
Sign up to save your podcasts
Or


"Pa advice naman po sir/ma'am. Sa mga magulang diyan na nagpapaaral ng mga anak nila o kaya sa mga naka experience ng ganitong sitwasyon. Ganito po kase halos 7 years na ako nag aaral sa isang unibersidad 7 years din nasayang lahat lahat ultimo nga pambili sana ng kanin at bigas namin naibibigay nila sakin mapag aral lang ako at mabigyan lang ako ng baon. magbubukid mga magulang ko mahirap lang kame oo pero sa mga panahon iyon diko naisip kapakanan ng magulang ko waldas ng pera dito, waldas diyan. bisyo at computer yung DOTA nilalaro ko ba nun.kaya yung grades ko bagsak o kaya naman INC "incomplete" na hindi na na "complete" dahil narin sa katamaran ba. tuloy na ganun kaya ang grado ay 5 pero yung mga iba naman pasado kase di naman palage tamad diba. hanggang dumating yung "G-12" apektado ako dahil nga sa "new curriculom na ako" diko makuha kuha mga old subject ko kumbaga kelangan ko na mag "petition" ng subject pero problema wala na ako makasabay kase pag mag isa lang ako babayaran ko yung isang subject halos 25k yung isang sem.. kaya nakapag pasya ako na mag shift ng ibang course kaya ginawa ko pero hindi pinaalam sa mga magulang ko.. hanggang sa nagka GF ako siya yung naging tulay ko para kumuha ng ibang kurso at inspirasyon syempre sya din yung nag cocouncelling sakin. kase gusto ko makapag tapos ng pag aaral at makapasok ng magandang trabaho naman ako kase noon "marami akong pangarap pero tamad" pero di na ngayon nag aaral na ako ng mabuti matataas na grades ko diko na kinakahiya na pinapakita sa kanya yung grado ko.. ang problema nga lang yung magulang ko dahil ang dami na nila gastos sakin tapos nag shift pa ako another 4years na hindi nila alam mag 2nd year pa lang ako ngayung sem. ano po dapat ko gawin? pag sinabi ko sa kanila papalayasin nila ako o kaya papatayin ako ni tatay."
"Malapit na kasi graduation namin ng Junior High sa school eh medyo malungkot lang, Ako kasi di na kami magkakasama ulit sa Senior High namin. Masaya naman ako na makakapag Senior na kami pero parang di ako ganon kasaya kasi maghihiwalay hiwalay kami sa Senior."
"Pahingi lang po advise ano po gagawin niyo kung my ex yung jowa niyo na kahit ilang taon na silang break eh hanggang ngayon nangugulo parin. Lahat ng acc. Or number niya auto blocked na pero gumagawa at gumagamit parin ng bago. At yung ex niya my sariling fam na at my anak na pero pilit parin nangugulo gusto pa nga ma ka date jowa ko kahit isang araw lng daw. Hindi dw alam ng husband niya yung mga ginagawa niya, ayaw naman sana namin magkaroon nga issue or gulo dahil both professionals na kmi pero siya kasi gumagamit ng mga dummy acc. Tas mag popost ng kung ano ano doon tungkol sa amin at yung iba mga masasakit na salita. Minsan niya na rin akong na PM pero di ko na binabasa auto blocked ayoko kasi mag pa stress at baka yun na naman pag tuunan ko ng attensiyon. Hindi naman kasi ako sanay mang away tsaka ayoko talaga ng gulo.. Naawa kasi ako sa bata if ever mag take legal action kmi at malaman ng husband baka yun pa reason na masira yung fam nila pero hindi ko n rin minsan matiis eh sobra sobra na ilang taon na niya ginagawa to kahit sa mga naging karelasyon ng jowa ko after niya, yes po bago po naging kami ng jowa ko my naging ex pa siya na ginulo din ng unang unang ex niya. Bali pangatlong GF na po ako, at si first po yung nangugulo... Ayaw niya ata makitang masaya ex niya.. 8 yrs po naging sila ng baliw na yun, tapos yung pangalaw 2 yrs lng tas kmi mag 1yr pa lang."
"Hingi lang po sana ako ng advice. I caught him cheating. Meron pala siyang long time girlfriend nung kami na. In a relationship kami for about 3 months then nagbreak kami after ko malaman na may gf pala siya. But then after 3 months nung nagbreak kami nalaman kong may jinowa ulit siyang bago kahit may gf na siya. I am asking for advice kasi up until now nasasaktan pa din ako and nahuhurt to know na meron siyang bago na naman knowing na meron siyang long time gf. What shoul i do po?"
"Isang taon na akong engineer,di masyado mataas ang sahod kasi bago palang, after 17yrs ng pag aaral simula kinder hanggang college idagdag pa ang 1yr preparations sa board exam, kala ko pag naging engineer ka na madali nalang ang lahat, kasi may title kana as "engr" , pero hindi pala ganun kadali ang buhay, expectations vs reality. Tanong ko lang, pano nga ba maging masaya? yung legit na masaya, oo ,tumatawa ka, oo , nakikipagbiruan ka sa iba pero dahil mag isa ka sa apartment di mo maiwasan minsan ang lamunin ng lungkot, yung tipong pagkauwi mo, parang pagod na pagod ka kahit wala naman masyadong ginagawa kasi office works ka, yung tipong parang may kulang sayo na hindi mo mapunan sa sarili mo. Isip ka ng isip ng kung ano,iyak ng konti, tulog, nxt day back to normal na naman. Minsan hinahayaan ko nalang kasi iniisip ko na isa akong propesyunal, na i should act as a professional na baka mawala yung posture ko. Pero ,tao lang din naman ako, nasasaktan at nagkakamali, di ko din alam kung ano problema sakin minsan pag mag isa. Pero di ko naman dinadala sa work. Ano po pwede niyo mapayo sakin mga boss?"
"Hingi lang po sana ako ng advice,nainlove po kasi ako sa isang single mom at dati rin siyang nagbebenta ng laman sa kadahilanang hirap sa gastusin dahil may sakit din ang kanyang ina at need ng maintenance na gamot. 1month palang kami since nakilala ko siya as Walker,naging kami agad at nangako siya na kahit kailan hinding hindi na niya babalikan yung dati nyang gawi. May ex din siya na minahal niya din at nagtagal sila bago ako. Ask ko lang sana if totoo bang kayang magbagong buhay ang dating Walker sa ngalan ng pag-iibigan naming dalawa? At paano po ba malalaman if seryoso talaga ang girl sa'yo? Salamat po."
"Bakit kaya yung matagal ng walang paramdam bigla bila nalang nag chat? Pakiramdam ko gusto niya akong tanungin eh pero hindi niya masabe, Baka ano isipin niyo pero bakit nga ba may mga taong bigla nalang uli nagpaparamdam? rereplyan ko po ba or hahayaan ko na lang?"
From the publisher's feed