PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 – Sabado

    Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023

    Sabado sa Ika-12 Linggo sa karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Mt 8:5–17

    Pagdatingni Hesus sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya:“Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong.Lumpo siya at sobra na angpaghihirap.” “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” “Panginoon, hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko, pero kapag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo

    ito,’ at ginagawa niya ito.” Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.”  Pagkaalis n’ya sa sinagoga tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang biyanan ni Pedro at may lagnat at agad nila itong sinabi kay Hesus. Kaya lumapit s’ya, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, ng dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng may sakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan, maraming may iba’t-ibang sakit
    ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas. Ngunit hindi n’ya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino s’ya.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, muling pinatunayan ng Mabuting Balitang ating

    narinig ang kahalagahan ng matatag na pananalig sa Diyos.  Kapag may isinusumamo tayong kahilingan sa Panginoon, i-claim na natin, na natanggap na ito, at magpasalamat; at tiyak na ipagkakaloob ng Diyos ang taimtim na hangarin ng ating puso, kung tunay itong makakabuti sa atin.  Lagi lang tayong maging bukas na tanggapin, anuman ang Kanyang tugon sa ating pagsamo, dahil bilang ating Panginoon at Tagapagligtas – God knows what is best for us His children.  Sa ating Mabuting Balita, humanga ang Panginoong Hesus sa malalim na pananampalataya, pagtitiwala at kababaang-loob ng kapitan.  Bagamat isang pagano at
    pinuno ng mga kawal, nagpakumbaba siya at nakiusap kay Hesus na pagalingin ang kanyang katulong na dumaranas ng matinding hirap.   Labis siyang nahabag sa kanyang katulong.  Malasakit at kalinga ang
    nanaig sa kanya upang magsumamo kay Hesus para sa kagalingan ng kanyang katulong.  Dahil dito, humanga si Hesus sa pananalig ng kapitan, at iginawad nga niya ang kagalingan ng kanyang katulong. 

    Mga kapanalig, anong mga aral ang mapupulot natin sa Mabuting Balita?  Una, Pananampalataya at pagpapakumbaba!  Ito ang mga susi upang dumaloy sa atin ang habag at pagpapala ng Diyos.  Kaya anumang suliranin ang pinagdadaanan natin sa mga sandaling ito, buong kababaang-loob tayong dumulog sa Diyos. Magsumamo at ipahayag ang ating lubos na pagtitiwala na kung wala Siya, hindi natin kakayanin ang mga pagsubok na ating nararanasan.  Ikalawa, malasakit at habag sa mga taong naglilingkod sa atin.  Sila din naman aymga taong katulad natin, na minahal at pinag-alayan ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Nakakaangat man tayo sa buhay ngayon, pero pagdating ng takdang panahon na makikipagharap tayo sa Diyos, pagkatapos ng buhay natin sa mundo – we share the same destiny, parehas tayong mamamatay at susulitin ng Diyos, kung namuhay ba tayo sa pagmamahal.  At ang ikatlo, nalalaman ng Diyos ang taimtin na hangarin ng ating puso at kung ano ang tunay na makakabuti sa atin.  Kaya ibigay natin sa Kanya ang lubos na pagtitiwala at pag-asa, at bukas-loob nating tanggapin anuman man ang tugon Niya sa ating mga pagsamo.  

     

    -Sr. Lines Salazar, fsp l Daughters of St. Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | July 1, 2023

    A Thought A Day | July 1, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 30, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Hunyo 30, 2023

    Biyernes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Mateo  8:1-4

    Pagkababa ni Hesus mula sa bundok, maraming tao ang sumusunod sa kanya. Lumapit sa kanya ang isang may ketong, at paluhod na nagsabi: “Ginoo, kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” At sinabi ni Hesus: “Gusto ko, luminis ka!”  Nang oras ding iyo’y gumaling ang lalaki sa kanyang ketong. At sinabi ni Hesus sa kanya: “Mag-ingat ka, huwag mong sasabihin ito kaninuman kundi pumunta ka sa pari para suriin ka niya at ialay ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.

