Mabuting Balita l Pebrero 28, 2024 – Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Nang Umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa, at habang nasa sa daan ay Sinai niya sa kanila; “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak
ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas at maghahatol sa kanya nng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin, at ipako sa krus. Ngunit babangon siya sa Ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina
Jaime at Juan kasama ang dalawa niyang anak, at lumuhod sa harap niya para makiusap. Tinanong siya ni Hesus: “Ano ang ibig mo?” At sumagot siya: “Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong
kaliwa s aiyong Kaharian.” Sinabi ni Hesus sa magkapatid:
“Hindi niyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” Sumagot sila: “Kaya naming.” Sumagot si Hesus: “Totoong iinum din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi: “Alam n’yo na
sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ang mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod n’yo; ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi
para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”
Kapag umuuwi ako sa amin para bisitahin ang aking Nanay na 86 years old, nalalaman ko sa aming pag-uusap ang kanyang mga hangarin pa sa buhay. Nasabi ng Nanay ko na kahit may edad na sya, patuloy pa din ang kanyang pagdarasal na harinawa, pahabain pa ng Diyos ang kanyang buhay. Ang sabi ko naman, pinagpala na si Nanay dahil sa edad na walumpu’t anim, siya’y nakapaglalaba pa, nagluluto, naglilinis ng bahay, at iba pang mga gawain sa bahay. Sabi niya, kaya gusto niyang humaba ang
buhay, ay dahil gusto pa nyang matiyak at makita, kung paanong kaming mga anak at mga apo nya ay nabubuhay. Marahil ganito ring saloobin ng isang ina, ang ipinapahiwatig sa narinig nating Mabuting Balita. Ipinakiusap ng ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo sa Panginoong Hesus, na kung maaari, maupo ang
kanyang mga anak sa kanyang tabi, isa sa kanan at isa sakaliwa sa kanyang kaharian. Pero, ang bagay na ito ay tanging Diyos Ama lamang ang nakababatid, kung kanino nga ba nakahanda ang kanan at kaliwang pwesto ni Hesus. Mga kapanalig, ang Simbahan at mga namumuno dito sa pangunguna ng Santo Papa, ay nagtuturo at nagbibigay gabay kung paano tayo mamumuhay bilang mga kristiyano. Manatili nawa tayong bukas sa mga turo at gabay ng ating mga lingkod na mga pari upang magabayan
tayo patungo sa langit na ating pinapangarap. Amen.