Isang podcast na naglalantad ng tunay na kalbaryo ng magkakapatid na pinilit mabuhay sa gitna ng gutom, karahasan, at kawalan ng pagmamahal mula sa sariling tahanan. Sa episodyong ito, maririnig ninyo ang walang takas na sakit mula sa kamay ng ama at madrasta, ang inosenteng tapang nina Reno, Nora, at Jessie, at ang mga lihim na sugat na dulot ng pang- aabuso at kapabayaan. Kilalanin ang kabutihan at katatagan ng tatlong batang nagtutulungan para mabuhay, at ang kalupitan ng pusong walang malasakit na dapat sana’y nagbibigay proteksiyon at pagmamahal ng lahat.