PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Marso 14, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Marso 14, 2024 – Huwebes
    sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
    Ebanghelyo: Jn 5:31-47
    Sinabi
    ni Hesus sa mga Judio: “Kung nagpapatotoo ako sa aking sarili, hindi
    mapanghahawakan ang patotoo ko. Ngunit iba ang nagpapatotoo tungkol sa akin at
    alam ko na mapanghahawakan ang kanyang patotoo tungkol sa akin. May patotoo
    naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama
    upang tuparin ko ang mga iyon.  Ang mga
    gawang ginaganap ko ang nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama. At nagpapatotoo rin
    sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang
    tinig ni nakita ang kanyang anyo. At hindi rin nananatili sa inyo ang kanyang
    salita dahil hindi kayo naniniwala sa kanyang sinugo. Sinaliksik ninyo ang mga
    Kasulatan sapagkat iniisip ninyong doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang
    hanggan. Nagpapatotoo nga sa akin ang mga Kasulatan, ngunit ayaw ninyong
    lumapit sa akin para mabuhay. Hindi ko hangad ang papuri mula sa mga tao,
    ngunit alam kong walang pagmamahal sa Diyos sa inyong kalooban. Hindi ninyo ako
    tinatanggap sa pagdating ko sa ngalan ng aking Ama; kung sakaling may pumarito
    sa sarili niyang pangalan, siya ang inyong tatanggapin. Huwag ninyong ipalagay
    na ako ang magsasakdal laban sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises ang magsasakdal
    laban sa inyo, siya na inyong inasahan. Kung paniniwalaan nga ninyo si Moises,
    paniniwalaan din sana ninyo ako, sapagkat tungkol sa akin ang sinulat niya.
    Ngunit kung hindi ninyo paniniwalaan ang mga sinulat niya, paano ninyong
    paniniwalaan ang mga pananalita ko?”

     

     

     

    Pagninilay:

    Narinig natin ang pagpaliwanag ng

    Panginoong Hesus sa mga Judio, na hindi siya nagpapatotoo sa ganang kanya
    lamang, upang maparangalan ng tao; kundi, nagpapatotoo siya para maligtas
    sila.  Ang mga himalang ginawa ng Panginoong Hesus ay naging patotoo na
    sana sa kanila, upang maniwala na siya ang sinugo ng Diyos Ama.  Pero
    dahil sa katigasan ng kanilang puso at saradong pag-iiisip, hindi sila
    nakarating sa ganitong realisasyon. Hindi nila nasumpungan ang tunay na liwanag
    sa katauhan ni Hesus.  

    Mga kapanalig, sikapin nating panatilihin

    at nag-aalab ang ating pananampalataya sa Panginoong Hesus, lalo na sa pinaka
    mahihirap na sitwasyon ng ating buhay.  Tanging sa pananalig natin sa
    Panginoon Hesus, na Anak ng Diyos, tunay nating masusumpungan ang liwanag, ang
    kahulugan ng buhay.  Amen.

     

    -      

    Fr. Edward Dantis, SSP l Society of St .Paul

    Ebanghelyo: Jn 5:31-47

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 14, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Marso 14, 2024 – Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo: Jn 5:31-47
    Sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung nagpapatotoo ako sa aking sarili, hindi mapanghahawakan ang patotoo ko. Ngunit iba ang nagpapatotoo tungkol sa akin at alam ko na mapanghahawakan ang kanyang patotoo tungkol sa akin. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon.  Ang mga gawang ginaganap ko ang nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama. At nagpapatotoo rin sa akin ang Amang nagsugo sa akin. Kailanma’y di ninyo narinig ang kanyang
    tinig ni nakita ang kanyang anyo. At hindi rin nananatili sa inyo ang kanyang salita dahil hindi kayo naniniwala sa kanyang sinugo. Sinaliksik ninyo ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyong doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang
    hanggan. Nagpapatotoo nga sa akin ang mga Kasulatan, ngunit ayaw ninyong lumapit sa akin para mabuhay. Hindi ko hangad ang papuri mula sa mga tao, ngunit alam kong walang pagmamahal sa Diyos sa inyong kalooban. Hindi ninyo ako
    tinatanggap sa pagdating ko sa ngalan ng aking Ama; kung sakaling may pumarito sa sarili niyang pangalan, siya ang inyong tatanggapin. Huwag ninyong ipalagay na ako ang magsasakdal laban sa inyo sa harap ng Ama. Si Moises ang magsasakdal
    laban sa inyo, siya na inyong inasahan. Kung paniniwalaan nga ninyo si Moises, paniniwalaan din sana ninyo ako, sapagkat tungkol sa akin ang sinulat niya. Ngunit kung hindi ninyo paniniwalaan ang mga sinulat niya, paano ninyong
    paniniwalaan ang mga pananalita ko?”

