"Nasa punto na ako ng buhay ko ngayon na pagod na pagod na. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Una nagkaroon ako ng trabaho pero dahil sa pandemic na to natanggal ako at labada linis at kung ano2 pang raket nalang ulit ang inaasahan kong paraan para mabuhay ko ang mga anak ko. Pag walang laba lang kita ang hirap. Gusto ko ng umiyak gusto kong sumigaw, Gusto ko mag wala pero di magawa kasi ayoko makita ng mga anak ko na nanghihina na ako. Pero sa totoo lang pagod na pagod na ako, Gusto ko ng magalit sa asawa ko. Kasi di niya ko matulungan mag hanap buhay para sa mga anak namin, Tapos ito nanaman, pinapalayas na kmi. Ni pangkaen nga sa araw2 pahirapan na pang upa pa kaya. Hindi ko na po alam kanino at san pa ako lalapit. Mga kamag anak ko hiningian ko na ng tulong pero kahit sila gipit na gipit din, Di ko na alam ang gagawin ko kulang nalang mamalimos ako para sa mga anak ko para makakaen lang sila. Nakakalbo na ako dahil sa stressed, Dati puro bukol lang ngayon poknat na. Bigyan niyu po sana ako ng encouragement at pampalakas ng loob."