
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | September 8 2023
Mabuting Balita l Setyembre 8, 2023 – Biyernes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Mateo 1:16, 18-23
Si Jacob ang ama ni Jose-ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni
Pagninilay:
May nabasa akong isang anecdote. Minsan daw nag uusap-usap ang mga bulaklak sa isang burol. Mas matingkad ang kulay, ba mas maganda. Mas matayog ang tindig, ah mas maganda. May isang puting bulaklak na bigla na lang tumindig, nagstand-out, puting puti—lily ang pangalan. Lahat ng bulaklak na nagpapagandahan ay lumingon sa lily, sila may nabighani din sa ganda nito. Bigla na lamang may dumaan na isang babae, sobrang ganda din, puting-puti din ang damit. Kaya naman, napayuko ang lily—ito may nabighani din at nagandahan sa babae na ang ngalan daw ay Maria.
Mga kapanalig, Kapistahan ngayon ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria—Ina ng ating Panginoong Hesus. Mahalagang alalahanin na hindi natin sinasamba si Maria, siya’y binibigyan natin ng mataas na parangal, tanda din ng ating masidhing pasasalamat sa Diyos. Ang paghirang ng Diyos kay Maria, ay isang tanda na sa kabila ng pagkakasala ng tao—pinagkakatiwalaan at mahalaga pa din tayo sa Diyos. Ang pagsang-ayon ni Maria na maging Ina ng Diyos ay isa sa mga plot-twist ng ating buhay pananampalataya. Muling niligawan ng Diyos ang tao, at umOO tayo, sa pamamagitan ni Maria, na makamit ang
– Cl. Vinz Aurellano, ssp l Society of St. Paul
A Thought A Day | September 7 2023
Mabuting Balita l Setyembre 7, 2023 – Huwebes | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 5:1-11
Dinagsa si Hesus ng napakaraming taong nakikinig sa Salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo ng kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para humuli.” “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” At
Pagninilay:
Mga kapanalig, posible ang lahat ng bagay kung kaagapay natin ang Panginoon sa ating buhay. Ito ang pinatotohanan ng ating Mabuting Balita ngayon. Magdamag na nangisda sina Simon Pedro at mga kasama niya, pero wala silang nahuli kahit isa man lamang na isda. Pero nang iminungkahi ni Hesus na magsipalaot sila at ihulog na muli ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli.
Minsan, umiiral sa ating pagkatao ang pagiging sobrang bilib sa
- Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughters of St. Paul
Panalangin:
Panginoon, buksan Mo po ang aking mga mata, puso at isipan upang
A Thought A Day | September 6 2023
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 4:38-44
Pag-alis ni Hesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Hesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Hesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At nagpatuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
Pagninilay:
May dahilan kung bakit naririto tayo, kung bakit sinilang tayo sa mundong ito. May dahilan ang ating pag-iral. We all have a purpose in life. We all have a definite reason for living; the “why” that we should keep on finding the right answer, so that it is impossible for us to merely exist. Sa Mabuting Balita, pinipigilan ng mga tao na umalis si Hesus sa kanilang bayan pero hindi siya natinag sa kanilang kahilingan. Aniya, “Kailangan ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng kaharian ng Diyos sa mga ibang bayan, sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” Jesus was sent by God for a specific reason. His purpose in becoming man, was to save man from those that enslave him – spiritually and physically. And the ultimate realization of his purpose was when he was hanged on the cross. Minsang sinabi ni Winston Churchill: Hindi sapat ang mabuhay lamang. Dapat tayong maging determinado na mabuhay sa isang bagay. Kung hindi natin matanto’t maunawaan ang rason, ang dahilan kung bakit naririto tayo, kung bakit umiiral tayo, katulad lang tayo ng isang dahong nalalag sa ilog, lulutang-lutang, sumasabay lang sa agos ng tubig sa ilog, hindi alam kung saan hahantong. Pero kung nauunawaan natin ang kadahilanan ng ating pag-iral, we
- Fr. Brian Paul Tayag, ssp l Society of St. Paul
A Thought A Day | September 5 2023
Mabuting Balita l Setyembre 5, 2023 - Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 4:31-37
Bumaba si Hesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang malakas. “Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino
Pagninilay:
Sunud-sunod ang mga nagdaang bagyo na nagdulot ng malaking
- Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Peter Claver, Patron Saint of all Netmakers, Shipbuilders and Fishermen | September 9
To inspire us today is St. Peter Claver, a Jesuit priest who spent his
A Thought A Day | September 4 2023
From the publisher's feed