     

     

    Pagninilay:

    Noong panahon ng Panginoon Hesus, masasabing isang stigma ang magkaroon ng sakit na ketong.  Isa itong sakit na pinandidirihan, at maituturing na parang patay na, ang magkasakit nito.  Walang kasing dapat na lumapit at makipag- usap. Noon, ang isang may ketong kapag lumalabas at maglalakad sa kalye, dapat

    sumigaw ng “marumi, marumi” para malaman ng mga tao na paparating siya, at makaiwas agad. Maraming tao ang ganito ang karanasan lalo na nung kasagsagan ng COVID-19. Maraming tao sa buong mundo ang na isolate, at sapilitang ikinulong sa kanilang mga tahanan. Marami din ang sawimpalad na namatay. Ako din po, bagamat hindi na-covid ay nakaranas ding mag self- quarantine sa loob ng labinlimang araw, dahil na exposed ako sa isang nag positive sa COVID-19. Mga kapanalig, bigyang pansin natin ang sinabi ng ketongin sa ating Panginoong Hesus, sabi niya “Panginoon, kung ibig mo ay malilinis mo ako.” Makikita natin dito ang kanyang pagsuko at pagpapakumbaba… Binibigyan ng ketongin ang Panginoong Hesus ng layang, gawin sa kanya anuman ang naisin niya para sa kanya. Isa itong paanyaya sa atin, na magkaroon din tayo ng pagsuko at pagtitiwala sa Panginoong Hesus. Matapos na pagalingin ang ketongin, sinabi ng Panginoon sa kanya na humayo, at humarap sa pari, upang ialay ang handog na pinag-uutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila. Mga kapanalig, inaanyayahan din tayong maging saksi, sa kabutihan at kagandahang loob ng Diyos. Kung naranasan natin ang pagpapagaling ng Panginoong Hesus, karamdaman mang pisikal o emosyonal, maging saksi tayo na tunay na ang Diyos ay pag-ibig. Sa ating Panginoong Hesus, ganap ang kagalingang dulot ay kaligayahan. Maging matatag nawa tayo sa bawat sandali ng ating buhay sa tulong at habag ng Diyos. Amen.

     

    - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | June 30, 2023

    A Thought A Day | June 30, 2023 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 29, 2023 – Huwebes

    Mabuting Balita l Hunyo 29, 2023

    Huwebes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Mateo 16:13–19

    Pumunta noon si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” 

    “Ngunit sino ako para sa inyo?” “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito
    sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito
    madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ngayong araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo, dalawang dakilang apostol ng ating Panginoon. Sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig natin ang mahalagang pagpapahayag ni Pedro tungkol kay Hesus, "Ikaw ang

    Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay." At bilang tugon, ipinahayag ni Hesus na si Pedro ang bato kung saan itatatag ang kanyang Simbahan at siya ang
    magiging tagapangasiwa nito.

    Mahalaga ang papel na ginagampanan nina San Pedro at San Pablo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Sila ay mga haligi ng ating pananampalataya, mga modelo ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Sila ay mga taong may mga kahinaan, pero patuloy na nagsisikap upang ipahayag ang salita ng Diyos

    at maging tagapahayag ng Kanyang kaharian sa mundo.

    Hindi lamang sila mga haligi ng ating pananampalataya, pero mga modelo rin ng katapangan at dedikasyon. Handa silang mag-alay ng kanilang buhay para matupad ang kalooban ng Diyos, sa kanilang paglilingkod sa Kanyang bayan. Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan, patuloy silang nanatiling matatag sa kanilang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

    Mga kapanalig, sa ating araw-araw na pamumuhay, tinatawag rin tayong maging mga tagapagdala ng liwanag at pag-asa sa ating mundo. Tulad nina San Pedro at San Pablo, tayo rin ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa ating Simbahan at sa ating komunidad. Tayo rin ay tinatawag na maging mga modelo ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.

    Ngayong araw na ito, inaanyayahan tayong magpakabanal at magpakatapang katulad nina San Pedro at San Pablo. Nawa'y patuloy tayong magpakatapang sa pagpapalaganap ng salita at pag-ibig ng Diyos. At nawa'y patnubayan tayo ni San Pedro at San Pablo sa ating mga gawain alang-alang sa pananampalataya natin sa ating Panginoong HesuKristo. Amen.

     

    - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

     

    6 min
  • A Thought A Day | June 29, 2023

    A Thought A Day | June 29, 2023 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules

    Mabuting Balita l Hunyo 28, 2023 – Miyekules

    Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Mateo 7:15–20

    Sinabini Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga lobo naman sa loob. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan? Namumunga ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang puno. Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.”