     

     Pagninilay:

    Narinig natin ang pagpaliwanag ng Panginoong Hesus sa mga Judio, na hindi siya nagpapatotoo sa ganang kanya lamang, upang maparangalan ng tao; kundi, nagpapatotoo siya para maligtas sila.  Ang mga himalang ginawa ng Panginoong Hesus ay naging patotoo na sana sa kanila, upang maniwala na siya ang sinugo ng Diyos Ama.  Pero dahil sa katigasan ng kanilang puso at saradong pag-iiisip, hindi sila nakarating sa ganitong realisasyon. Hindi nila nasumpungan ang tunay na liwanag

    sa katauhan ni Hesus.  Mga kapanalig, sikapin nating panatilihin
    at nag-aalab ang ating pananampalataya sa Panginoong Hesus, lalo na sa pinaka mahihirap na sitwasyon ng ating buhay.  Tanging sa pananalig natin sa Panginoon Hesus, na Anak ng Diyos, tunay nating masusumpungan ang liwanag, ang
    kahulugan ng buhay.  Amen.

     

    -      

    Fr. Edward Dantis, SSP l Society of St .Paul

    5 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo

    Mabuting Balita l Pebrero 14, 2024 – Miyerkules ng Abo (Pag-aayuno at Abstinensya)    

    San Cirilo, monghe, at San Metodio, obispo

    Ebanghelyo: Mt 6:1-6, 16-18

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo wala na kayong gantimpala sa

    inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan
    na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok
    sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka
    nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”

     

    Pagninilay:

    Mapagpalang Ash Wednesday, kapatid. Hudyat ito nang apatnapung araw na paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma. Gayunpaman, huwag nating kalilimutan ang higit na

    hihihingi ng panahon ng kuwaresma: ang makiisa sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus.  Tamang tama
    lamang din, dahil kasabay ng pagdiriwang na ito ay ang pagdiriwang ng Valentine’s Day. Naku, marami ang makakatipid!!! Hahahhahahaha!!! Pero sana huwag nating tipirin ang magdasal, ang magsakripisyo at maging bukas palad na tumulong sa ating kapwa. Ang abo na nasa ating noo, maliban na ito ay paalala
    na hiram ang buhay, ay maging tanda nawa ng ating tipanan sa Panginoon. Huwag sana itong maging dekorasyon para masabing katoliko ako; sa halip maging tanda nang pagbabalik loob, pagsunod at pagmamahal nang lubos. Amen.

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | February 14, 2024

    A Thought A Day | February 14, 2024You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fspThis podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDayFor more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/HELP US MAINTAIN THIS PROGRAMSend your donations and love offerings to:G-CASH: 09686313280METROBANK (Dollar Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1SWIFT CODE: MBTCPHMMMETROBANK (Peso Account)BRANCH: Skyland Plaza, MakatiACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6SWIFT CODE: MBTCPHMMBDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo:   Juan 5:17-30

    Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya’t kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya

    nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi
    ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo
    na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na
    dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya’t maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa
    kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling
    kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

     

     

    Pagninilay:

    Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang

    pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang
    iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat,
    pagbubutihin natin ang pagsusumikap.  Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman
    din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe;
    kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng
    lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.

