagpaparamdam parin po kasi siya hindi para tumulong samin ni baby, gusto niya kunin yung baby ko para daw may magandang future ang bata."
"Hi, called me Ikay. Kasal na kami ilang buwan lang nakakaraan. Kinasal kami dahil nabuntis niya ako pero may trabaho naman na siya. We're both college graduate. Siguro di lang namin inaasahan yung pagdating ng baby namin. Kaya ng sinabi ko sa nanay ko pinakasal na niya agad kami dahil daw pangit tingnan. Teacher kasi tinapos ko pero ayoko magturo. Masyadong stress ang pagtuturo para sakin pero nakaya ko naman. Working student ng college, dean's lister basta isang huwarang magaaral ako dati. Nakakatulong na din ako sa parents ko that time. Bago pala kami ikasal nawala yung baby ko siguro stress sa trabaho. Nung nagpakasal na ko hirap na maghanap ng trabaho dahil yung iba single ang hinahanap. At dahil pandemic din siguro. Masaya naman kami dati dahil nabiyayaan kami ulit ng isa pang baby. Pero nagbago siya. Sa unang buwan namin ng pagsasama yung sahod niya sinusurrender nya pa sa akin. Sumunod na buwan magkano na lang. Pambayad na lang namin ng bahay, pang grocery at pambili bigas. Ngayon walang natira sa akin maski 50 pesos. Pero ngayon maski kakainin ko parang need ko pa ipanglimos sa asawa ko. Kinakausap ko naman siya tungkol dyan nagiiba lang yung tono ng pananalita niya. Akala ko after namin maging mag asawa, magbabago siya. Hindi po pala. Ano po kaya pwede ko gawin?"
"Hello po. Hihingi lang po sana ako ng payo. Gusto ko na po kasi umalis sa poder ng mga magulang ko. Halos mag 30 na po ako and may sariling trabaho na po ako at may girlfriend na po ako 5 years na po kami. Kaya ko po gusto umalis sa poder ng magulang ko kasi po gusto ko na po mag start ng sarili kong pamilya at magtayo ng sarili kong bahay. Kaso po ayaw ng mga magulang ko especially po yung nanay ko. Gusto po nila dun parin kami tumira sa bahay namin at dun na din magkapamilya. Eh ang plano po namin ng gf ko, pag nakapag pakasal na po kami dapat nakaready na din po yung bahay na lilipatan namin para po hindi na hassle at titira pa kami sa bahay namin habang hinihintay yung pinapagawa naming bahay. Paano po kaya to? Sana po matulungan niyo po ako."
"Hello po. Hihingi lang po sana ako ng payo. Gusto ko na po kasi umalis sa poder ng mga magulang ko. Halos mag 30 na po ako and may sariling trabaho na po ako at may girlfriend na po ako 5 years na po kami. Kaya ko po gusto umalis sa poder ng magulang ko kasi po gusto ko na po mag start ng sarili kong pamilya at magtayo ng sarili kong bahay. Kaso po ayaw ng mga magulang ko especially po yung nanay ko. Gusto po nila dun parin kami tumira sa bahay namin at dun na din magkapamilya. Eh ang plano po namin ng gf ko, pag nakapag pakasal na po kami dapat nakaready na din po yung bahay na lilipatan namin para po hindi na hassle at titira pa kami sa bahay namin habang hinihintay yung pinapagawa naming bahay. Paano po kaya to? Sana po matulungan niyo po ako."
From the publisher's feed