"Kailan lang ay pumanaw ang aking Ex girlfriend dahil sa matinding sakit. 8 years rin ang pinagsamahan namin kaya close kami ng mga kamag anak niya, kapatid at magulang. Muntikan narin kami magpakasal 3 years ako kung hindi ko lang siya nahuli na may iba. Ikinagalit rin Ito ng mga magulang niya kaya kahit naghiwalay kami ay patuloy ang communication nila sa akin. Almost a year ago ay nagkaron na ako ng bagong girlfriend. May mga similarities sila ng Ex ko physically pero sa ugali ay medyo iba. Isa na rito ang pagiging selosa, kung kaya't pati pagpunta sa lamay ng Ex ko ay ayaw akong payagan. Gagawin ko naman yun para sa mga magulang ng Ex ko na nagiimbita sa akin na dumalaw bago ang libing sa Sabado. Mahal ko ang girlfriend ko, pero nahihirapan ako ipaintindi sa kanya na pakikiramay lang naman ang gagawin ko at hindi dapat pagselosan ang patay. Sana matulungan nyo ako. - Mon"