"First time ko makakapunta sa ibang bansa in October kaya kinakabahan ako. Mahina kasi ang loob ko mag explore magisa lalo na sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Naimbitahan kasi ako ng bff ko na nasa Australia. Pero dahil may trabaho siya, weekend lang kami makakalabas. Nagkataon naman na nandun pala ang Ex ko na nakaalam ng pagpunta ko dahil sa post ni bff. Nag offer siya sa akin na ipapasyal niya ako tuwing nasa trabaho si bff. Parang gusto tanggapin dahil sayang rin ang 2 weeks kung minsan lang kami makakapasyal ni bff. Pero si Ex kasi ang biglang nangiwan sa akin 5 years ago. Nalaman ko na lang na nag migrate na pala sila. Tanggapin ko ba ang offer niya? Di ko pa sinasagot message niya. Hindi ko parin nasasabi sa bff ko. Sana matulungan nyo ako. - Precy"