PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita | Enero 14, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita | Enero 14, 2023  

    Sabado sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Marcos 2:13-17

    Pumunta si Jesus sa tabing-dagat at lumapit din sa kanya ang lahat. Kaya nagturo siya sa kanila. Nakita naman niya sa paglalakad si Levi na anak ni Alfeo, na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo ito at sinundan siya. Habang nanunuluyan naman si Jesus sa bahay niya, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Talagang ngang marami sila. Ngunit may mga guro ng Batas namang sumusunod sa kanya. Nang makita nila na nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang alagad: “Ano! Kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit! Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”

    Pagninilay:

    Ang ating pagbasa ngayon ay nagpapakita ng kagandahang loob ni Hesus. Tuwiran Niyang sinabi na pumarito Siya hindi para sa mga mabubuti kundi sa mga makasalanan. Binibigyan ba ni Hesus ng pribilehiyo ang mga makasalanan? Sa biglang isip ay posible at maaari. Sapagkat si Hesus mismo ang nagsabi na pumarito Siya hindi para sa mabubuti kundi para sa mga makasalanan. Kung nasusubaybayan natin ang kwento at buhay ni Hesus ay makikita natin kung paanong binigyan ni Hesus ng kahalagahan ng pakikisalamuha sa mga tao. Una, ang pagdalaw ni Hesus sa magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria, kanyang mga kaibigan. Ikalawa, sa kanyang mga alagad. Ikatlo, sa mga publikano at mga makasalanan. Pumarito si Hesus at nakipamuhay para sa lahat. Meron nga lamang ibayong pagpapahalaga sa mga publikano at makasalanan. Kung sa ating pamilya maaaring karanasan natin ang magkaroon ng tinatawag na pasaway, barumbado “Black Sheep“ kung baga. Ano ang trato natin sa kanila? Pabayaan na lang? Isumpa? Palayasin? O ituring natin ang karanasang ito bilang paanyaya ng Diyos na maipadama natin ang Kanyang pag-ibig. Baka sakaling sa pamamagitan ng mabuting pakikipag-usap sa kanila, pagpapayo, pagpapadama ng ating pagmamahal at maging daan ng kanilang pagbabago. Mga kapanalig, hayaan nating maging daluyan tayo ng pag-ibig ng Diyos sa ating pamilya, sa ating kapwa at kapit-sambahayan. Amen.

    - Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul

    5 min
  • A THOUGHT A DAY | January 14, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • Mabuting Balita l Enero 13, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita | Enero 13, 2023 

    Biyernes sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Marcos 2:1-12

    Pumasok si Jesus sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pituan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat. At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?” At agad na nalaman ni Jesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad’? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” “Iniuutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang paralitiko, agad na kinuha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma’y hindi pa kami nakakakita ng ganito.”

    Pagninilay:

    Nang umuwi si Jesus sa tinitirhan niya sa Capernaum, nagtipon ang maraming tao at siya ay nangaral. May isang paralitiko na nakahiga sa duyan, dala ng apat katao at hindi nila maipasok upang ilapit kay Jesus dahil sa dami ng tao. Umakyat sila sa bubong, gumawa ng malaking siwang at ibinaba sa harap ni Jesus ang paralitiko. Nang makita ito ni Jesus, kanyang sinabi: “Anak, pinatatawad and iyong mga kasalanan.” Namangha ang ilang Escriba na naroroon at inisip nila na nilalait ni Jesus ang Diyos na siya lamang may kapangyarihang magpatawad ng kasalanan. Sapagkat alam ni Jesus ang kanilang iniisip, sinagot sila at sinabing ang anak ng tao, (tawag ni Jesus sa kanyang sarili) ay may kapangyarihan ding magpatawad ng kasalanan. Gumaling agad ang paralitiko at siya ay pinauwi ni Jesus na bitbit ang kanyan higaan. Dito natuwa ang mga tao sapagkat ayon sa kanila, noon lamang sila nakakita ng ganoong pangyayari at nagpuri sila sa Diyos.

    Bakit inuna ni Jesus na patawarin ang mga kasalanan ng paralitiko? Una, nakita marahil ni Jesus na ang paralitiko ay may nagawang masama na siyang sanhi ng kanyang karamdaman sa katawan. Alalahanin natin na may mga sakit ang tao na ang dahilan ay kanila ding sariling kagagawan: ang pagpapabaya o pang-aabuso ng katawan, pagkain ng labis at ng mga ipinagbabawal na pagkain, ang labis na pag-inom ng alak at mga inuming masama sa katawan, ang labis na paninigarilyo, ang pagka lulong sa droga, o ang paggawa ng masasamang gawain.

