PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Disyembre 11, 2023 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento

    Mabuting Balita l Disyembre 11, 2023 - Lunes l Ikalawang Linggo ng Adbiyento


    Ebanghelyo:  Lucas 5:17-26

    Isang araw, nagtuturo si Hesus at nakaupo naman ang mga Pariseo at mga guro ng Batas na galing sa iba’t ibang bayan ng Galilea at Judea at mula sa Jerusalem. Gumagawa ang kapangyarihan ng Panginoon sa kanya na magpagaling. May mga lalaking dumating na dala sa isang papag ang isang lalaking paralitiko. Sinikap nilang dalhin siya at ilagay sa harapan ni Hesus. Nang hindi nila makita kung paano nila madadala ang paralitiko dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan at sa bubong nila

    idinaan siya pababa na nasa kanyang papag hanggang sa gitna sa harap ni Hesus. Nang makita niya ang kanilang pananalig, sinabi niya: “Kaibigan, pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan.” Nagsimula noong mag-isip-isip ang mga guro ng Batas at
    mga Pariseo: “Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Hindi ba’t ang Diyos lamang?” Ngunit alam ni Hesus ang kanilang mga pag-iisip kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatatawad
    ka sa iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka’t lumakad.’? Dapat n’yong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Sinasabi ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong
    higaan at umuwi.” Kapagdaka’y tumayo siya sa harap nila, kinuha ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Namangha ang lahat at nagpuri sa Diyos. Nasindak nga sila at sinabi: “Nakakita tayo ng mga kagila-gilalas na bagay sa araw na ito!”

    Pagninilay:

    May pinagdaraanan ka ba ngayon na sumusurrender na ang

    iyong lakas at pag-asa? Gaano kabigat ang iyong problema na hindi ka na makalakad dahil give up ka na? Ilang biyaya ang pinalampas mo dahil ayaw mo nang mag-effort? Ang lahat ng uri ng pagsurrender, matatawag natin itong pagkalumpo ng ating kalooban. Kaya kinakabog mo na ang dibdib mo sa pagiging
    hindi productive. You feel frozen. Ayaw mo nang bumangon. Para ka nang yelo. Matigas. Ang feeling mo, hindi ka na makagalaw dahil laging nagre-replay sa isip mo ang iyong mga failures, ang
    mga frustrations. Kapanalig, sintomas ito ng kawalan ng gana ng ating kalooban. Adbiyento na! Salubungin natin ang nakakahilom na presensya ng Sanggol na Mesiyas. Panahon ngayon ng paglaya ng ating kalooban. Season din ng matibay na pagpapasya na laging pipiliin ang tumindig at lumakad sa diwa ng Diyos na
    sanggol.

    -Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughter’s of St. Paul

     

    5 min
  • Walking with the Saints l Feast of St. Damasus I, Patron Saint of Archeologist l December 11

    Walking with the Saints l Feast of St. Damasus I, Patron Saint

    of Archeologist l December 11


    Today, we have another extraordinary person who exalted the Church due to his examples and good works. Pope St. Damasus I,  was commended by ancient writers for his zeal for the purity of the Faith, for his love of the Scriptures, his innocence of manners, his Christian humility, his compassion for the poor, and for his
    piety. St. Jerome, the translator of the Holy Bible from Greek to the Latin Vulgate called him “an incomparable man,” “the virgin doctor of the virgin Church” for his faithful practice of virginity. St. Damasus was born in Rome in the year 306. His father, with his mother’s consent, entered the priesthood and served the parish of St. Lawrence in Rome. When Damasus was ordained priest, he served in the same church. This became the Basilica of St. Lawrence Outside the Walls in Rome. When Pope Liberius died in 366, Damasus was chosen to succeed him. The election was marred by so much disorder and violence caused by other parties
    interested in the papacy. Damasus struggled against an anti pope, but his election prevailed.

