
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Setyembre 4, 2023 – Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Lucas 4:16-30
Pagdating ni Hesus sa Nazaret, kung saan siya lumaki, pumasok siya sa sinagoga sa Araw ng pahinga ayon sa kanyang kinaugalian. Tumindig siya para bumasa ng Kasulatan, at iniabot sa kanya ang aklat ni Propeta
Pagninilay:
Nakakapanlumo ang pa-welcome kay Hesus ng kanyang mga kababayan sa Nazaret. Opo, pinuri nila siya, humanga sila sa napakahusay niyang pananalita. Pero hindi naman talaga nila naisapuso ang mensahe, at pagpapalang dala ng presensiya ni Hesus. Nakatuon lamang sila kay Hesus bilang anak ni Jose, ang karpintero. Sa dulo ng Mabuting Balita, nagalit pa sila! Itinaboy si Hesus palabas, papunta sa gilid ng bundok upang ihulog sa bangin. Mga kapanalig, hindi ba may mga pagkakataon din, na inilalagay natin sa kahon ng kanyang nakaraan ang ating kapwa, na para bagang walang kapangyarihan ang Panginoong baguhin ang kanyang buhay? Alalahanin natin, na inakay tayo ng Panginoon sa ating pinagpalang kinalalagyan ngayon, dahil hindi
Manalig tayo sa kapangyarihan ng Panginoong baguhin at puspusin
Mabuting Balita l Setyembre 3, 2023 – Linggo ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Mateo 16:21-27
Ipinaalam ni Hesukristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon! Hindi ito pupuwede.” Ngunit hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.” At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili
Pagninilay:
Sa ating Mabuting Balita ngayon, ipinahayag ni Hesus ang kanyang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay sa kanyang mga alagad. Makikita natin dito ang dalawang mahahalagang aral na maaari nating gamitin sa ating buhay bilang mga Kristiyano. Una, tungkol sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Nang marinig ni Pedro ang sinabi ni Hesus hindi niya matanggap na ang kanyang Panginoon ay magdurusa at mamamatay. Pero sinabi ni Hesus kay Pedro na siya ay nag-iisip ayon sa mga bagay ng tao, at hindi sa mga bagay ng Diyos. Bilang mga alagad ni Hesus, tinatawag tayo na sumunod sa kanyang halimbawa at tanggapin ang kanyang kalooban para sa atin. Hindi natin dapat ipaglaban ang ating sariling gusto o interes, kundi magtiwala sa kanya, na may mas mainam na layunin siya para sa atin. Ikalawa, tungkol sa pagpapasan ng ating krus. Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad na kung sino man ang nagnanais na sumunod sa kanya, dapat itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa kanya. Ang pagpapasan ng krus ay hindi lamang tungkol sa pagtitiis ng mga hirap o problema, kundi pati na rin sa pag-ibig at paglilingkod. Ang bawat isa sa atin ay may iba’t ibang uri ng krus na dapat dalhin: maaaring ito ay isang sakit, isang pagsubok, isang responsibilidad, o isang hamon. Ang mahalaga ay hindi natin ito dalhin nang mag-isa, kundi kasama si Hesus na siyang nagbigay ng halimbawa at lakas para sa atin. Mga kapanalig, nawa’y maging inspirasyon natin ang salita ng Diyos upang sumunod kay Hesus nang may pananampalataya at pag-asa. Amen.
- Fr. Rolly Garcia Jr. | Director, Biblical Apostolate - Archdiocese of Manila
Mabuting Balita l Setyembre 2, 2023 – Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH
Ebanghelyo: Mateo 25:14-30
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ipagpalagay natin na may isang tao, na bago mangibambayan ay tinawag ang kanyang mga katulong at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang mga ari-arian. Limang talentong pilak ang ibinigay niya sa una, dalawa naman sa isa pa, at isa sa pangatlo, batay sa kaya ng bawat isa. At saka umalis. Pagkaraan ng matagal na panahon, bumalik ang amo ng mga katulong na ito at hiningan sila ng pagsusulit. Kaya lumapit ang nakatanggap ng limang talento dala ang tinubong lima pang bareta at sinabi: ‘Panginoon ipinagkatiwala mong limang bareta sa akin at tingnan mo, tumubo pa ako ng limang talento.’ Sumagot ang amo: ‘Mabuti, mabait at matapat na katulong; dahil naging tapat ka sa kaunting bagay, pagkakatiwalaan kita ng higit pa rito. Halika at makibahagi sa kaligayahan ng iyong panginoon.’ Sa bandang huli, dumating ang nakatanggap ng isang talento at nagsabi: ‘Panginoon, alam kong mahigpit kang tao, inaani mo ang di mo itinanim at nililikom ang hindi mo ipinagnenegosyo, natakot ako kaya itinago ko yong talento sa lupa. Heto ang sa iyo.’ Ngunit sinagot siya ng kanyang amo: ‘Masama at walang kuwentang katulong. Kaya kunin ang talento sa kanya at ibigay ito sa may sampu pa. Sapagkat sa sinumang meron, bibigyan pa s’ya at magkakaroon ng sagana, ngunit ang wala, maging ang sa kanya ay aagawin sa kanya. Para sa walang silbing katulong, itapon siya sa dilim kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin.’”
