
Sign up to save your podcasts
Or


Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Alban, Patron Saint of all Torture Victims | June 22
St. Alban, was the first English Christian martyr. He lived in Verulamium sometime during the 3rd century when the Christians were suffering from the cruel persecution of Emperor Septimius Severus. Nothing is recorded about the early life of St. Alban. What we have gathered here is an account according to Venerable Bede, an English monk, scholar and theologian. Bede relates that Alban was not a Christian, but one day he met a Christian priest fleeing from persecutors. Alban kept the priest for some days in his house and watched him pray and meditate. He was so impressed that he decided to imitate the priest. Soon he decided to be a Christian and asked to be baptized. A few days later , someone informed the persecutors that the priest was hiding in Alban’s house. When the soldiers pursuing the priest came to Alban’s house, without the knowledge of the priest, Alban put on the priest’s cloak and presented himself to the soldiers. He was immediately brought to the emperor and was ordered to offer sacrifices to the idols. But he refused saying “I worship and adore the true and living God, who created all things.” in prayer in St. Alban’s Enraged, the emperor sentenced him to be scourged and beheaded. As he was being led to execution, they came across a river and Alban prayed that they could cross the wide river. Immediately the water dried up and they crossed it on dry land. When they reached a certain point, Alban prayed that God would give him a drink for he was thirsty. Suddenly, water sprung up at his feet and he was able to drink. Then, one of the soldiers gave him a fatal blow and his head dropped to the ground. The soldier who killed him, however, also died with his eyes popping out of its head and fell off to the ground beside the head of Alban. Meanwhile Alban’s head rolled down and on the spot where it stopped a spring of water gushed up. These miracles converted some soldiers. Today’s St. Alban’s Cathedral stands on this spot. After its destruction by the enemies of the Church the Cathedral was remodeled and improved. At 85 meters long, it has the longest nave of any cathedral in England. The present building is of Romanesque architecture with Gothic and 19th century arts. The present church officially called The Cathedral and Abbey Church of St. Albans and often referred as “the Abbey” is a church in England in the former Verulamium, now St. Albans. But there is a real Benedictine Abbey of monastic life founded beside it about 794 by King Offa. This Abbey still exists today, was remodeled and improved and other monasteries were established, including a monastery for nuns. It is recorded that a part of the improved building was opened by Queen Elizabeth in 1982. Today, there are several churches and schools in some parts of England built and maintained in memory of St. Albans, where they also keep some of his relics. The largest relic of this saint is his thigh preserved at St. Michael’s Benedictine Abbey in Farnborough, Hampshire, which was transferred from St. Pantaleon’s reliquary in the 1950’s. St. Albans is venerated as the English Protomartyr. He is remembered in the Church of England with a Lesser Festival on June 22 and he continues to be venerated by the Roman Catholic Church, the Anglican and Eastern Orthodox Communions. Every year, during the weekend closest to his feast, St. Alban’s Cathedral is host to a celebration called “Alban Pilgrimage” performed around the city of St. Albans, re-enacting Alban’s martyrdom.
Virtue: integrity, empathy, compassion, kindness, bravery, commitment and fortitude
Prayer: “St. Alban, help us to imitate your faith to worship and adore the living God alone and reject the idols of our modern world.”
Mabuting Balita l Hunyo 22, 2023
Huwebes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 6:7-15
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pag mananalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano; naniniwala nga sila na mas pakikinggan sila kung marami silang sinasabi. Huwag kayong tumulad sa kanila. Alam ng inyong Ama ang mga pangangailangan ninyo bago pa man kayo humingi. Kaya ganito kayo manalangin: Ama naming nasa Langit, sambahin ang Ngalan mo, dumating ang kaharian mo, sundin
Pagninilay:
Bata pa lang tayo, tinuruan na tayong magdasal ng “Our Father” ng nanay at tatay natin o ng Katekista sa lugar natin. Sa simula, ang preoccupation natin, kung paano’ng imemorize. Habang papalaki tayo, lumalalim na ang kahulugan nito sa atin. Nagiging personal na ang pagdarasal natin sa Diyos Ama. Halimbawa, ang ipinagkakatiwala natin sa Kanya na pagkain ng ating puso at kaluluwa bukod pa sa pang-araw-araw na sustenance, how to handle relationships, paano’ng maging mababang-loob, paano’ng magpatawad at humingi ng tawad, to fight against temptations, pagharap squarely sa masasama at pagpili ng mabuti. Kayat sa pananalangin ng Ama Namin, hindi lang ito prayer kundi intimate encounter with the Father. Sa tagpo ng malapît na ugnayan natin sa Diyos
-- Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 22, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 21, 2023
Miyerkules sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 6:1-6,16-18
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”
Pagninilay:
Dalisay at tunay na intensyon ng puso. Ito ang hinihingi ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Nais ng Panginoon na sa ating mga ginagawa para sa Kanya: maging ito’y pananalangin, paglilimos o pag-aayuno.... may kaakibat itong wagas o tamang intensyon. Sa kasagsagan ng paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang social media, mahalagang malinaw ang ating intensyon, sa tuwing pinopost natin ang mabubuti nating gawain o adbokasiya, upang kahit makita pa ito ng nakararami, may pundasyon ito, na sa Diyos lamang ang lahat ng papuri. Kung galing sa puso at laan para sa Diyos ang mabubuti nating gawain, mananatiling kaaya-aya ang mga ito sa Kanyang paningin. Kaya naman, kahit na pasalamatan man tayo o hindi, dahil sa mabuti nating ginagawa, magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kabutihan, dahil maliwanag sa atin na ang lahat ng ito’y ginagawa natin para sa Diyos.
