M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | April 26, 2023
Ano ang gagawin mo pag na-budol ka ng tinuturing mong BFF?
"Hindi ako naniniwala sa kasabihan na kung walang magpapaloko walang manloloko, dahil sino ba naman ang gustong lokohin? I'm sure wala. Pero bakit kahit anong ingat natin ay naloloko parin tayo? Sadya kayang magaling lang silang magpanggap? O mahina lang kumilatis ang mga naloloko?
Ganyan po kasi ang nangyare sa akin ng tangayin ng tinuring kong bff ang ipon ko at mga alahas at biglang naglaho. Hindi ko akalain na gagawin niya yun dahil almost 3 years na kaming magkaibigan at nakitira rin siya sa akin mula nang mag lock down. Simple at tahimik ang pagkakakilala ko sa kanya. Old school dahil walang arte sa katawan at walang social media accounts. Trabaho at bahay araw araw dahil nasa probinsya ang mga magulang. Pero lahat ng yun ay nagbago matapos siyang nag alsa balutan mahigit 1 week na. Sinubukan kong hanapin sa Facebook pero wala ang pangalan niya na feeling ko ay hindi totoo. Pati sa sinabi niyang trabaho ay pinuntahan ko pero wala raw sila empleyado na may ganung pangalan, kahit sa picture ay hindi nila kilala. Mula nun ay narealize ko nang naloko nga ako.
Alam ko na material na bagay lang ang mga nawala at pwedeng mapalitan. Nakakainis lang isipin na sa ganun lang pala mapupunta ang pinaghirapan ko. Pero sa tingin ko mas mahirap na sa akin ang magtiwala uli dahil sa nangyare. Gustuhin ko man, pero papano ako makakasiguro uli? Sana matulungan nyo ako. - Precy"