LuponWXC Podcasts

LuponWXC Podcasts

By Luponwxc KumuComedyComedy Interviews
Download on the App Store

LuponWXC Podcasts episodes

  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 198 (Nicole)

    "Hi po ito po ay about sa ex ko na nagcheat saken. Ngayon nagparamdam nanghihingi ng closure. Hihingi daw po sya ng tawad nangungulit na makipag kita ako sa kanya. Sabi ko masaya nako wag nako kulitin. Ang dami kung sinabi sa kanya. Napamura pa nga ako. Ewan iniisip nya po ata na kapag nakapag kita ako magiging ok na kami. Hirap kasi magpatawad. lalo na kapag grabe yung ginawa sayo nung tao. Ngayon naka block po sya saken. Ano pong gagawin ko? Gagawin kopa ba sinasabi nya or putulin ko na laht ng communication namin? Sa ngayon d pako handang magpatawad."

    9 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 197 (Sanjie)

    "Pag sinabe po ni girl na, "ikaw bahala kung maghihintay o hindi" sa lalake. May chance po b yon? Thanks. Pano kung sinabe po yan ng girl sa isang guy na nangungulit sa kanya.. And may bf po yung girl n yun..  Mejo conflict lng sila ng bf nya."

    PS: ako po yung bf at gf ko po yung tinutukoy kong girl.

    14 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 196 (Tine)

    "Ask ko lang kung anong gagawin ko kapag nagkakagusto ako sa friend kong manhid at play boy? Matagal na kami magkakilala at opo, alam ko na manhid at playboy sya. Kilala ko din halos ng naging ex nya at nakalandian nya. Pero sa tuwing magbrbreak sila nung mga ex nya, ako "daw" lagi nya unang kinakausap para mapaglabasan ng sama ng loob. Ako naman tong si marupok, todo advice sa kanya. Ano po pwede ko gawin?"

    16 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 195 (Jo)

    "Ako lang ba ang nakakaramdam na parang dika belong minsan sa fam mo? Ung pakiramdam mo na ur near yet so far sa kanila. Hinahanap ka kapag wala ka. Tpos kapag andyan ka para ka namang bula? Kaya gabi gabi nag pray ako na sana tanggalin ni Lord sama ng loob ko sa kanila. Kase ang pangit tignan. Sa 24 years ko nabuhay sa mundo sanay ako kahit mag isa lang sa buhay. Though may financial support naman from my tito and papa, sanay ako na ako lang sa bahay mag isa. At pagdating sa trabaho ayoko ng gala. Ayoko ng nag aaksaya ng oras sa kakachismis sa buhay ng iba. So inshort I'm an introvert. So balik tau dun sa issue ko sa fam ko. Bakit parang pakiramdam ko ang baba ng tingin nila sakin? Bakit parang di rin cla supportive sakin minsan. Bakit pakiramdam ko walang ibang magaling sa kanila kundi ibang tao. Tapos kapag nagkakamali ako parang ang big deal. Bakit pakiramdam ko ayaw nila sakin?"

    17 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 194 (Grace)

    "So this past day nakakaranas ako ng depression. Andameng problema, di ko na kayang saluhin lahat, puro failures nangyayare saken tas puro judgement ng ibang tao naririnig ko even to my family. Di ako makapag labas ng nararamdaman ko im literally drain seriously! I think suicide is the only option to end this life, Need ko ng advise please."


    15 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 193 (Cassie)

    "Actually I need an advice po tungkol dito. Hindi ko alam kung pano to sisimulan sa dami ng tumatakbo sa isip ko pero I'll try.. Sabi nila walang mali sa pag ibig, pero kung sobra na, mali na daw yun, well how will you differentiate if its wrong or right? kapag nasaktan kana at nauntog ka sa pader at natauhan kana na tama na pagiging tanga mo? hmmn maybe. pero pano mo masasabi na hindi pa sya yung para sayo? pano mo masasabi na nasa tamang tao kana? pano mo masasabi na time will come at the right place at the right person kana? eh yung iba nga jan bagong kasal pero they end up broken. yung iba naman long partner relationship pero end up broken parin.  masasabi mo naman na they love each other (because nga married couple, yung iba may anak na, yung iba long-term partner) but why choose to end up apart? is it only means that love is not enough? marriage is not the basis to stay in your relationship? child is not enough to stay your partner together? and long term relationship is not the basis to not fall apart? what do you think?"