Pagninilay:
Kapanalig, may isang kanta na ang sabi: “It’s not what you got, it’s how you use it.” May katotohanan, di ba? “Hindi sa kung ano ang meron ka, kundi kung paano mo’ng ginagamit ang nasa iyo na.” Sa pinagkatiwalang mga talento sa tatlong alipin, maaari natin itong tingnan sa perspektibo ng pagsusulit ng kalooban. May tatlong bagay na dapat isaalang-alang at doon ka makakapasa. Una, Utang na Loob. Sa halagang ibinigay sa iyo, matuto kang tumanaw ng utang na loob. Ikalawa, Kagandahang-loob. Sa nagbigay ng talento, iwasang maging judgmental. Kung mahigpit siya, baka may dahilan siya. Ang mahalaga, nagmamagandang-loob kang tumalima sa niloloob niya. Ikatlo, Lakas-loob. Isantabi ang takot at mga ligalig. Maging masigasig. I-push mo ang pagiging mapanlikha. Kapanalig, kung tutuusin, araw-araw mayroon tayong pagsusulit ng kalooban. Matatawag natin itong examination of
- Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Setyembre 1, 2023 – Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
#MabutingBalita
Ebanghelyo: Mateo 25:1-13
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal
Pagninilay:
Paano mo gustong maalala pagkatapos ng maikling buhay mo sa mundo? Gusto mo bang maalala sa dami ng ari-arian, yaman, kasikatan at tagumpay na iyong tinamo? O gusto mong maalala sa dami ng kabutihang iyong nagawa habang nabubuhay ka sa mundo?
Para sa maraming kabataan, marahil wala pang masyadong dating ang babala ng Mabuting Balita ngayon. Dahil feeling nila, napakabata pa nila para paghandaan ang buhay sa kabila. Kaya marami sa kanila ang namumuhay na parang walang Diyos, na parang walang katapusan ang buhay. Pero ang babala na maging laging handa sa pagdating ng Panginoon ay nauukol sa ating lahat – bata man o matanda, mahirap
- Sr. Lines Salazar, fsp | Daughters of St. Paul
A Thought A Day | September 3 2023
A Thought A Day | September 2 2023
Mary in Our Life | Word And Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
A Thought A Day | September 1 2023
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This
Mabuting Balita l Agosto 31, 2023
Huwebes sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon
San Raymundo Nonato
Ebanghelyo: Mt 24:42-51
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Magbantay kayo sapagkat hindi n’yo alam ang araw ng pagdating ng inyong Panginoon. Isipin n’yo ito: Kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, magbabantay s’ya at hindi pababayaang pasukin ang
Pagninilay:
Noong Disyembre 21, 2012, halos buong gabi akong gising. Takot at nangangamba dahil magugunaw na daw ang mundo. Ito’y mula sa prediksyon ng tribong Maya. Sinasabi ng mga iskolar na ang maraming mga pekeng palatandaan na ito ay nakaugat sa kagustuhan ng tao na mamuhay pa ng may saysay dito sa mundo. Gayunpaman, anuman ang gawing prediksyon—iisa ang sigurado—ikaw at ako ay may katapusan, mayroong kamatayan. Sa ating Mabuting Balita, sinasabi sa atin ni Hesus na “Stay awake!” sapagkat hindi Ninyo nalalaman ang oras ng kanyang muling pagdating. Sa tuwing iniisip ko ang wakas, kamatayan man o muling pagdating ng Diyos, lagi kong tinatanong: Paano mo gusto maalala? Maalala ba ako sa mga maling paniniwala, mararangyang kagamitan, kayamanan, at puspos ng kapangyarihan? Mga kapanalig, magsikap nawa tayong ipalaganap ang katotohanan, maging inspirasyon at pag-asa sa kapwa, maging mukha ng pag-ibig ni Hesus sa mga nahihirapan at lubos na nangangailangan. Magwakas man ang ating buhay, ang maaalala nawa sa atin ay si Kristo. Magwakas man ang panahon, matibay ang ating paniniwala na tayo’y nakaugat kay Kristo. Amen.
- Bro. Vinz Aurellano, SSP l Society of St. Paul
A Thought A Day | August 31 2023
From the publisher's feed