“Pakitago na lang po ako sa pangalang Rick. May nangyare sa amin ng aking half sister, pero last June pa ito, bago pa namin nalaman ang aming connection. Nagkayayaan kasi ang tropa noon sa isang bar na nauwi sa pag table ng babae, and the rest is history. Noon pa man ay nagsabi na sa amin si papa na ipapakilala na niya sa amin ang kanyang naging anak sa pagkabinata na matagal narin niyang inamin kay mama at sa amin na amin narin namang natanggap. Sa probinsiya kasi ito lumaki at nanirahan kasama ang kanyang ina kaya’t hanggang FB lang namin nakikita. So nangyare na nga ang hindi inaasahan sa aming reunion last December, almost 3 months after ng gabing yon. Pagdating pa lang niya sa bahay, bago pa lang siya ipakilala ni papa ay nagkatitigan na agad kami. Para bang parehas ang naramdaman namin na gulat at kaba. Nagkuwari na lang kami sa harap ng aking parents pero halos hindi kami makapag usap at tumatagaktak ang malamig kong pawis. Hindi ko man kasi siya tanungin ay sigurado na agad ako na siya ang nasa bar dahil sa awkwardness na nakita ko sa kanya nang makita niya ako at ipakilala siya si papa sa amin. Aaminin ko, hindi ko talaga siya nakilala sa bar dahil iba ang itsura niya sa FB. Mula nun ay hindi pa kami naguusap. Hindi ko rin alam kung dapat ba at kung papano? Ayaw ko kasi itong nararamdaman ko na guilt. Sana matulungan niyo ako.”