PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Hulyo 5, 2023

    Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Mt 8:28-34

    Pagdating ni Hesus sa lupain ng Gadara sa kabilang ibayo, sinalubong siya ng dalawang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa libingan. Napakabangis nila kayat walang makadaan doon. Bigla silang sumigaw: “Ano ang kailangan mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos! Pumarito ka ba

    para pahirapan kami bago sumapit ang panahon?” Sa may di kalayua’y maraming baboy na nanginginain. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Kung palalayasin mo kami, ipadala mo kami sa mga baboy.” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Umalis kayo.” Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy—at hayun! nahulog sa bangin ang lahat ng baboy papuntang dagat, at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. Pagdating nila sa bayan, ipinamalita nila ang lahat at kung ano ang nangyari sa mga inaalihan ng mga demonyo. Kaya lumabas ang buong bayan para salubungin si Hesus; at pagkakita nila sa kanya, hiniling nilang umalis siya sa kanilang lugar.

     

    Pagninilay:

    “Naparito ka ba upang pahirapan kami bago dumating ang panahon?”  Ito ang katanungan kay Hesus ng mga taong inaalihan ng demonyo. Anupa’t, nakilala nila kung sino si Hesus. Na siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang tao. At alam din nila na sila ay mapaparusahan pagdating ng panahon. Mga kapanalig, ano mang kasalanan ng tao, naglalayo ito sa kanya, hindi lamang saDiyos kundi pati sa kanyang kapwa. Sabi nga, “Every sin in a way, is a social sin.” Dahil may epekto ito sa pakikitungo natin sa iba. It separates us from the society. Marahil kaya ang mga taong inalihan ng demonyo ay nakatira sa libingan. Walang makalapit sa mga ito at sabi nga sa Mabuting Balita, “walang makadaan sa dako nila.” Pero nang papalapit si Hesus, sinalubong nila siya. Inutusan sila ni Hesus na pumaroon sa kawan ng mga baboy upang mapalaya ang dalawang

    napossess ng demonyo. Pero imbes na matuwa ang buong lungsod ay nalungkot pa. Walang nais ang Diyos sa atin kundi ang mapalaya tayo
    sa ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Sana’y lagi nating buksan ang ating puso sa Diyos at laging piliin Siya higit pa sa mga yaman o anumang material na bagay. Amen.

    - Sr. Tina Madrigallos, fsp l Daughters of St. Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 5, 2023

    A Thought A Day | July 5, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 4, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Hulyo 4, 2023

    Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Mt 8, 23-27

    Sumakay si Hesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. Walang ano-ano’y nag karoon ng malakas na bagyo sa lawa. At parang matatabunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Hesus.Ginising siya nila na sumisigaw. “Panginoon, saklolo! Mamamatay tayo!” At sinabi ni Hesus, “Bakit kayo natatakot? Kayong napakaliit ng paniniwala!” Bumangon siya, at inutusan ang mga alon, at hangin, at tumahimik lahat. Nagulat ang mga tao at sinabi nila, “Anong klasing tao ito? Sumusunod sa kanya pati ang hangin at dagat!”

     

    Pagninilay:

    Kapag nakasakay tayo sa barko namamangha tayo sa kagandahan ng karagatan. Lalo na dito sa ating bansa, biniyayaan tayo ng Diyos ng magagandang karagatan. Noong nakalipas na summer, umuwi ako sa aming bayan sa Masbate. Sumakay ako ng barko. Sa kalagitnaan ng aming paglalayag, meron malakas na alon. Pero para sa amin palaging nagbabiyahe sa dagat, normal na ang ganung alon. Nakaramdam ng takot ang ibang mga kasamahan namin, dahil di sila sanay sumakay ng barko. Maliban sa sanay na akong sumakay ng barko, hindi ako nakaramdam ng takot dahil buo ang tiwala ko na kasama namin ang kapitan, at nanalig kami sa kanyang kahusayan sa pagpatakbo ng barko.  Sa ating buhay pananamplataya, minsan hinahambalos tayo ng malalaking alon ng problema at mga suliranin. Minsan napapasabi na lang tayo: “natutulog yata ang Diyos kasi parang hindi Niya pinapakinggan ang mga panalangin ko.” Sa ating mabuting balita ngayon, narinig natin na nakasakay si Hesus kasama ang mga alagad sa isang bangka. Bumugso ang malakas na alon, at natutulog ang Panginoong Hesus. Kaya nilapitan nila si Hesus at sinabi: “Panginoon, tulungan nyo kami.” Lulubog na tayo.”

