"Ano po ang kailangan ko gawin para hindi ako laging binu-bully? Highschool pa lang po kasi ay ako na ang madalas nabu-bully sa aming barkada. Siguro dahil sa aming lahat ako ang walang bisyo. Utusan, inaasar, pinapahamak. Akala ko tapos na nang mag college ako, pero ganun parin. Ako parin ang naging sentro ng pangbu-bully ng mga bago kong kaibigan. Mabait ba ako masyado kaya ako nabu-bully? Kailangan ko ba pakisamahan ang mga trip nila at maging matapang? May kailangan po ba akong baguhin sa ugali ko? Sama po matulungan nyo ako. - Chad"