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ang mga propeta ay mga taong hinirang ng Diyos para maipaabot ang Kanyang mensahe sa atin. Sa kwento ng mga Israelita, ang bayang pinili ng Diyos sa biblia, may mga propetang ipinadala sa kanilang paglalakbay. Kabilang dito sina Isaias, Jeremias, Ezekiel, Samuel, Jonas at iba pa.  Hindi madaling maging propeta!  Tulad ni Jonas, hindi siya tumugon agad sa tawag ng Diyos na pumunta sa Nineve para mangaral. Kilala siyang propeta na nilamon ng isang dambuhalang isda, nanatili siya sa tiyan nito ng tatlong araw at gabi, at niluwa rin sa dalampasigan sa utos ni Yahweh. Pagkatapos noon, sumunod na

    siya sa Diyos. Pero, hindi rin pinapakinggan o pinapaniwalaan ang mga propeta sa lahat ng oras; may mga pagdududa pa rin sa mga nakakarinig sa kanila. Sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita – “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta … sa kanilang bunga, makikilala ninyo sila.” Sila ang mga “false prophets” o mga bulaang propeta na nagkukunwaring sugo ng Diyos, pero sa huli ang sarili nila ang ipinagbubunyi at “self-serving”. Sa ngayon, marami na rin tayong “modern day prophets” na naging instrumento ng kabutihan ng Diyos.  Pero may mga pagkakataon din na mabilis tayong maniwala sa magagandang salita, kaya napapasubo tayo at nalilinglang sa huli.  Mga kapanalig, hindi lamang pag-iingat ang kailangan natin. Mahalagang pagtuunang pansin ang pagpapalalim
    ng ating pananampalataya at pagpapatibay ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Maging maalam tayo sa Banal na Kasulatan, sa katuruan
    ng Inang Simbahan, at sa Katesismo upang hindi tayo madaling malinlang ng mga huwad na propeta. Nawa’y maging matatag tayo sa ating paninindigan at
    pananampalataya sa Diyos.     

    - Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

     



    5 min
  • A Thought A Day | June 28, 2023

    A Thought A Day | June 28, 2023 You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”. #pray #withme #gospel #reflection #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/ HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM Send your donations and love offerings to: G-CASH: 09686313280 METROBANK (Dollar Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1 SWIFT CODE: MBTCPHMM METROBANK (Peso Account) BRANCH: Skyland Plaza, Makati ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6 SWIFT CODE: MBTCPHMM BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad) ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc. ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 27, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Hunyo 27, 2023

    Martes sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Mateo  7:6, 12–14

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ibigay ang banal sa mga aso o itapon ang inyong perlas sa mga baboy, at baka yapakan nila ito at balikan kayo at lapain. Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta. Pumasok sa makipot na pinto sapagkat malapad ang pintuan at malawak ang daan papunta sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Napakakipot naman ng pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga nakakatagpo rito.”

     

    Pagninilay:

    Mula sa panulat ni Sr. Vangie Canag ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Noong panahon ng giyera, may kwento tungkol sa mag-ama na hinahabol ng mga kaaway. At upang makaligtas, dapat silang dumaan sa isang makitid na daan na baku-bako at madawag.  Kaya iminungkahi ng anak sa ama, na lumipat sila sa kabilang daan na malapad at sementado. Sabi ng ama: “Anak, malapad nga iyon pero, peligroso. Ito ang natitiyak kong daan patungo sa kaligtasan, kahit na mahirapan tayo.” Naniwala ang anak, dahil sinabi ito ng kanyang ama na marunong at nagmamahal sa kanya.  Mga kapatid, hindi

    magiging kaakit-akit ang paanyaya ni Hesus na pumasok sa makipot na daan, kung ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang paghihirap na kaakibat nito. Sa halip, kailangang i-focus natin ang inner vision sa happy ending; sa buhay na maligaya at walang hanggan.  Sa panahon natin ngayon, naglipana rin ang mga fake na guro, katulad ng fake news.  Tulad ng sinabi ni San Pablo kay Timoteo, “Darating ang panahon na hindi na maaatim ng mga tao ang mabuting aral … at isasara ang tainga sa katotohanan, at ibabaling naman sa mga alamat.”  Si Hesus ang kaisa-isang Guro, na nagtuturo sa atin ng totoo dahil Siya ang Katotohanan na galing sa Ama. Isinabuhay rin niya ang kanyang ipinangaral. Sa kanyang pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay, pinasok na niya ang makipot na pintuan, at siya’y naging matagumpay sa huli. Tinamo niya para sa atin ang buhay na walang hanggan.  Kapatid, libre ang grasya, pero nasa atin ang pagpapasya. Ang pagpili sa makipot na pintuan o maluwang na pintuan ay isang seryosong desisyon. Eternal salvation natin ang nakataya dito! (Maging sa araw-araw nating pamumuhay, pinapipili rin tayo sa dalawang pinto:  ang kalooban ng Diyos o ang ating sariling kagustuhan; magmalasakit sa
    kapwa o mag-enjoy lang sa ating comfort zone.  Yakapin nawa natin ang paanyaya ni Hesus Maestro na pumasok sa makipot na pintuan ng mga pagsubok sa buhay bilang pagsunod sa kanyang mga yapak. At dahil si Hesus ay namatay para mailigtas ang lahat, ialay nawa natin ang ating mga pagtitiis para sa pagbabalik- loob ng maraming pumapasok sa maluwang na pinto, na papunta sa kapahamakan.

    Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo po kami ng lakas ng loob na piliin ka lagi sa mga gagawin naming mga desisyon. Amen. )

    -  Sr. Evangelina Canag, fsp l Daughters of St. Paul

     

    6 min
  • Mabuting Balita l Hulyo 1, 2023 – Sabado

    MabutingBalita l Hulyo 1, 2023

    Sabado sa Ika-12 Linggo sa karaniwang Panahon

    Ebanghelyo:Mt 8:5–17

    Pagdating ni Hesus sa Capernaum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap.” “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” “Panginoon, hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa ngalang ang ranggo ko, pero kapag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman

    sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.” Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.”  Pagkaalis n’ya sa sinagoga tumuloy si Hesus sa bahay nina Pedro at Andres kasama sina Jaime at Juan. Doo’y nakahiga ang biyanan ni Pedro at may lagnat at agad nila itong sinabi kay Hesus. Kaya lumapit s’ya, hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Iniwan ng lagnat ang babae at ito mismo ang naglingkod sa kanila. Pagkalubog ng araw, ng dumidilim na, dinala nila kay Hesus ang lahat ng may sakit o inaalihan ng masamang espiritu. Nasa may pintuan nga ang buong bayan, maraming may iba’t-ibang sakit ang pinagaling ni Hesus at maraming demonyo ang kanyang pinalayas. Ngunit hindi n’ya sila pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila kung sino s’ya.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, muling pinatunayan ng Mabuting Balitang ating narinig ang kahalagahan ng matatag na pananalig sa Diyos.  Kapag may isinusumamo tayong kahilingan sa Panginoon, i-claim na natin, na natanggap na ito, at magpasalamat; at tiyak na ipagkakaloob ng Diyos ang taimtim na hangarin ng ating puso, kung tunay itong makakabuti sa atin.  Lagi lang tayong maging bukas na tanggapin, anuman ang Kanyang tugon sa ating pagsamo, dahil bilang ating Panginoon at Tagapagligtas – God knows what is best for us His children.  Sa ating Mabuting Balita, humanga ang Panginoong Hesus sa malalim na pananampalataya, pagtitiwala at kababaang-loob ng kapitan.  Bagamat isang pagano at

    pinuno ng mga kawal, nagpakumbaba siya at nakiusap kay Hesus na pagalingin ang kanyang katulong na dumaranas ng matinding hirap.  Labis siyang nahabag sa kanyang katulong.  Malasakit at kalinga ang
    nanaig sa kanya upang magsumamo kay Hesus para sa kagalingan ng kanyang katulong.  Dahil dito, humanga si Hesus sa pananalig ng kapitan, at iginawad nga niya ang kagalingan ng kanyang katulong. 

    Mga kapanalig, anong mga aral ang mapupulot natin sa Mabuting Balita?  Una, Pananampalataya at pagpapakumbaba!  Ito ang mga susi upang dumaloy sa atin ang habag at pagpapala ng Diyos.  Kaya

    anumang suliranin ang pinagdadaanan natin sa mga sandaling ito, buong kababaang-loob tayong dumulog sa Diyos. Magsumamo at ipahayag ang ating lubos na pagtitiwala na kung wala Siya, hindi natin kakayanin ang mga pagsubok na ating nararanasan.  Ikalawa, malasakit at habag sa mga taong naglilingkod sa atin.  Sila din naman ay mga taong katulad natin, na minahal at pinag-alayan ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Nakakaangat man tayo sa buhay ngayon, pero pagdating ng takdang panahon na makikipagharap tayo sa Diyos, pagkatapos ng buhay natin sa mundo – we share the same destiny, parehas tayong mamamatay at susulitin ng Diyos, kung namuhay ba tayo sa pagmamahal.  At ang ikatlo, nalalaman ng Diyos ang taimtin na hangarin ng ating puso at kung ano ang tunay na makakabuti sa atin.  Kaya ibigay natin sa Kanya ang lubos na pagtitiwala at pag-asa, at bukas-loob nating tanggapin anuman man ang tugon Niya sa ating mga pagsamo

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.