"5 kami magkakapatid and growing up, ngiiba ugali ng bawat isa , so to cut the story short both my elder sibling after graduated to college choose to have a family so ending hindi sila nakatulong sa family. Im third among the 5th children imagine niyo ung bigat na dinadala ko ngayon, my father died last year and mom is ofw. Maswerte kami kasi my mama kami naghahanap buhay. Ang nangyare bigla napunta sakin ang responsibilidad sa 2 ko pa na kaptid na age 18 and 17 , ako ang tumatayong guardian. Nung buhay pa tatay namin im living my own na and independent na ko while c mama sinusuportahan ako sa college expense tuition fee. Ever since hindi ko close mga kaptid ko kc iba ugali nila. Even ung 2 ko na kapatid maka tatay kasi sila. Buhay ng tatay ko siya pala lahat gumagawa, cooking, pamamalengke and managing the house while working siya. Grabe ang dalawang bagets na kapatid ko super tatamad walang alam gawin kung hindi pupokpokin hindi babangon. So namatay na nga ang tatay at nakiusap mama ko na ako muna mag alaga sa kanila in short maging guardian. Marunong sila maghugas plato , un lng alam nila hindi sila marunong magluto. Eversince paguwi ko d ko sila nakita nagwalis sa labas ng bahay namin imagine living with them again for a year walang development. Mga tamad at batugan mga kababaing tao. Matatalino sa acads pero sa gawaing bahay wala. Ang nangyare inoobserve ko sila ung isa pag pinaprito ko ng egg or almusal nagaaway sila bakit daw ung isa nakahiga lang eh. Napapgod na ko alagaan sila ayuko sila kasama sa bahay at nasstress nila ako. Nagbibilangan sila ng gingawa. Imagine guys ako namamalengke ako pa magsasalansan ng pinamalengke ko ako pa ang magaayus sa ref ako taga luto grocery lahat lahat nakakapagod tapos nakikita ko sila ang tatamad nagbibilangan ng ginagawa walang development. Ano ba maganda gawin??"