     

     

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo:   Juan 5:17-30

     

    Sumagot si Hesus sa mga Judio:

    “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya’t kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring
    hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya
    nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos,
    at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa
    kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang
    Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman
    ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang
    mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang
    sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi
    ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak
    gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi
    nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo
    na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa
    nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi
    siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na
    dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya’t maririnig ng mga patay ang
    tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa
    kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa
    kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom,
    sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako
    ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling
    kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

     

     

    Pagninilay:

    Uso ang salitang hugot. Mag cocomment

    tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang
    pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang
    pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at
    sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya,
    kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo,
    inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang
    iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha
    parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka
    na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at
    pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat,
    pagbubutihin natin ang pagsusumikap.  Lumuha rin naman ang ating Panginoon
    noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban,
    at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman
    din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa
    sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos
    Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling
    ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe;
    kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa
    ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual
    emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng
    lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama.
    Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.

     

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma

    Ebanghelyo:   Juan 5:17-30
    Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya’t kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya
    nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi
    ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya’t maririnig ng mga patay ang
    tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

     

     

    Pagninilay:

    Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang

    pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo, inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang
    iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat,
    pagbubutihin natin ang pagsusumikap.  Lumuha rin naman ang ating Panginoon noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman
    din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe;
    kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng
    lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama.
    Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Marso 13, 2024 – Miyerkules

    sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
    Ebanghelyo:   Juan 5:17-30
    Sumagot si Hesus sa mga Judio: “Kumikilos pa rin ang aking Ama kaya’t kumikilos din ako.” Kayat lalo pa ring hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil nito, sapagkat hindi lamang niya
    nilalabag ang Araw ng Pahinga, kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos. Kaya sumagot si Hesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman ang Anak mula sa kanyang sarili maliban sa nakikita niyang ginagawa ng Ama. Anuman ang gawin niya, paganoon din ang paggawa ng Anak. Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at nagbibigay-buhay siya; gayundin naman binubuhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman, kundi
    ibinigay niya ang buong paghatol sa Anak, upang parangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpaparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Amang nag-sugo sa kanya. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo
    na may buhay na walang hanggan ang nakikinig sa salita ko at naniniwala sa nagsugo sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghuhukom. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na
    dumarating na ang oras, at ngayon na nga, kaya’t maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Tao at mabubuhay ang mga nakaririnig. May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayundin naman ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa
    kanyang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghukom, sapagkat anak siya ng tao. Wala akong magagawa sa ganang sarili. Naghuhukom ako ayon sa aking naririnig. At matuwid ang paghuhukom ko sapagkat hindi sariling
    kalooban ang hinahanap ko kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

     

    Pagninilay:

    Uso ang salitang hugot. Mag cocomment tayo na: “Saan mo naman hinugot ‘yan? Ang lalim ng hugot, ah?” Kung hugot ang

    pag-uusapan, mayroon ding hugot ang ating Hesus Maestro. Malalim ang pinaghuhugutan Niya. Sinabi Niya, na ang lahat ng Kanyang ikinikilos at sinasabi, hugot mula sa Ama. Hindi ang sariling kalooban ang sinusunod Niya, kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa Kanya. Sabi nga sa Katesismo,
    inseparable sila “in what they are and what they do”. Ikaw, kapanalig, ano ang iyong mga hugot? At kanino ito naka-angkla? Sabi sa isang hugot line: “Ang luha parang pawis, hindi man galing sa mata pero parehong tumutulo kapag pagod ka
    na.” Grabe ang hugot, di ba? Humuhugot ito sa diwa ng pagsasakripisyo at pagdurusa. Besides, kahit may hirap, kung para naman sa kabutihan ng lahat, pagbubutihin natin ang pagsusumikap.  Lumuha rin naman ang ating Panginoon
    noong namuhay Siya sa atin dito sa lupa. Lalo na sa mga matitigas ang kalooban, at binabalewala ang mga concern Niya na ibalik tayo sa Diyos Ama. Naramdaman din Niya ang spiritual emptiness hanggang inihabilin Niya ang Kanyang kaluluwa
    sa Ama. At dahil malalim ang pinaghuhugutan ng ating Hesus Maestro sa Diyos Ama, ibinalik sa Kanya ng Ama ang maluwalhating Buhay. Kapanalig, kung sakaling ang huni ng ating kalooban ay maging tulad ng tunog ng patay na kabibe;
    kung sakaling nadidisconnect na tayo sa ating mga mahal sa buhay, at lalo pa sa ating sarili; kung nauubusan na tayo ng lakas at ramdam natin ang spiritual emptiness at wala na tayong makapa na support system, bumaling tayo sa bukal ng
    lahat ng pinaghuhugutan. Siya ang ating Hesus Maestro na kaisa ng Diyos Ama. Isang hugot lang, pupunan na Niya tayo ng tunay na Buhay.

