M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | May 10, 2023
"Pakitago na lang po ako sa pangalang Karen. Pangalawa at nag-iisa sa tatlong magkakapatid na magkakaiba ang ama.
Maaga nagkaanak si nanay sa unang kasintahan niya na hiniwalayan niya dahil iresponsable. Sumunod naman ako makalipas ang 6 years. Akala ko noon ay tatay ko na ang huli dahil 11 years rin kami naging pamilya bago sila naghiwalay dahil naman sa ibang babae. Nalaman ko na lang after 3 years na buntis uli si nanay sa ibang lalaki na hiniwalayan rin siya after 4 years dahil may iba rin palang pamilya.
Tanggap naman naming magkakapatid ang aming kapalaran dahil kahit magkakaiba ang aming ama ay nag-iisa naman ang nanay namin na sobrang maaruga at mapagmahal. Never niya pinaramdam sa amin na hindi kami isang pamilya. Sa totoo lang ay naaawa ako kay nanay dahil nakikita ko na gusto rin niya lumigaya at mahalain ng totoo pero laging nauuwi sa wala.
Ang problema, napansin ko na meron na naman umaaligid kay nanay ay mukhang nahuhulog nanaman loob ni nanay sa kanya. 43 years old na si nanay at ayaw na namin na masaktan uli siya. Pwede ba namin sabihin sa kanya na tama na at ibuhos na lang niya ang atensyon niya sa amin at sarili niya? Gusto ko hikayatin ang kuya ko na pagsabihan si nanay. Sana mapayuhan niyo ako.
#OneFM#Catmac#OneLangYan#SituationWednesday