"Itago niyo na lang ako sa pangalang Gina. Balik probinsya kami mula nang magka-pandemya. Dahil sa takot namin na bumalik ng maynila ay wala kaming choice kundi maghanap ng trabaho at mag stay na for good dito sa probinsya namin. Malaki ang changes pagdating sa sahod kumpara sa Manila pero kinakaya naman. Ang problema namin ngayon ay mula nang magkasakit ang aming anak na kinailangan ng malaking gastos at wala kaming upon na kayang sagutin yon. Dito naman pumasok ang dati kong bf na nay kaya ang nang offer ng tulong. At dahil sa pride at selos narin na dati na naming napag awayan kung bakit dito kami sa aming probinsya, ay ayaw niyang pumayag. Wag ko raw kakausapin ang ex ko. Kung kailangan mangutang ay gagawin namin, na siya namang ayaw ko dahil sa hirap ng buhay ay malaki ang interest. Bukal naman sa loob ng ex ko ang tumulong dahil sa pinagsamahan raw namin noon. Papaano ko ba paiintindi sa asking asawa na para naman sa aming anak ang tulong na yun? Sana matulungan niyo ako."