
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | September 18 2023
A Thought A Day | September 17 2023
“Climate Crisis Demands a Responsible Action From Us” | Season of Creation - Part 2 | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
Mabuting Balita l Setyembre 16, 2023 – Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 6:43-49
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno nama’y hindi makapamumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat puno sa bunga nito. Hindi makapipitas ng igos mula sa tinikan ni makaaani ng ubas mula sa dawagan. Naglalabas ang taong mabuti ng mabuting bagay mula sa yaman ng kabutihan sa kanyang puso; ang masama nama’y naglalabas ng masamang bagay mula sa kanyang kasamaan. At umaapaw nga mula sa puso ang sinasabi ng bibig. Bakit pa ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ pero hindi Ninyo naman tinutupad ang aking sinasabi? Ilalarawan ko sa inyo ang lumalapit sa akin at nakikinig sa aking mga salita at tumutupad nito. May isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay ng malalim at sa batuhan inilagay ang mga pundasyon. Pagdating ng baha, hinampas ng agos ang bahay na iyon subalit wala itong lakas para yanigin iyon sapagkat mabuti ang pagkakatatag niyon. At kung may nakikinig ngunit di naman nagsasagawa, matutulad siya sa nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng
Pagninilay:
Mga kapanalig, tinanggap ni San Pablo, apostol na siya’y makasalanan. Pero sinasabi niya, na sa kanyang pagtanggap dito, naipapakilala niya sa iba ang liwanag ng walang kundisyong pagmamahal at pagpapatawad ni Kristo, na siyang nagkapagpanibago sa kanya. Ang kanyang naging pagbabago ay bunga ng kanyang naging pananampalataya kay Kristo. Nagbunga ito ng mas marami pang tagasunod ni Kristo, dahil sa mga naitatag niyang komunidad at nagabayang sambayanang Kristiyano. Kapanalig, papaano nagiging mabunga ang iyong buhay? What kind of fruits do you bear in life? Kung pawang kabutihan at pagpapatawad ni Kristo ang nakikita sa’yong pagkatao, masasabing tunay ka ngang taga sunod ni Kristo at ikaw ay pagpapalain. Binabago ng
Mga kapanalig, hindi ipinapangako ni Kristo sa kanyang mga tagasunod ang isang buhay na madali lamang. Pero ang kanilang mga pagpapakasakit na binata kasama si Kristo, magbubunga ng hitik para sa simbahan, at para sa mga mananampalataya.
- Fr. Edward Dantis, ssp | Society of St. Paul
A Thought A Day | September 16 2023
Mabuting Balita l Setyembre 15, 2023 – Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Juan 19:25-27
Nangakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!”
Pagninilay:
Sa araw na ito ginugunita natin ang Mahal na Birheng nagdadalamhati. Habang nakabayubay sa krus, inihabilin tayo ni Hesus sa kanyang Inang nagdadalamhati. Mula noon, pinagpala na tayo ng mga panalangin, pag-iingat at pag gabay ng ating Inang Maria. Inaakay niya tayo palapit sa kanyang Anak upang tulad niya, mapuspos ng biyaya ang ating buhay.
Mga kapanalig, dalawang araw mula ngayon, ipagdiriwang sa buong Kabikolan ang Kapistahan ni INA, ang Mahal na Birhen ng Peñafrancia. Pinaparangalan ang Mahal na Birhen bilang pagtanaw sa kanyang natatanging bahagi sa dakilang kasaysayan ng ating kaligtasan, ang kanyang walang pag-iimbot at tapat na pagtalima sa kalooban ng Panginoon, upang maging Ina ni Hesus. Hindi man niya lubusang matanto ang plano ng Diyos, lubos siyang nagtiwala sa Panginoong tunay na nagmamalasakit, tapat at nagmamahal sa kanya.
Araw-araw, matindi ang kaba ng aking dibdib dahil sa takot, habang naglalakad ako papuntang school noong ako’y nasa kolehiyo. Ramdam ko ang mga namumulang mga mata ng mga kalalakihang nakatingin sa akin habang dumadaan ako. May nakapagsabi sa akin na maraming adik sa lugar na iyon. Minsan sinabi ko sa aking ina, “Nanay, natatakot po ako, tinitingnan nila ako kapag ako’y dumadaan.” Magiliw na lumingon sa akin si Nanay, “Dee, si Ina ang bahala saiyo. Sa iyong paglabas, tawagin mo Siya, isang Aba Ginoong Maria.” Araw-araw bago ako lumabas naririnig ko ang habilin ng aking Nanay. Hanggang ngayon, kapag nakakaramdam ako ng takot, naririnig ko ang aking Nanay, “Dee, isang Aba Ginoong Maria.” Mahal na Inang Maria, ni minsan hindi mo po ako binigo.
