PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Marso 8, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Marso 8, 2024 – Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma



    Ebanghelyo: Marcos 12:28-34

     May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una:

    'Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong ating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buong pag iisip at nang buong lakas. At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong
    kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa kaysa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng mga batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarilui ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang
    nangahas magtanong sa kanya.

     

    PAGNINILAY:

    Isinulat ni Sr. Reajoy San Luis ng Daughters of St. Paul ang

    pagninilay sa ebanghelyo.  “Ibigin mo ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.”
    Madaling sabihin pero mahirap gawin. Kasi paano nga ba magmahal ng buong puso, isip at lakas. Bakit napakahirap para sa karamihan sa atin ang gawin ito, samantalang buo naman, at kahit sa umpisa ay minahal na tayo ng Diyos. Hindi natin maitatanggi na may kanya-kanya tayong karanasan sa buhay, lalo’t masasakit o sanhi ng pagkadurog ng ating puso at pagkatao, na sa kalaunan, nawawalan tayo ng pag-asa at paniniwala, sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos. At dahil sa mga karanasang ito, nakakalimutan natin ang sukdulang ginawa ng Diyos, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa atin. Kaya nga, kung hindi natin maibabalik ang pananampalataya sa pagmamahal ng Diyos, mahirap ding mahalin ang ating kapwa at sarili. Hindi rin ibig sabihin na kailangang buo, at wala na
    tayong peklat ng mga sugat ng mga masasakit na karanasan sa buhay. Kapatid, kung iisipin, walang mahirap gawin kung ibabalik natin ang lubos na pananampalataya sa Diyos na tanging makakapagpabago ng ating puso, kahit tumigas na ito --- buksan at hayaang gumalaw ang grasya ng Espiritu Santo, para
    muli tayong mabuo, at maging bukas sa pagmamahal – sa Diyos, sa ating kapwa at sa ating sarili. Sa panahong ito ng kuwaresma, isa ito sa hilingin natin sa mapagmahal nating Diyos.

    Manalangin tayo: Panginoong Hesus, hilumin po Ninyo ang mga sugat at sakit na nagiging hadlang sa aming magmahal ng lubos. Sa aming pagninilay sa hirap na dinanas mo para sa amin --- wag po sana naming sayangin ang pagkakataong, mabuksan muli ang aming puso, nang sa gayon ay maging bukas kami na mahalin ka, at ang aming kapwa. Amen.

     


    5 min
  • WALKING WITH THE SAINTS l FEAST OF ST. JOHN OF GOD, PATRON SAINT OF HOSPITALS, NURSES AND SICK PEOPLE l MARCH 8

    WALKING WITH THE SAINTS l FEAST OF ST. JOHN OF GOD, PATRON SAINT OF  HOSPITALS, NURSES AND SICK PEOPLE l MARCH 8

    Have you heard about the Hospitaller Brothers? Religious men who take care of the sick and psychiatric patients? Friends, we are presenting today St. John of God, the founder of that institution and whom the Church proclaimed as the patron of hospitals, nurses, the sick and a few other things attributed to him. John was born Joao Cidade Duarte on March 8, 1495. At the age of seven, Joao left his home, to help an old mendicant monk beg money, food and clothing for the sick and needy, but he got ill, lost his way home and was adopted by a family

    who employed him as a shepherd until he was 27 years old. He then joined the Spanish army, and went to France for the battle, but his companions disliked him because, although he had still many imperfections, he behaved gentlemanly, not like them. He was falsely accused and was sentenced to be hanged, but some
    officers testified in his favor and he was instead dismissed from the army. He went back to Spain and became a shepherd again. At age 38, he decided to work in Africa to ransom the slaves, but was not successful. He returned to Spain, settled in Granada and became a peddler of secular books. When he heard a sermon from St. John of Avila, who later became his spiritual director, he
    started to give away those books and all his money and began to beg alms for the needy. People insulted him and tried to throw mud at him, thinking that he was getting mad. Some good fellow brought him to the hospital for the mentally ill. He was put in a dirty dungeon with tied hands and feet. St. John of Avila
    visited him and asked to bring him to a decent room in the hospital. After a short while, Joao began helping to care for the sick in that hospital and the employees were glad for his generous service. But they were startled when he told them
    that he was going to start his own hospital. It was God himself who revealed to him that he had to care for the sick and the abandoned, and his new name was Juan de Dios (John of God).