     

     

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes l Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Pebrero 13, 2024 – Martes sa Ikaanim na Linggo ng Karaniwang Panahon  

    Santa Catalina de Ricci

    Ebanghelyo:  Mk 8:14-21

    Nakalimutan ng mga alagad na magadala ng tinapay at isa lang ang dala nila sa bangka. At pinagsabihan sila ni Hesus:  “Mag-ingat at huwag magtiwala sa lebadura ng mga Pariseo at sa lebadura ni Herodes.”  At sinabi ng mga alagad sa isa't isa:  “Oo nga, ano? Wala tayong dalang tinapay.” Alam ni Hesus ang mga ito kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo pinag-uusapan ang

    tinapay na wala sa inyo? Hindi pa ba ninyo maisip at maunawaan? Mapurol ba ang inyong pag-iisip? May mata kayong di nakakakita at may tengang di nakakarinig?
    Hindi ba ninyo naaalala nang pinira-piraso ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?”  At sumagot sila:  “Labindalawa.”  “At nang may pitong tinapay para sa apat na libo, ilang bayong na puno ng mga pira-piraso ang inyong naipon?” At sumagot sila:  “Pito.”  At sinabi ni Hesus:  “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?” 

     

    Pagninilay:

    Hindi maipagkakailang may pagkahilig tayong mga Pilipino, sa panlabas na kaanyuan. Isa siguro sa mga dahilan, kung bakit napakaganda ng Pasko sa Pilipinas ay dahil sa mga dekorasyon – mga Christmas lights na kumukuti-kutitap, mga parol na

    naglalakihan, mga awiting Pamasko na September pa lang ay namamayagpag na sa mga radyo, at iba pa. Kaya lang kung minsan, sa hilig natin sa garbo at pa-wow na effect, nakakaligtaan natin ang tunay na kahulugan ng ating pagdiriwang na kadalasa’y nalulunod sa rangya ng palamuti. Sa Mabuting Balita ngayon, tahasang pina-alalahanan ni Hesus ang kanyang mga alagad, na mag-ingat sa lebadura ng
    mga Pariseo at ni Herodes. Hindi ang pampaalsa sa tinapay, ang tinutukoy ni Hesus, kundi ang kanilang pagpapaimbabaw. Mahalaga ang lebadura dahil pinapaangat at binibigyang-hugis nito ang tinapay, pero kung susuriin, hangin lang pala ang nagpapalaki sa tinapay! Sa ating buhay, ang karangyaan, karanasan, at kasanayan ay ang lebadura ng ating pagkatao, kung kaya’t maaaring umalsa ang ating kayabangan mula sa mga ito. Hindi ang lebadura ang mahalaga sa Diyos, dahil hindi Niya ito mamamasa; ang Kanyang minamahal, ay ang harinang
    nagpapaubayang maging tinapay sa Kanyang paghuhulma’t paggabay.  Mga kapanalig, hingin natin kay Hesus ang
    biyayang maging mas mapagpakumbaba, upang sa ating pagganap ng araw-araw na tungkulin, laging nakaapak sa lupa ang ating mga paa, at laging nakatutok naman ang ating mga mata sa langit, Amen.

     

    5 min
  • A Thought A Day | February 13, 2024

    A Thought A Day | February 13, 2024


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.