- Sr. DeedeeAlarcon, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | September 15 2023
Mabuting Balita l Setyembre 14, 2023 – Huwebes | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Juan 3:13-17
Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit-ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.”
Pagninilay:
Ngayong kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal, narinig natin kung papaanong sinabi ni Hesus kay Nicodemo, na siya ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit, upang iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Sinabi rin niya, na tulad ng pagtaas ni Moises sa ahas sa ilang, na naging daan upang ang mga nakagat ay gumaling, kailangan din niyang mataas sa krus, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Mga kapanalig, ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos para sa atin. Handa niyang ibigay ang kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Hindi niya gustong maparusahan tayo sa ating mga kasalanan, kundi ibigay sa atin ang Kanyang biyaya at awa. Isa itong biyaya na hindi tayo karapat-dapat, pero ibinigay niya sa atin nang walang bayad. Kailangan nating manampalataya kay Hesus upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Kailangan nating tanggapin si Hesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, at sumunod sa kanyang mga utos. Ang pananampalataya ay hindi lamang isang pagpapahayag ng bibig, kundi isang pagpapakita ng buhay.
Mga kapanalig, ang ating Mabuting Balita ay isang paanyaya sa atin, na magtiwala kay Hesus at magpasalamat sa kanyang dakilang pag-ibig. Isa din itong hamon sa atin, na mabuhay nang alinsunod sa kanyang kalooban, at magpatotoo sa iba tungkol sa kanyang biyaya. Nawa’y maging matapat tayo sa ating pananampalataya kay Hesus, ang Anak ng Diyos na bumaba mula sa langit para sa ating kaligtasan. Amen.
– Fr. Rolly Garcia Jr., Director – Commission on Biblical Apostolate | Archdiocese of Manila
A Thought A Day | September 14 2023
Mabuting Balita l Setyembre 13, 2023 – Miyerkules | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 6:20-26
Tumingala si Hesus sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't sa inyo ang kaharian ng Diyos. Mapapalad kayong mga nangagugutom ngayon: sapagka't bubusugin kayo. Mapapalad kayong mga umiiyak ngayon: sapagka't tatawa kayo. Mapapalad kayo kapag kinapopotan kayo ng mga tao, at tinatakwil at iniinsulto, at sinisiraang puri dahil sa akin. Magsaya kayo at lubos na mag galak sa araw na yon, sapagka't malaki, ang gantimpala mula sa Diyos. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. Ngunit sawimpalad kayong mayayaman! sapagka't tintamasa na Ninyo ang inyong ginhawa. Sawimpalad kayong mga busog ngayon! sapagka't mangagugutom Kayo. Sawimpalad kayong humahalakhak ngayon! sapagka't magluluksa kayo at iiyak. Sawimpalad kayo kapag pinaguusapan kayo ng Mabuti sa lahat ng tao dahil ganuon din ng ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta”.
Pagninilay:
Alam ni Hesus ang pinagdaraanan mo dahil kilala niya ang puso ng tao. Siya rin ay na-bully ng mga taong hindi makatanggap sa kanya. Nakikita niya ang lahat mong tagumpay at pagtitiis, lahat ng saya at luha. Sinasabi niya sa atin ngayon: “Pinagpala kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, pinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinararatangang kayo ay masama. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, dahil malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alam mo ba kung ano ang gantimpala mo dito sa lupa? Kasama mo ang Diyos na nagtataas sa mga aba at nagsasadlak sa mga makapangyarihan. At dahil kasama mo ang Diyos, magagawa mong magalak at magsaya: yung sayang tumatagos sa kaibuturan ng puso na kahit nahihirapan ka o may problema, nakakangiti ka pa rin at payapa mong nagagawa ang iyong mga tungkulin at responsibilidad. ‘Yun ay kung susundin mo ang payo ni San Pablo: “Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman.
– Sr. Rose Agtarap, fsp | Daughters of St. Paul
Panalangin:
Panginoon, patatagin mo po kami at punuin ng pagmamahal ang aming puso Panginoon, patatagin mo po kami at punuin ng pagmamahal ang aming puso upang huwag kaming maghiganti, bagkus, ipaubaya namin ang lahat sa galit ng Diyos. Huwag nawa kaming magpadaig sa masama, kundi daigin namin ng mabuti ang masama. Amen.
From the publisher's feed