
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | June 18, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 17, 2023
Sabado sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 2: 41-51
Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy
Pagninilay:
Mga kapanalig, isa sa mga Utos ng Diyos ay ang “Paggalang sa mga magulang”. Salamat sa Panginoon, dahil ang Utos na ito, isa rin sa mga pinapahalagahan sa ating kulturang Pilipino. Mapagmahal ang ating mga magulang, kaya tayo rin, sa tulong ng kanilang paggabay at sa biyaya ng Diyos ay naging mga masunurin. Sa kwento ng ating Mabuting Balita, nag-alala ng lubos ang mga magulang ng Panginoong Hesus sa kanyang pagkawala. “Bakit ninyo ako hinahanap?” ang sagot ni Hesus. Mahalagang makita natin ang malaki niyang responsibilidad kesa sa kanyang sagot. Hindi nawala ang kanyang paggalang, pero, dahil sa limitasyon ng “translation” sa orihinal na texto, iba ang dating nito sa atin. Sa katunayan, sa huling bahagi ng Mabuting Balita, narinig natin na “siya’y naging masunurin sa kanila”. Nawa’y manatili tayong magalang sa ating mga magulang sa lahat ng panahon.
Manalangin tayo: Panginoong Diyos, maraming salamat po sa araw-araw na mga biyaya, lalo na sa aming mapagmahal na mga magulang! Sila po ang malaking instrumento ng Iyong wagas na pag-ibig sa bawat isa sa amin. Sa tulong po ng Iyong biyaya, maging karapat-dapat nawa kami na tanggapin ang Iyong pagmamahal sa pamamagitan ng aming mga magulang. Basbasan N’yo po sila ng mabuting kalusugan at gabay sa buhay. Amen.
- Sr. Mennen Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 17, 2023
Father’s Day Special 2023 | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
Mabuting Balita l Hunyo 16, 2023
Biyernes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 11:25-30
Nagsalita si Hesus sa pagkakataong iyon: “Pinupuri kita, Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak. Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at maypinapasan, at pagiginhawain ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin na mahinahon ako at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mabuti ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Mga kapatid, nababatid ba natin na ang ating pananampalataya ay bunga ng kagandahang loob ng Diyos? Isa itong dakilang biyaya mula sa Diyos. Ito ang
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. John Francis Regis, Patron Saint of Lacemakers | June 16
St. John Francis Regis. Heard of this name before? Probably not! He is a Jesuit priest and is well known to many people in the United States although he remained all his life in France. Well, St. John Francis Regis was born of a noble and wealthy family at Foncouverte, France, on January 31, 1597. When he
When he was eighteen, John Francis got seriously ill and when he recovered, he made a retreat to choose what state of life he would embrace. He got a strong desire for the salvation of souls and earnestly begged to be admitted to the Society of Jesus. The following year he entered as postulant at Toulouse. There, he developed the character which distinguished him from many others: love of God, zeal for the glory of God, humility, patience, contempt for the vanities of the world, meekness, charity towards the poor and the abandoned, holy hatred of himself and many other virtues which caused those around him to say that “his whole person breathed of sanctity.” He delighted in the most humble duties, like cleaning the house, serving at table, making the beds, dressing the sores of the poorest and dirtiest patients in the hospital. He was austere to himself but very generous to others. He made many penances and mortified his senses and prayer accompanied all his actions. When he was reported to the superior that even at night he would go to the chapel and pray, the superior said: “Interrupt not the sweet communication of that angel with God.”
When he was ordained a priest and said his first Mass, he celebrated it with great tender devotion that those present said they were seeing him more like an angel than a man. In that same year, Toulouse was afflicted by the plague and John Francis sought to serve the sick. He catechized the children, wayward women and prostitutes, he heard confessions, and begged alms for the poor. He drew many insults for these activities, but he rejoiced in his humiliations for the sake of Christ. He had lots of achievements which our limited space cannot accommodate, but among his most important work was to bring back the faith in some places in France. It was a time when many prelates were absent, priests were lax and negligent and people have been deprived of the sacraments for many years. Protestantism was striving while there was a general indifference towards religion. For three years he conducted missions and brought many people back to religious observances. He prayed and made sacrifices for places he wanted to evangelize but did not have the chance to go.
In less than ten years of missionary work John Francis succeeded in leading back to Christ many people. Once, while in a mission, he insisted in preaching and hearing confession though he was not feeling well. A little later, he was found unconscious, but was able to receive the last sacraments before he breathed his
A Thought A Day | June 16, 2023
A Thought A Day | June 15, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 15, 2023
Huwebes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa mga guro ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulis na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
Pagninilay:
“Kung hindi hihigit ang inyong kabanalan sa kabanalan ng mga eskriba at mga Pariseo hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit”. Ano ang
Pagpasok ko sa kumbento many years ago, natutunan ko, at nakaugalian ko nang gawin ang examination of conscience. Ito yung pagsusuri ng konsensiya sa tuwina; pag-usisa kung tama pa ba ang direksyon ng puso, at ibalik sa Diyos kung ito’y napalayo. Kung super busy tayo, gawin natin ang pagsusuri ng budhi sa gabi bago matulog.
Manalangin tayo:
O Kabanal-banalang Ama, igawad Mo po sa amin ang biyaya ng kabanalan. Amen.
- Sr. Evangelina Canag, fsp l Daughters of St. Paul
Mabuting Balita l Hunyo 14, 2023
Miyerkules sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:17-19
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag n'yong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang bisa kundi upang magbigay-karapatan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nagbabago ang Langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad. “Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsasagawa at magtuturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”
Pagninilay:
Hindi naparito si Hesus upang guluhin at lituhin ang ating buhay pananampalataya. Naparito siya upang ituwid, palakasin, panibaguhin at pag-alabin ang ating pananampalatayang nakaugat, higit sa lahat, kay Hesus, ang buhay na pag-ibig ng Diyos. Ang pagkatao ni Hesus, ang Kanyang mga salita at gawa ang nagpapatotoo na Siya nga ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta, ang Diyos ng pag-ibig. Sa araw na ito hinihikayat tayong magtiwala at sumunod sa kalooban ng Diyos. Nais ng Panginoong Hesus na tayo’y pagpalain ayon sa Kanyang kagandahang loob. Nais niyang puspusin tayo ng kanyang pagmamahal.
Mga kapanalig, hayaan nating tulungan at gabayan tayo ni Hesus. Nawa’y hilumin Niya ang anumang sugat na humahadlang sa atin, upang malaya tayong makasunod sa Kanya. Alam niya ang ating mga kahinaan at walang imposible sa Kanya. Buksan nawa natin ang ating kalooban, upang minsan pa’y buhayin Niya ang Kanyang dakilang pagmamahal sa ating puso. Nawa’y masilayan sa ating buhay, ang mapagmahal at mapagmalasakit na presensya ni Hesus.
- Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
From the publisher's feed