    Higit sa lahat, malaki ang pananampalataya ng paralitiko at ng mga nagdala sa kanya. Ang ating paniniwala at pananampalataya ay ginagantimpalaan ng Diyos. Gaano ba kalaki ang ating tiwala sa kanya? Naniniwala ba tayo na siya ay ating Ama? Pinaniniwalaan ba natin ang mga utos ng Diyos at ng Simbahang Katoliko? Nagbabasa ba tayo ng Biblia at isinasabuhay natin ang mga itinuturo doon?

    6 min
  • JANUARY 13 - ST. VERONICA OF MILAN l PATRON OF BINASCO, MILAN, ITALY

    ST. VERONICA OF MILAN l SHE IS THE PATRON OF BINASCO, MILAN, ITALY.

    Feast Day: JANUARY 13


    Our saint for today, St. Veronica of Milan, was a lay-Sister, who because of poverty never learned to read or write. But her parents taught her how to pray and how to live a virtuous life. Since she nourished a strong love for Jesus, and to be of service to others, she desired to become a nun. But her ignorance was an obstacle to her cherished dream. Therefore, she used to rise at night, tried to teach herself how to read, but it was so difficult. One night, the Virgin Mary appeared to her and told her that what she was doing was not necessary. There are only three things a person ought to do: to be pure and have the purity of intention in every circumstance in life; to mind one’s own business, avoid grumbling, murmuring and judging others; to forget one’s problems and sufferings and instead pray and meditate on the life and passion of Jesus every day. Fortunately, Veronica was on the right track so she needed not to study. St. Veronica was born in Binasco, a small village in Milan, Italy on January 13, 1445. They were poor and at an early age she began helping her parents in all household chores and in the fields. While working with other families in the fields, she would avoid the frivolous jokes, songs and stories of her companions. Instead of confronting them, she just prayed for their conversion. At age 22, after three years of preparation, she was admitted to the Augustinian Order as a lay-Sister at their convent at St. Martha in Milan. Due to her lack of instruction her work was to beg for food from door to door to sustain the community of Sisters. She was very obedient to the superiors because she believed that in obeying them she was obeying God. She was gifted with seeing visions of the Virgin Mary, and scenes from the life of Jesus Christ, but they never interrupted her work. In fact, those visions increased her love for God and her generosity to work and serve others. Once, in 1494, she received from Jesus a message for Pope Alexander VI. Since the superiors believed in the holiness of her life, and the authenticity of her visions, she was allowed to go to Rome to deliver the message. After three years in doing that simple and humble work of begging she got an illness which was not very serious. She was able to keep it to herself and continued to do her religious duties. But she suffered yet never complained. In such a condition, she was heard saying: “I must work while I can, while I have time.” Sr. Veronica sought always to be the last in the community. She wanted to do the hardest job and the humblest work of all. And she was happy to offer them all to Jesus. After a few more years, she contracted a more serious disease which she endured for six month and then she died in 1497, on the 30thyear of her religious profession on the day she herself had predicted, at the age of fifty-two. Miracles were attributed to her. Pope Leo X permitted her veneration in her monastery and Pope Clement X extended it to the entire Church. In 1749, her name was included by Pope Benedict XIV among the martyrs of the Church, indicating that her life was a silent martyrdom. Her feast day is January 13, although in the Augustinian Order, it is celebrated January 28. She is the patron of Binasco, Milan, Italy. “St. Veronica please pray that we may learn to be pure, prayerful, humble and obedient so that one day we may be your co-citizen in Heaven.”

    Do I waste my time in doing useless and worldly things, not necessary for my eternal salvation?

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | January 13, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | January 12, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    5 min
  • Mabuting Balita l Enero 12, 2023 – Huwebes

    Mabuting Balita l Enero 12, 2023 

    Huwebes sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Marcos 1:40-45

    Lumapit sa kanya ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.

    Pagninilay:

    Nagbabakasakali ang ketongin sa ebanghelyo. “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Isa ang ketong sa mga sakit sa balat na kino-considersa Old Testament bilang unclean. Hindi lamang ito sa pisikal na konteksto kundi pati na rin sa social at religious na konteksto. Kung gayon, sa sinaunang lipunan ng mga hudyo, ang mga ketongin ay maituturing na outcast o itinakwil na ng lipunan. Kaya naman itong ketongin, out of desperation siguro, ay lumapit kay Hesus. At imagine-in niyo na lang ang nagtataasang kilay ng mga usisero’t usiserang marites nang piliing pagalingin ni Hesus ang ketongin. Sabi sa ebanghelyo, “nang dahil sa habag, tumugon si Hesus, ‘Ibig ko ay gumaling ka.’” Sa mga mas matatandang translation ang ginamit ay, nang dahil sa “galit.” Galit ni Hesus, hindi sa ketongin, kundi sa mas pagpapahalaga ng lipunan sa mga Purity Laws na nag-diskrimina sa ketongin at nagdulot sa kanya ng mababang pagtingin sa kanyang sarili, bilang mas nakabababang-uri kaysa sa kanyang mga kababayan. Dahil dito’y tuluyan ngang gumaling ang ketongin.

