"Single, may humor, medyo seryoso at mahal ako. Yan ang standards na gusto ko sa isang magiging ka-relasyon ko. Pero mukhang imposible ata na makita ang lahat ng yan sa isang tao dahil dalawang manliligaw ko ang pinagpipiliian ko ngayon, isang palabiro na masasabi kong masaya talagang kasama, pero hirap ko makita kung seryoso ba siya sa akin. At ang isa naman ay seryoso na ramdam ko ang sinseridad, pero medyo boring minsan. Wala sa kanila ang seryosong palabiro kaya hirap ako pumili. Hindi rin naman kasi ako tumitingin sa itsura masyado. Mas importante sa akin kasi ang paguugali. Para sana may bf na ako sa Valentines, sana matulungan niyo ako. - Xyla"