Pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang kamay, at may gusto ring isumbong si Jesus. Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga. At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At hindi sila umimik. Kaya tiningnan niya silang lahat, na nagagalit at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso, at sinabi sa lalaki: “lunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito. Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.
Iunat mo ang iyong kamay! Isang makahulugang atas. Atas na nagpanibago ng buhay ng taong may patay na kamay. Maaaring hindi lang ng kamay kundi ng kanyang buong pagkatao. Kung siguro tayo ang witness ng nangyari, mapapa-OMG tayo. May kasama pang wow emoticon! Alam nyo, mga kapanalig, kapag bumababa ang sigla ng aking spirit, bukod sa prayers, nanonood ako ng American o British Got Talent. Marami doon na sumasali na may golden voicespero may pinagdaraanan sila na mabigat na problema. O kaya, may traumatic experiences na hindi pa nila na-oovercome. Halimbawa, bullying, mga frustrations sa buhay, o non-acceptance dahil handicapped. Pero sa pag-stretch ng kamay to reach the golden buzzer mula sa isang judge, at sa pag-ulan ng golden confetti sa kanilang kabuuan, nagkakaroon sila ng panibagong buhay. Katulad ni Simon Cowell, alam nyo ba na naging nightmare child siya? Sa kanyang mga kamay, kamuntik na niyang masunog ang kanilang bahay just to prove na walang Santa Claus. Ten years old lang siya, sa kanyang mga kamay sinira niya ang kotse ng father nya. Naghi-jack din siya ng isang bus. It was a pretend hijack na hawak sa kamay niya ang pretend gun. Kaya nakulong siya. Marami ang ginawa ng mga lito niyang kamay noong bata pa siya. Ngayong producer na completely changed na siya. Marami na siyang nabigyang buhay dahil sa golden buzzer. Tulad ni Kodi Lee, bulag na, autistic pa. Magaling ang bises. Mahusay mag-piano. Si Jane Marczewski noong nabubuhay pa siya. May taning na ang buhay niya noon dahil sa cancer sa lungs, sa spine at sa liver. Inilaban niya ang original song niya na “It’s Okay.” Mula sa dating mapinsalang kamay ni Simon Cowell, na-transform sa nakakapagbigay-buhay. Inaamin ko na napapaiyak ako kapag hindi masukat ang tuwa ng nakakatanggap ng golden buzzer tulad ni Kodi, ni Jane. In watching that program para na rin akong nakakapanood ng live miracle. Ako rin, natatransform. Nagkakaroon ng buhay mula sa panghihina ng kalooban. Maraming Simon Powell sa atin ngayon. Mayroon din tayong pinagdaanan na “tigas ng ulo o tigas ng puso moments” pero may conversion experience din tayo. Sa pag-stretch ng kamay natin, nagiging golden buzzers na rin tayo. Dahil dito, nagiging-panibagong wangis tayo ni Jesus para sa iba. Kaya ngayong Bagong Taon, puspusin natin ng golden confetti ang kapwa natin. W.O. L.O. We only live once. Narito ang golden confetti Tanggapin at ibahagi ang buhay na galing kay Jesus.