“Akala ko ay walang pinagkaiba ang sitwasyon ko with my current girlfriend. Dahil kagaya rin po ng lahat ng nasa relasyon, hindi talaga maiwasan ang away dahil sa selos o sobrang possessive ng isa. Ok lang naman sa akin yun dahil mas nakikilala natin ang ugali ng partners natin. Pero lahat po ng inakala kong normal sa relasyon namin ay nagbago last month lang. More than 7 months na kami ni “P”, pero wala pa pang nangyayare sa amin dahil hindi pa raw siya ready na nirespeto ko naman. Kaya maliban sa small arguments ay naaayos rin namin agad, patunay na mahal namin ang isa’t isa. Pero kagaya po ng sinabi ko, may nagbago sa natuklasan ko. Nalasing kami pareho one night sa isang birthday ng kaibigan at sumama siya sa bahay at doon muntikan may mangyare sa amin. Hindi kasi namin mapigilan ang moment kaya tuloy tuloy ang pangyayare, hanggang sa natuklasan ko na lalaki rin pala siya sa ibaba! Parehas kaming nagkagulatan nang mahawakan ko, at biglang nahimasmasan. Halos masuka ako hindi dahil sa kalasingan kundi sa nalaman ko. Ang tanging nasabi niya lang ay “sorry” sabay takbo palabas ng kwarto at bahay. Ako naman ay hindi nakatulog ng gabing yun kakaisip kung bakit niya sa akin tinago yun at kung bakit hindi ko napansin sa kanya. Kaya pala sinasabi niya lagi na hindi pa siya ready. Hanggang ngayon hindi pa kami naguusap at parang nakakaramdam rin ako ng guilt dahil i took advantage that night. Pero magkahalong awa at galit ang nararamdaman ko. May dapat pa ba akong gawin? - Vin?