     Mga kapanalig, sino kaya ang tunay na tulog sa ating Mabuting Balita? Ang mga alagad ng ating Panginoong HesuKristo ay gising na gising, pero tulog naman ang kanilang pananampalataya. Sa kabilang banda tulog na tulog ang ating Panginoong Hesukristo, pero gising na gising ang kanyang pananampalataya sa Diyos Ama. Kung lumubog man ang bangka na sinasakyan ng mga alagad, hindi nila alam na kasama nila sa paglubog ang ating Panginoong Hesukristo. At higit sa lahat kung lumubog man ang bangka, kayang-kaya silang iligtas ng ating Panginoong Hesukristo.

     Mga Kapanalig, mas makapangyarihan ang ating Panginoong Hesukristo kaysa sa ano mang mga unos at alon na dumarating sa ating mga Buhay. Kung itinuturing natin ang ating Panginoong Hesukristo, na kapitan ng ating mga buhay, wala tayong dapat ikatakot dahil siya

    ang magbibigay ng direksyon sa ating mga buhay. Kasama natin siya sa bangka ng ating buhay, lumubog man ito, kasama natin siya at kayang-kaya niya tayon i-ahon. Panatilihin lang nating gising ang ating pananampalataya sa kanya.  Amen.

     

    - Fr. Sebastian Gadia, SSP l Society of St. Paul

     



    5 min
  • A Thought A Day | July 4, 2023

    A Thought A Day | July 4, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    4 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Maria Goretti, Patron Saint of all Young Girls and all Rape Victims | July 6

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Maria Goretti, Patron Saint of Young Girls and all Rape Victims | July 6


    Today, we are bringing you the exciting story of a child saint. Can a child become a saint? oh, yes, children can also possess great love for God, like St. Maria Goretti, who at eleven years old died a martyr of purity. Maria Goretti was born of a very poor family on October 16, 1890, in Corinaldo, Italy. Her father died when she was nine, so her mother and siblings had to share a home with another poor family. The good Catholic mother taught her children how to love God above all things and to hate sin. The rule that Maria learned by heart was: “Rather death than sin." Maria was a beautiful girl. She had chestnut hair and an innocent smile, which reflected the beauty of her soul. Her mother
    and two siblings would go to the farm every day, while she remained at home to care for her youngest sister, cook the food and keep the small house in order. Now, the family with whom they lived had a 19-year old son, named Alessandro, who admired and liked Maria very much. In order to satisfy his desire, he tried to make unchaste advances
    on her, but she always refused and rebuffed him. One day, while Maria was alone with her little sister, Alessandro came with a dagger. He demanded Maria to give in to his lustful aspiration. But Maria courageously refused and cried out: "No, it's a sin. God does not want it." The alternative for her refusal was death. The dagger soon pierced her body several times and she was taken to the hospital but died the next day. Before dying she prayed for Alessandro and forgave him."... I want him with God in heaven." After her death, many people prayed to her and miracles have been wrought through her prayers. The greatest miracle, however, was the conversion of her murderer, who became the principal witness for her beatification. Since he was a minor when he committed the crime, his sentence was reduced to 30 years. He entered the Order of Friars Minor and served as receptionist and gardener. Maria was 11 years old when she died on July 5, 1902. When she was beatified on April 27, 1947, her mother and siblings were present. On June 25, 1950 Pope Pius XII canonized Maria in the presence of her aged mother, her siblings and Alessandro. St. Maria Goretti is a protector of chastity, patron saint of young girls and rape victims.

     Virtue : Love of Jesus, purity of soul and body, serene acceptance of poverty and harsh life.

    Prayer: Oh, St. Maria Goretti lover of purity, please help today’s teenagers to preserve their virginity amidst the indecency in our world.