    In 368 and 370 Pope Damasus conducted Councils in Rome and condemned the errors of Arianism, Apollinarism and Macedonianism, major heresies prevailing during his time, thus solidifying the faith of the Church. In order to have a uniform

    listing of Biblical books Pope Damasus also presided over the Council of Rome in 382 that determined the canon or official list of the books of Sacred Scriptures. It was not an easy job and they struggled how to distinguish between the canonical and deutero-canonical books and the apocrypha. It was Pope Damasus who induced St. Jerome, who was his secretary for three years, to
    undertake to translate and write the famous version of the Bible called VULGATE. He did not only commission the writing of the Vulgate, but he also changed the liturgical language of the Church from Greek to Latin. He also worked hard to preserve and restore the catacombs, the graves of the martyrs and the relics.

    During his papacy, Constantine I became the ruler of the Western Roman Empire. As Emperor, he issued the Edict of Milan

    in 313 granting religious freedom to Christians in all parts of the Roman Empire, including those in the East. But the emperor of the East rejected this Edict. This resulted in a civil war which made Constantine ruler of a reunited Empire. But it was also an occasion to form the religious group in Constantinople to rival the Roman See, the reason why the Church is divided between the Churches of East and the West with different leaders, which is
    continued till today.

    The primacy of the Apostolic See (Church of Rome) was greatly favored with imperial acts and edicts from Pope Damasus. He asserted that this ecclesiastical supremacy was based not on the decrees of councils but on the very words of Jesus Christ “… you are Peter and upon this rock I will build my Church and the gates of hell shall not prevail against it” (Matthew 16:18). Pope Damasus sat on the Chair of Peter for eighteen years and two months. He died in 384 at the age of 78. According to a pontifical book

    kept in the Vatican library, burning with fever, he ardently desired to be with Christ. After Holy Communion, he lifted his eyes to heaven and died.

    Virtue: faith, purity, humility, good manners, innocence, compassion, patience, integrity       

    Prayer: “Thank you, Pope St. Damasus, for your holy life, your untiring efforts to exalt the Church and your great solicitude to provide us the list of the canonical Biblical texts.”   
    Reflection: Am I interested in reading the Bible so as to conduct my life according to its teachings? 

     

     

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B)

    Mabuting Balita l Disyembre 10, 2023 – Ikalawang Linggo ng Adbiyento (B)

    Ebanghelyo: Marcos 1:1-8

    Ito ang simula ng Magandang Balita ni Jesukristo, Anak ng Diyos. Nasusulat sa Propeta Isaias: “Ipadadala ko ngayon ang aking sugo na mauuna sa ‘yo para ayusin ang iyong daan. Naririnig ang sigaw

    sa disyerto: ‘Ihanda ang daan para sa Panginoon, ituwid ang kanyang landas.’” Kaya may nagbibinyag sa disyerto—si Juan—at ipinahahayag niya ang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Nagpuntahan sa kanya ang lahat ng taga-Judea at
    mga naninirahan sa Jerusalem. Inamin nila ang kanilang mga kasalan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan. Nakadamit balahibo ng-kamelyo si Juan at mga balang at pulot-pukyutang –gubat ang kinakain. At ito ang kanyang pangangaral:
    “Parating na kasunod ko ang gagawa ng higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.” 

     

    Pagninilay:

    Isa sa mahalaga at pangunahing tauhan ng Adbiyento si San

    Juan at ang kanyang pag-bibinyag. Siya ang sinasabing magiging Propeta Elias, na maghahanda ng dadaanan sa pagdating ng Mesiyas. At sa unang bahagi ng Mabuting Balita ni San Marcos narinig natin ang katuparan ng propesiya. Narinig natin na
    isinasalarawan si San Juan, bilang ang tinig na sumisigaw mula sa ilang at nagpapahayag ng pagbabalik loob sa Diyos. Ang kanyang pagbibinyag at pangangaral ang syang magiging paraan sa paghahanda sa pagdating ng Mesiyas.  Binyag at pagbabalik-loob. Ang Adbiyento ay isang bagong simula ng taong pang liturhiya. Isa din itong panibagong simula para sa ating buhay espirituwal, katulad ng binyag. Isang grasya ng pagpapanibago at pagbabago. Pero sa ating mga Kristiyano, mayroong higit na
    malalim na kahulugan ang pagbabago. Tumutukoy ito sa panloob na pagkilos ng damdamin o tinatawag na pagbabalik-loob. Bumabalik tayo sa ating loob at sa kalooban ng Diyos, kung sino tayo at para kanino tayo. At dito napapaalalahanan tayo na sa simula pa lang, nilikha tayo ng Diyos at para sa Diyos.  Kung gayon, mga kapanalig, itinuturo tayo ni San Juan patungo sa pagbabalik-loob sa Diyos at pagbabalik din sa ating orihinal na pagkakakilanlan. Nawa ang panahong ito ng Adbiyento ay maging
    mabiyayang panahon ng ating pagbabalik-loob. 