    14 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 191 (Max)

    "Last year, I met a guy na sobrang minahal ko. Actually, di ko po sya naging Boyfriend. M.U lang, wala kaming label and wala ding kami. Pero super sweet kami sa isat isa. Kung baga nafefeel ko na merong kami. Ang mali , ako kasi yung nag first move. Ako yung unang nagbigay ng motibo. Nag effort ako super like binibigyan ko sya ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Pagkain kapag nagugutom sya at regalo nung birthday niya. Kinantahan niya rin ako at di ko makalimutan yun. Ginawan niya pa ako ng kanta. Basta araw araw kami nung magkachat lagi gabi gabi yung parang wala ng bukas. Matanda po sya sakin. Nasa apat na agwat ang layo ng edad naming dalawa at alam niya yun . Ayun tuloy tuloy pero wla paring kami. Di niya ako niligawan pero ewan ko lang sa kanya. Hanggng sa nag school na ako, dun nagbago. Di na kami nagkikita. Cold replies and seens yung natatanggap ko na sa kanya. Nafefeel ko na baka busy lang sya pero di naman sya ganun dati kayat yun tinanong ko sya kun anong problema. Hanggang sya gusto niya ng tigilin lahat ng nafefeel ko para sa kanya. Kumbaga friends nalang kami. Ano po ba masasabi niyo? Naging totoo po ba yung nafefeel niya sakin o hindi? Kung oo bakit bigla niya nalang yun sinabi sakin. At bakit nagbago sya. Nagkulang ba ako? Ginawa ko naman lahat?"

    18 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 190 (Coffee)

    "May nobyo ako, actually live in kami at may anak kami na 7 months old. And before eh nasa maynila kami, sa mandaluyong. Dun ako nanganak and after 2 months ng panganganak eh umuwi kami ng lip(live in partner) ko dito sa bulacan. Mother's side naming magkakapatid and kasama namin sa bahay ung bunso namin na kapatid which is 17 yrs old na. The problem is ung kapatid ko. Natutuwa sa kanya nung una ung lip ko dahil tumutulong sakin sa bahay. Pero after 1 week na pamamalagi namin dito eh lumabas na ung ugali ng kapatid ko. Actually hindi naman talaga sya ganun dati nung magkakasama pa kami. May kusa sya kahit papano. Kahit papano lang ha, hindi ung talagang may pagkukusa. Pero ngayon hindi na, iba na. Kailangan uutusan mo palagi, kailangan magsasalita ka muna bago kumilos which is nakakapagod na sa part ko. Ung kapag pinagsasabihan mo tatahitahimik pero hindi mo alam kung ano ang nasa isip. Kapag pinagalitan ko mas galit pa sakin. Kahit kaharap namin ung lip ko pagsisigaw sigawan nya ako. Gusto kong sapakin pero alam ko kc na gaganti sya kapag ginawa ko un at baka magpang abot pa sila ng lip ko which is pinaka iniiwas iwasan ko. Hndi ko alam kung magbabago pa ba sya. I don't know what to do anymore. Isusumbong ko sa magulang namin pero wala naman din silang nagagawa dahil parehas silang wala sa poder namin."

    20 min
  • Isumbong Mo Kay Kute Ep 189 (A)

    "Nahihirapan ako mag open up sa kahit na sino kasi pakiramdam ko no one can understand kung bakit nga ba Ako ganito. Sinubukan ko mag open up sa mama ko pero Ang Sabi nya nababaliw lang daw Ako. Alam mo yun kaya siguro ayoko nalang mag talk Kasi puro judge lang matatanggap ko, the moment na tinatanong ako kung anong problema wala akong masabi na kung bakit ako malungkot. Hindi ko masabi pero ramdam na ramdam ko yung ang bigat bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung Ako lang ba Yung nakakaranas nito madalas umiiyak nalang talaga ako. Sinubukan ko Naman mag Sabi sa bf ko Sabi nya andyan lang daw sya para sakin pero pakiramdam ko nag iisa Ako. Yung tipong mas ginugusto ko nalang mapag Isa. Hindi din Ako makatulog Ng maayos kaya gusto ko lang mag Tanong sainyo kung ano ba tong nararamdaman ko. Ano po ba dapat gawin?"

    13 min

About LuponWXC Podcasts

From the publisher's feed

This is the official Kumu channel for all original entertainment shows starring your favorite talents. Currently showing Isumbong mo kay Kute, but also shows Patalinuhan and Tamang Usapan both on the…