Manalangin tayo: Panginoon ng buhay, Kayo po ang nakakaalam ng aming saloobin. Pagtibayin nawa kami ng Iyong dalisay na pag-ibig, nang sa gayon patuloy naming maialay ang mabubuti naming Gawain, na hindi naghahanap ng kapalit, lalo na ng papuri mula sa mga tao. Pagkalooban Mo po kami ng pusong dalisay, nang sa gayon lahat ng aming gawain, sumasalamin sa wagas Mong pag-ibig. Amen.
- Sr. Niña Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 21, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 20, 2023
Martes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:43–48
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin n’yo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan. Kung mahal n’yo ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala n’yo? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano? Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”
Pagninilay:
Ang Ebanghelyong narinig natin ay pagpapatuloy sa narinig natin kahapon. Patuloy tayong inaanyayahan ng Panginoon na huwag suklian ng masama ang masamang ginawa sa atin. Sa halip na gantihan ang taong nagkasala sa atin, pinapaalalahanan pa tayo ngayon na mahalin sila, gawan ng mabuti at
A Thought A Day | June 20, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 19, 2023
Lunes sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong labanan ng masama ang masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, ibaling ang mukha at ibaling ang kabilang pisngi. Kung may magdemanda sa iyo para kunin ang iyong sando, ibigay mo pati ang iyong kamiseta. Kung may pumilit sa iyong sumama sa kanya nang isang kilometro, dalawang kilometro ang lakarin mong kasama niya. Bigyan ang nanghihingi at huwag talikuran ang may hinihiram sa iyo.
Pagninilay:
Mga kapanalig, matindi ang hamon sa atin ng Mabuting Balitang ating narinig. Nangangailangan ito ng mataas na espiritwalidad. Pinapaalalahanan tayo na huwag labanan ang taong masama. Naranasan nyo na bang magpigil ng galit, dahil merong nanira sa iyo? Yong umaga pa lang, eh nakikita mo nang may mga ‘marites’ na ikaw ang pinag-uusapan? Ano ang gagawin mo? Sabi ni Lord, huwag kayong lumaban sa taong masama. Pero may isang bagay na maitutulong
- Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 19, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 18, 2023
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Ebanghelyo: Mateo 9:36 – 10:8
Nang makita ni Hesus ang makapal na tao, naawa siya sa kanila sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa kanyang mga alagad: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.” Tinawag ni Hesus ang Labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Hesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. “Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit’. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang
Pagninilay:
Mga kapanalig, sa Mabuting Balita ngayong araw, nakita natin kung paano naging maawaing pastol si Hesus. Nakita niya ang mga tao na parang mga tupa na walang pastol. Naawa si Hesus sa kanila, at sinabi niya sa kanyang mga alagad na magpahayag ng Mabuting Balita sa mga taong ito. Pero hindi madali ang pagiging alagad ng Panginoon. Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga alagad na may mga pagsubok na darating sa kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin. Pero mas mahalaga ang kanilang misyon, na ipakalat ang Mabuting Balita sa mga taong nangangailangan.
Minsan, maaaring magdulot ng tiwala sa sarili ang mga pagsubok na ito. Pero ipinakita rin ni Hesus sa kanyang mga alagad na hindi sila nag-iisa sa kanilang paglalakbay. Kasama nila ang Panginoon, at hindi siya magdudulot ng kahit anong paghihirap na hindi nila kayang lampasan.
Sa ating panahon, may mga taong naghihirap din sa mga laylayan ng ating mga komunidad, at wala nang ibang tumutulong sa kanila. Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang kanilang kalagayan. At bilang mga alagad ni Hesus, may tungkulin tayo na dalhin ang kanyang pagmamahal sa kanila.
Mga kapanalig, mag tiwala sa Panginoon, tulungan natin ang isa't isa na magsikap na maging mabuting alagad at magpakalat ng kanyang Mabuting
- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
From the publisher's feed