    -       FR. KEIV AIRES DIMATATAC, SSP l Society of St Paul

     

     

    5 min
  • A Thought A Day | December 10, 2023

    A Thought A Day | December 10, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 9, 2023 – Sabado l Unang Linggo ng Adbiyento

    Mabuting Balita l Disyembre 9, 2023 – Sabado l Unang Linggo ng Adbiyento       

    Ebanghelyo: Mateo 9:35-10:1, 5a, 6-8

    Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga sinanoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita

    ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami
    nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Hesus ang
    labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaharian ng Langit.’ Pagalingin ang maysakit, buhayin ang
    patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Ibigay ninyo nang walang bayad ang tinanggap ninyo nang walang bayad.” 

     

    Pagninilay:

    Sa ating Mabuting Balita, narinig natin ang Panginoong Hesus na naglalakbay, nagtuturo, at nagpapagaling ng mga may sakit. Ito'y isang malinaw na larawan ng Kanyang pagmamahal at paglilingkod sa mga nangangailangan. Si Hesus ay hindi lamang isang guro o manggagamot; Siya ay ang Tagapagligtas at modelo ng kabutihang-loob. Ipinakita Niya sa atin ang halaga ng pagmamahal sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. Sinabi niya sa mga alagad: “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani. Idalangin Ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.” Mga kapanalig, baka tayo
    na ang tugon sa panalanging ito! Tayo ang mga mag-aani na nais ipadala ng Diyos.  Ang Adbiyento ay panahon upang
    tingnan ang ating mga buhay at suriin kung paano tayo makakatulong sa mga nangangailangan. Ang munting hakbang na ito ay maaaring magdala ng malalim na kahulugan sa ating paghahanda para sa pagdating ng Panginoon.

     

    -  FR. ROLLY GARCIA JR.

    5 min
  • A Thought A Day | December 9, 2023

    A Thought A Day | December 9, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento

    Mabuting Balita l Disyembre 8, 2023 – Biyernes l Unang Linggo ng Adbiyento


    Ebanghelyo: Lucas 1:26-38

    Nang ikaanim na buwan, ang Anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lunsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose at ang pangalan ng birhen ay Maria,

    pag pasok niya sa kinaroroonan ng babae ay sinabi niya. “Aba, puspos ka ng biyaya, Ang Panginoon ay sumasaiyo.”  Sa
    mga pangungusap na ito si Maria ay nagitla. At pinag dili dili ang kahulugan ng gayong bati. Dapatwa’t sinabi sa kanya ng Anghel: “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nagging kalugod lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David na kanyang Ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; At walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa anghel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag anak mong si Isabel ay nag lihi rin ng isang lalaki, sa kanyang katandaan at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di
    mangyayari. “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel.

     

    Pagninilay:

    Maraming pagkakataon sa ating buhay na makakaranas tayo ng

    iba’t ibang uri ng pagsubok. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi madaling sabihin na “yes, Lord, I trust in you.” Masasabi lamang ito ng isang taong napakalalim ang pananampalataya sa Panginoong Diyos. Sa Mabuting Balita natin ngayon, narinig natin na nagulumihanan si Maria sa pagbati ng anghel sa kanya. “Napupuspos ka ng biyaya”, “pinagpala ka sa mga kababaihan!”    Mga kapanalig, tayo rin - ikaw at ako - tayong lahat ay pinagpala ng Diyos. Totoo, “not in the same sense as Mary’s blessedness.” Pero pinagpala tayo ng Diyos, dahil pinagkalooban Niya ang bawat isa sa atin ng napakaraming biyaya, at patuloy niyang ginagawa ito upang magampanan natin ng buong tapat ang tungkulin natin sa daigdig. Ang bawat tao ay may natatanging tungkulin na dapat isabuhay upang maganap ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Isa itong malaking responsibilidad na ipinagkatiwala ng Diyos na tanging ang indibidwal na tao lamang ang makagaganap.  Mga kapanalig, suriin natin ang ating puso at tanungin ang sarili. Pinalalago ko ba ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin? Ginagampanan ko ba nang buong tapat at may pagmamahal, ang tungkulin na dapat kong gampanan bilang isang anak, kapatid, ina o ama ng tahanan? …at bilang isang kristiyano na tagasunod ni Kristo?  Habang ipinagdiriwang natin ngayong araw ang “Solemnity of the Immaculate Conception,” hilingin natin sa Diyos sa
    pamamagitan ni Maria ating Ina, na maisabuhay natin nang buong tapat, at nang may malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa walang hanggang awa ng Diyos, ang natatanging papel na dapat nating gampanan.   Lahat tayo ay pinagpala! Nawa’y maging biyaya rin tayo sa bawat isa!

     

    -      Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul

    5 min
  • A Thought A Day | December 8, 2023

    A Thought A Day | December 8, 2023


    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp


    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.


    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay


    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/


    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:


    G-CASH: 09686313280


    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM


    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    8 min
  • Mabuting Balita l Disyembre 7, 2023 – Huwebes l Unang Linggo ng Adbiyento

    Mabuting Balita l Disyembre 7, 2023 – Huwebes l Unang Linggo ng Adbiyento

    Ebanghelyo: Mateo7:21,

    24-27

    Sinabi ni Hesus sa mga alagad: “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ng ‘Panginoon! Panginoon!’ ay papasok sa Kaharian ng Langit kundi ang nagsasagawa sa kalooban ng Diyos ang siyang papasok sa Kaharian ng Langit. Kaya kung may nakikinig sa mga salita ko at sumusunod dito, matutulad siya sa isang matalinong nagtayo ng bahay sa batuhan. Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, ngunit hindi nagiba ang bahay sapagkat itinayo ito sa batuhan. At ang sinumang nakaririnig sa aking mga

    salita at hindi nagsasagawa nito, matutulad siya sa isang hangal na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, at bumagsak ang bahay at kay laking kapahamakan!”


    Pagninilay:

    Napakagandang marinig ang mga salita ni Propeta Isaias sa ating

    Unang Pagbasa—Hinihikayat tayong patuloy na manalig at magtiwala sa Diyos. Ang taong patuloy na nananalig at nagtitiwala sa Kanya—Kapayapaan ang tiyak niyang gantimpala.  Sa ating Mabuting Balita ngayong araw, pareho ang tinuran ni Propeta Isaias at ng ating Panginoong Hesus—manalig at gawin ang kalooban ng Diyos. Magtiwala sa kanyang mabuting kalooban. May expression po tayong mga pinoy ukol diyan. “‘Naku sana ikaw ang manalo, malaki ang tyansa mo.” “Sana matanggap ka na sa dream job mo, o dream university mo.” Ano ang kadalasan nating sagot sa mga ganitong statements? “Kung loloobin ng Diyos!” God willing! Matapos ang ating effort, ang mas masunod nawa ay ang kalooban ng Diyos. Kaya nga po, ang kadalasang dahilan ng ating anxiety at stress? Yung kapag gusto natin kontrolin lahat. Wala naman pong masama dun, if it is within the reach of what we can do, and control. Isa-isip nawa lagi natin na ang kalooban ng Diyos ay laging mabuti—kapayapaan ang hatid, at sa ating Mabuting Balita sinasabi—kaligtasan, kaharian ng Diyos ang gantimpala.  Mga kapanalig, ngayong panahon ng Adbiyento, magandang balikan at pagnilayan ang ilang natatanging karakter ng Pasko—Si Maria, Jose, Zacarias, at
    Elizabeth—they let go of the things they cannot control and trusted the will of the Father. Kaya nga’t ganap sa kanilang buhay ang gantimpala’t pangako ng Diyos—kapayapaan at kaligtasan!

     -CL. VINZ AURELLANO, SSP l Society of St. Paul

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.