    After praying before Our Lady of Guadalupe, he started again to beg. Knowing of his plan, many good people began helping him so he was able to rent a small house for a few homeless and sick whom he found under the bridge. After some time, more sick people came to be accommodated and there was a need for a bigger building, so he transferred to an old Carmelite monastery, which was improved and became a hospital. In 1572, with this flourishing hospital, his co-workers formed a community called the “Hospitaller Brothers”, which became the Hospitaller

    Brothers of St. John of God, with him as the leader. Many miracles happened even when he was still alive, all about saving lives and caring for the sick and needy. John of God died from
    pneumonia contracted while saving a drowning man. When he realized that he was dying, he went over all the accounts, revised the rules and timetable, and appointed a new leader. He died on March 8, 1550, kneeling before the altar in his hospital chapel. He was canonized on October 16, 1690 and was proclaimed patron of hospitals, nurses, the sick, mentally ill patients, book sellers and firefighters. The Order of the Hospitaller Brothers is present in 53 countries, operating more than 300 hospitals, services, and centers serving a range of medical needs in addition to mental health and psychiatry. People who commit to his mission of helping the sick, the poor and the needy count more than 45,000 members, Brothers and Co-workers, with the support of tens of thousands of benefactors and friends.

    Virtues: humility, charity, patience, courage, enthusiasm, fortitude

    Prayer: “St. John of God, pray for us that like you, we may be mindful of the needs of others especially the sick,

    the poor and the abandoned.”

     


    6 min
  • A Thought A Day | March 8, 2024

    A Thought A Day | March 8, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 7, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Marso 7, 2024 – Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Lucas 11:14-23

    Minsa'y nagpapalayas si Hesus ng isang demonyo at ito'y pipi. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsasalita ang pipi at namangha ang mga tao. Ngunit sinabi ng ilan sa kanila: 

    “Pinalalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.”  Gusto naman ng iba na subukin si Hesus at
    humingi sila sa kanya ng isang tanda galing sa Langit. Alam ni Hesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila:  “Mabubuwag ang bawat Kahariang nagkakahati-hati at magigiba roon ang mga sambahayan. Ngayon, kung nagkakahati hati  si Satanas, paano magtatagal ang kanyang Kaharian? Hindi nga ba't sinasabi n'yo na nagpapalayas ako ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebul? Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nagpapalayas ng mga demonyo, paano naman napalalayas ng iyong mga kaanib ang mga ito? Sila mismo ang nararapat sumagot sa inyo. Sa daliri ng Diyos ako nagpapalayas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos. Kung may sandatang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagambala ang kanyang mga pag-aari. Subalit kung
    salakayin siya ng mas makapangyarihan sa kanya at talunin siya, maaagaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian. “Laban sa akin ang hindi panig sa akin, at nagpapangalat ang hindi
    nagtitipong kasama ko.” 

     

    Pagninilay:

    Minsan, naulinigan ko ang isang grupo ng mga kabataang naglalaro sa daanan, sabay sabay nilang sigaw ng malakas kasama ang pagsasama-sama ng mga kamay sa gitna, “kampihan.” Mayroon pa palang mga ganitong bata. Akala ko nasa cellphone at computer na lang sila madalas maglaro. Mula kabataan – marahil hanggang katandaan, madalas ito ang laro ng

    mundo – kampihan. O sa pula ka ba o sa puti? Sa blue ka ba o sa green?  Kakampi ka ba o kakampon. Isa na marahil sa mabigat na realidad ng buhay, ang pagkakampi-kampihan ng mga tao. Kung hindi ka katulad nila – kung iba ka – itsapwera ka na. Kung medyo weird ka para sa kanila, cancelled ka na. Kung tutuusin, maaari namang sabihin na normal na realidad ng tao ang
    magkampi-kampi. Lalo na sa malalaking grupo, mayroon at mayroong bubuo ng maliliit na mga pangkat. Kaya nga ang tanong, kanino ka papanig? Doon ka ba sa nang-aapi o sa inaapi, sa mananakit o sa nasasaktan, sa nang-aagaw o sa inaagawan?
    Mahirap di ba? Ganito rin marahil ang nais sabihin ni Hesus sa Mabuting Balita. Nilalagyan siya ng label ng mga tao, kung kaninong pangkat siya nabibilang. Ibinalik niya ang sitwasyon sa kanila. Nililinaw ni Hesus sa atin: Isa lang ang pinapanigan ni Hesus – ito ang panig ng Ama, ang panig ng katotohanan. Isa lang ang kanyang kinakampihan – ang paghahari ng Diyos sa
    lahat. Isa lang ang kanyang kulay – ang kulay ng kapatawaran, awa at pagmamahal.  Kung ako sa iyo, alam ko na kanino ako kakampi, Kay Hesus lang, wala nang iba. Amen.