     

    5 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Hulyo 3, 2023

    Lunes ng Ika 13-Linggo sa Karaniwang Panahon

    Ebanghelyo: Jn 20:24-29

    Isa sa Labindalawa si Tomas na tinaguriang Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Hesus. Kaya sinabi sa kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita naming ang Panginoon!” “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako at maipasok ko ang aking daliri sa bakas ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!” Makaraan angwalong araw, muli na namang nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si

    Tomas. Dumating si Hesus habang nakasara ang mga pinto at pumagitna sa kanila.
    At sinabi niya: “Sumainyo ang kapayapaan!” At sinabi niya kay Tomas: “Dalhin mo
    ang daliri mo rito at tingnan ang aking mga kamay. Ipasok mo ang iyong daliri sa aking tagiliran at huwag kang tumangging maniwala kundi maniwala!” Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko, ikaw!” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.”

     

    Pagninilay:

    “To see is to believe!” marahil ang motto ni Santo Tomas, apostol, na ang Kapistahan ipinagdiriwang natin sa araw na ito. Mapagduda at kulang sa pananampalataya ang tingin ng ilan sa kanya. Walang pagkukunwaring

    inihayag ni Tomas ang kanyang nararamdaman. Pero, sa lahat ng mga apostol, siya ang nabigyan ng pagkakataong mahawakan ang sugat ni Hesus sa tagiliran, sugat na dinaluyan ng bukal ng buhay at karagatan ng awa. Hindi natin nakita, ang nakita ni Hesus kay Tomas – katapatan, sinseridad at pagpapakatotoo. Madali ang manghusga, mahirap makita ang pansariling kahinaan. Mga kapanalig, inaanyayahan tayo sa araw na ito, na suriin ang ating sarili. Tingnan, kung merong bahid ng pagkukunwari at panghuhusga ang ating puso. Sa mata ng Diyos wala taong maitatago. Siya lamang ang lubos na nakakakilala sa atin. Alam Niya ang nilalaman na ating puso, isip, mga plano, pakiramdam at lahat, sa buhay natin. Kaya wala tayong dahilan upang magkunwari; walang karapatan upang manghusga kanino man. Hilingin natin, na sa tulong ni Apostol Santo Tomas, nawa’y tulungan tayo ng ating Panginoong magpakatotoo at palayain sa ugaling mapanghusga sa
    kapwa. Amen. 

     

    - Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 3, 2023

    A Thought A Day | July 3, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay

    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Hulyo 2, 2023

    Linggo sa Ika 13-Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: MATEO 10:37-42

    Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin. Hindi karapat-dapat sa akin ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin. At hindi karapat-dapat sa akin ang sinumang hindi nagpapasan sa kanyang krus at sumusunod sa akin. Mawawalan ng kanyang sarili ang sinumang nagpapahalaga nito, at matatagpuan naman ito ng nawawalan ng

    kanyang sarili. Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumatanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumatanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.

     

    Pagninilay:

    Sa ating Mabuting Balita ngayon, itinuturo ng ating Panginoong Hesus ang kahalagahan ng pagiging mapagmalasakit at bukas sa pagtanggap sa ating kapwa. Nangako siya na may tatanggaping gantimpala ang sinumang magsasabuhay nito.  Ang sinumang tumanggap sa kapwa, ay tinatanggap din ang Panginoon.  Ang sinumang gumagawa ng kabutihan sa kapwa, ay gumagawa ng kabutihan sa Panginoon.  Kaya naman napakahalagang wala tayong pinipili sa ating mga paglilingkuran at

    gagawan ng kabutihan.   Sa kabilang banda, ipinapangako rin ni Hesus na pagpapalain ang mga taong tumatanggap at tumutulong sa kanyang mga alagad. Binabanggit niya ang principle of reciprocity, kung saan ang mga tumatanggap at tumatangkilik sa mga alagad ng Diyos, mga propeta, at matuwid na tao ay tatanggap rin ng gantimpala at biyaya
    mula sa Diyos. Kahit ang pinakamaliit na gawa ng kabutihan at suporta, tulad ng pag-aalok ng isang baso ng malamig na tubig sa isang alagad, ay hindi maaaring hindi mapansin ng Diyos. Mga kapanalig, maliwanag ang paanyaya sa atin ng ating Mabuting Balita: ang maging mabuti sa kapwa.  Sa mundo kung saan nagkakanya-kanya ang marami at laging inuuna ang sarili, napakahalaga ng pagsaksi nating mga Kristiyano sa kagandahan ng pagiging mabuti, mapagmalasakit at mapagbigay sa ating kapwa.  Ipanalangin natin na sana ay magawa natin ito.  Amen.

     

    - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila



    5 min
  • A Thought A Day | July 2, 2023

    A Thought A Day | July 2, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.