Isang podcast na bumabalik sa madilim na alaala ng Negros Occidental noong dekada ‘80 kung saan ang inosenteng paglalakbay ng mga batang mag-aaral ay nauwi sa bangungot ng kasamaan. Sa episodyong ito, maririnig ninyo ang takot, paghihirap, at pagmamahalan ng magkakapatid na pilit lumalaban sa gutom, kahirapan, at isang bangkerong halimaw na nagkukubli sa katauhan ng tao.