     

     

    6 min
  • A Thought A Day | March 7, 2024

    A Thought A Day | March 7, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 6, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 6, 2024 – Miyerkules

    sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo: Matthew 5:17-19

     Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang

    magbigay-kaganapan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga
    tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”

     

    Pagninilay:

    Very blessed nga ang mga alagad dahil sa kanila unang ni-reveal ng ating Hesus Maestro na Siya ang katuparan ng lahat ng

    sinasaad at nilalaman ng Lumang Tipan. Sinabi Niya na naparito Siya para ipaliwanag, at maging ganap ang Kautusan at mga Aral ng mga Propeta. Na-remember nyo ba ang pagbabagong-anyo ng Panginoon? Di ba tanging si Pedro, Jaime at Juan ang pinili na masaksihan ang Kanyang busilak? Kasama Niya si Moises at si Elias. Kumakatawan si Moises sa Kautusan. Si Elias naman ang sa
    mga propeta. Ano nga ba ang mga Kautusan at ang mga Aral ng mga Propeta? Naka disenyo ito para pukawin at ipatupad ang pagmamahal sa Diyos at sa Kapwa. Pag-ibig ang buod ng lahat ng ito, at ang ating Hesus Maestro ang exemplary human form ng pag-ibig. Nangaral Siya na sundin ang Kautusan habang
    tumatalima Siya sa Kanyang itinuturo. Tapat Siya sa kautusang moral kaya bilang buhay na Karunungan, nagsabuhay Siya na naaayon sa kalooban ng Ama. Tinupad Niya ang kautusang seremonyal sa pamamagitan ng pag-aalay ng Sarili. Hindi ito nalalayo sa Konstitusyon ng ating Bansa na laman ang mga panuntunan na maka-Diyos, maka-Pilipino, maka-Tao. Kung isasabuhay natin ito, tayo ay magiging ulirang Pilipino. Napakahalaga nito. Ayon nga sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, sana saliksikin nang tama, mapag-usapan na nakaugat sa karunungan ng Diyos. Sa pino-promote   na “lagda system” ng People’s Initiative para sa Charter change, discern well kung nauukol nga ba ito sa tunay na kabutihan ng bayan at ng lahat ng Pilipino. Sa mga Kautusan at Aral ng mga Propeta, hindi ito binago ng ating Panginoon, kundi pinataas ng antas. Sa
    paanong paraan?  Inako Niya, isinabuhay at nag-alay ng sarili. Sana tayo rin. Lahat ng ating motibo, ukol sa ikabubuti ng ating bansa na nakaugat sa turo ng ating Panginoon.  Kung ano man ang nakasulat sa ating Saligang Batas, bakit hindi natin muna ito isabuhay nang tapat? Nang sa gayon, mabibigyan natin ito ng panibagong mukha. Ito ang mukha ng mga buhay na saksi
    ng tunay na maka-Diyos, at totoong nag-aalay ng sarili para sa lahat.  Kaya nga sinabi na magwakas man ang langit at lupa, pero ang kaliit-liitang bahagi ng kautusan ay hindi mawawalan ng bisa.  Ngayong Kuwaresma, mag-iba-iba man ang kulay at sinag ng buwan, matindi man ang sikat ng araw o puno ng ulap ang kalangitan, maaninag nawa sa atin ang maluwalhating liwanag ng ating Hesus Maestro na sumasagisag sa kautusan at watawat ng pag-ibig.

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | March 6, 2024

    A Thought A Day | March 6, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 5, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Marso 5, 2024 – Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo: Matthew 18:21-35

    Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid? Pitong beses ba?” “Sumagot si Hesus: “Tungkol sa Kaharian ng Langit ang istoryang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin

    ng utang ang kanyang mga utusan.  … Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: 'Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang makiusap ka sa akin. Hindi ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa
    iyo?' Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nitong lahat ang utang.” At Idinagdag ni Hesus: 'Ganito rin ang
    gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”  
    Pagninilay:

