"Ano ang gagawin mo kung ikaw si Riri?" “Hi Catmac at sa lahat ng nakikinig. Tawagin niyo na lang po akong Riri. Gusto ko sana humingi ng payo hindi tungkol sa akin pero para sa bff ko na sobrang inlove sa isang lalaki na committed na. 2 months n amula nang pumayag siyang maging kabit dahil mahal raw niya at pinangakuan siyang bibilhan siya ng bahay. Opo, mayaman ang lalaki at nakita ko naman na masaya sila tuwing sinasama nila akong lumabas. Pero ayaw kong masaktan ang bff ko sa bandang huli lalo na kapag nalaman ito ng asawa ng lalaki. Ang problema, ayaw makinig sa akin ng bff ko tuwing pinagsasabihan ko siya. Minsan naisip ko na mag selfie na nasa background sila at i-post sa FB para mahuli ng asawa ni lalaki. Tama kaya yun? Ano pa ba ang pwede kong gawin para makumbinsi ko siyang makipaghiwalay sa lalaking yun?” #SituationWednesday #OneLangYan