    Ngayon, nangungusap sa atin ang ebanghelyo. Marahil, tayo ang ketonging nag-aalangan lumapit kay Hesus dahil diring-diri tayo sa ating sarili dahil alam nating hindi tayo matanggap ng ating kapwa nang dahil sa ating mga malalang “ketong” --- kasalanan, tinatagong kasamaan, kasinungalingan, atbp. --- sa buhay. O pwede ring tayo ang mga taong humahadlang sa tuluyang paggaling ng ating mga kapwang may “ketong.” Anu’t anupaman, isang katotohanan ang hindi nagbabago: narito si Hesus, handang magpagaling. At pagagalingin ka niya, ikaw man ang maysakit o ang taong humahadlang sa pisikal, emosyonal, o espiritwal na paggaling ng iyong kapwa.

    - Cl. Ian Gabriel Ceblano, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Enero 11, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita | Enero 11, 2023 

    Miyerkules sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Marcos 1:29-39

    Pagkaalis niya sa sinagoga, tumuloy si Jesus sa bahay nina Pedro at Andres, kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang biyenan ni Pedro at may lagnat, at agad nila itong sinabi kay Jesus. Kaya lumapit siya, hinawakan ito sa kamay at ibinagon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, nang dumidilim na, dinala nila kay Jesus ang lahat ng maysakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan. Maraming may ibat-ibang sakit ang pinagaling ni Jesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas; ngunit hindi niya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino siya. Kinabukasan, maaga siyang bumangon at umalis. Pumunta siya sa isang ilang na lugar at doon siya nanalangin. Hinanap siya nina Pedro, at pagkakita sa kanya ay kanilang sinabi: “Hinahanap ka ng lahat.” “Tayo na sa ibang lugar, sa maliliit na karatig-nayon para makapangaral din ako roon; dahil dito kaya nga ako lumabas.” At naglibot siyang nangangaral sa kanilang mga sinagoga sa buong Galilea at nagpalayas ng mga demonyo.

    Pagninilay:

    Kapag nagkasakit tayo, parang the world stops spinning. Gaano man ka-importante ang ginagawa natin, hindi natin ito maipagpapatuloy dahil hindi natin kayang kumilos ng normal. Totoong malaking dilemma ito sa atin. Sa bagong sub-variant ng omicron, na nag-eevolve sa iba-ibang genetic mutations, patuloy pa rin ang symptoms na anosmia o walang pang-amoy, ageusia o walang panlasa, at asthenia o hinang-hina ang katawan. Kaya naman sa oras na nadapuan tayo ng virus, ang dasal natin, gumaling agad. Alam ni Jesus Maestro ang ating hinaing. Naririnig Niya ang ating hiling. Tulad sa Mabuting Balita, pumaparoon Siya sa mga nagkakasakit at sa mga inaalihan ng demonyo. Siya ang lunas ng may karamdaman. Pinapahiwatig dito na walang ibinibigay na sakit ang Diyos. Saan galing? Sa pwersa ng sumasalungat sa Kanya. Mula ito sa masama. Pero, God’s holy power is always greater than any virus, cancer, or diseases and illnesses.Mula sa Kanyang kabutihan, ginagawa Niyang daluyan ang mga sakit ayon sa Kanyang perfect will. Una, hinuhubog tayo sa ating Christ-like character. Ikalawa, paraan ito ng pagpapadalisay ng ating kalooban. If we are tested with fire, tinutupok ni Lord ang mga hindi magaganda sa atin. Mahalaga ito dahil namumuhay tayo sa mundo ng may sugat sa kasalanan. Kapag nasubok na tayo sa apoy, o sa wikang Griyego na peirasmos, pinatatatag natin ang integridad ng pagiging kawangis ng Diyos. Ikatlo, pinapatibay ang harmony ng ating kalooban. No war or disorder between our flesh and spirit. At maluwag sa puso na dinidisiplina natin ang personal nating hilig at ipinipihit sa kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan, sa ating karamdaman na ginagawang daluyan ng Diyos, nagiging daluyan ito ng Kanyang kaligtasan para sa lahat. Kaya’t kung nagkakasakit tayo, kalma lang. I-alay natin ito sa Diyos at sabihin: O karamdaman, nasaan ang iyong kamandag? Walang magaganap sa balak mong hungkag. Tumalima ka sa Diyos na ang pag-ibig ang sagisag!

    - Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | January 11, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    7 min
  • A THOUGHT A DAY | January 10, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.