    Ang saysay natin at buong pagkatao ay maaring mawalan ng halaga, kapag nawalay tayo sa Diyos dahil sa ating kasalanan, tigas ng puso at hindi pagpapatawad. Kaya ang bilin ng Panginoong Hesus sa panalanging Ama Namin, “Patawarin Mo kami sa aming mga sala, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin!” Dito naka-angkla ang pagpapatawad natin sa nagkasala sa atin.  Una tayong pinatawad ng Diyos, kaya marapat lamang na igawad din natin ang pagpapatawad sa mga

    nagkasala sa atin.  Tunay ngang mahabagin ang Panginoon, at mapagbigay sa mga taong mapagpatawad. Minsan kasi, mas gusto pa nating manatili sa kinasasadlakang dusa. “Lord, dito na lang muna ako ha. Aayusin ko muna ang buhay ko, wag mo na muna akong puntahan. Ang dumi-dumi ko, punong-puno ako ng
    kasalanan. Pero alam po ba ninyo, na isang hakbang lamang palapit sa kanya ang kailangan nating gawin? Abot-kamay siya. Lumapit ka lang, siya pa ang tatakbo papalapit sa iyo. Mga kapanalig, sa iyong paghahanap sa Diyos na maawaing tunay, Siya mismo ang nakahanap sa iyo. The one we are looking for to ask forgiveness, was actually the one who found us first, and now gives meaning to the lost-and-finding. Iniaalis niya tayo sa
    kasalanan at sa dala nitong kalungkutan. At sa paghahanap natin sa kanya, siya ang nakahanap sa atin. Ito naman ang saysay ng Kuwaresma, di ba? Ang Manalangin, Mag-ayuno at Magbigay ng limos sa mga nangangailangan. Sa pamamagitan nito, matatagpuan tayo ng Diyos, at maibabalik tayo sa dati nating
    pagkatao, kung papaano Niya tayong nilikha sa simula’t simula, bago pa tayo magkasala sa kaniya. Ang magpapabanal sa atin ay kababaang loob at pagpapatawad, lalo na sa mga taong, mahirap patawarin. Kapanalig, Magpatawad ka na, dahil una ka nang pinatawad ng Diyos.  

    -       Fr.  Edward Dantis, SSP l Society of St. PAul

     

    4 min
  • A Thought A Day | March 5, 2024

    A Thought A Day | March 5, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Marso 4, 2024 - Lunes

    Mabuting Balita l Marso 4, 2024 - Lunes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo: Lucas 4:24-30

    Pagdating ni Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa lahat ng mga taong nasa sinagoga:  “Talagang sinasabi ko: walang propetang

    katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak  ko sa inyo na maraming biyuda noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi
    ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa biyuda ng Serepta sa may Sidon. Marami ring mayketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong sa Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinakatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis

     

     Pagninilay:

    “Datapwat nagdaan siya sa gitna nila at umalis” (v30).

    Nasa Ika-3rd week of Lent na tayo kapanalig, kaya

    nararamdaman na natin sa mga pagbasa ang umiigting na galit ng mga taga-usig ni Hesus. Sa eksenang ito pa lamang sa v. 30, maaari na sana nilang pinatay si Hesus, pero hindi pa dumating ang kanyang takdang panahon, kaya ligtas syang nakaalis sa gitna nila. It only shows that God is in control of everything. Hindi mamamatay ang Anak ng Diyos, kung hindi ito loloobin ng Diyos Ama. Ang kamatayan ni Hesus sa krus ay isang kusang
    loob na pag-aalay ng buhay, para sa kanyang minamahal na kawan. Hindi ito pagkatalo, kundi isang tagumpay ng Diyos na mapagmahal at mapanligtas. Kaya lang, kailangan nating sumampalataya sa kanya, upang higit nating maramdaman ang biyayang hatid ni Hesus sa ating buhay. Tulad noong
    kapanahunan ni Elias at Eliseo, mararamdaman lamang natin ang himala ni Hesus, kung may pananampalataya tayo sa Kanya. Ang kawalan ng tiwala at pananampalataya sa Diyos, ay nagiging hadlang upang gumawa ng himala ang Diyos sa buhay natin. Kung minsan nga, halos hindi natin napapansin ang mga mumunting himala ng Diyos sa ating buhay, dahil napaka ordinary lamang nito. Ganito rin ako minsan. Pero kapag nagdasal ako at nanahimik, doon ko napagtatanto kung paano gumagalaw ang Diyos sa buhay ko.

    Manalangin tayo: Panginoon, tulungan nyo po kaming mas mapalalim pa ang aming pananampalataya sa Iyo, upang ang iyong paggalaw sa aming buhay ay higit naming matanto. Amen.

     

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.