
Sign up to save your podcasts
Or


A Thought A Day | June 14, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 13, 2023
Martes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:13-16
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawa at pupurihin nila ang inyong Amang nasa Langit.”
Pagninilay:
Mga kapanalig, ngayong kapistahan ni San Antonio de Padua, napakinggan nating ang mga salita ni Hesus sa Mabuting Balita: "Kayo ang asin... Kayo ang ilaw ng mundo." Ang mga salitang ito ay mapakapangyarihan at nagpapaalala sa atin ng ating malaking responsibilidad bilang mga tagasunod ni Kristo. Si San Antonio de Padua ay kilala sa kanyang mapanghikayat na pangangaral at malalim na pananampalataya sa Panginoon. Siya ay tunay na namuhay ayon sa mga salita ni Hesus, bilang asin at ilaw ng mundo. Ang asin ay may kakayahang magpanatili, magbigay ng lasa, at maglinis. Ang ilaw ay may kakayahang magpawala ng kadiliman at magpakita ng katotohanan. Bilang mga Kristiyano, tinatawag tayong maging asin at ilaw ni Kristo sa mundo. Tinatawag tayong magningning sa pag-ibig ng Diyos at ipakita ang katotohanan ng Kanyang Salita sa mga taong nasa paligid natin. Si San Antonio de Padua ay isang halimbawa ng kung ano ang ibig sabihin na maging asin at ilaw ng mundo. Namuhay siya ng may malalim na panalangin at pagsamba sa Diyos, at ang kanyang pangangaral at pagtuturo ay nagbigay inspirasyon sa marami upang magbalik-loob kay Kristo. Isa siyang tao na tunay na namuhay ayon sa kanyang pananampalataya, at ang kanyang halimbawa ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon. Nawa'y pagpalain tayo ng Panginoon at tulungan tayo na maging asin ng lupa at ilaw ng mundo, katulad ni San Antonio de Padua. Amen.
- Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
A Thought A Day | June 13, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 12, 2023
Lunes sa Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a
Nang makita ni Hesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukkha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.
Pagninilay:
Marupok, mahina, salat – mga katagang hindi katanggap-tanggap para sa mundong ang pagpapahalaga ay nakasalalay sa lakas at kapangyarihan. Madalas, kapag umiiyak tayo, nagluluksa, o pinanghihinaan ng loob dahil sa mga pagsubok at hamon ng buhay, mukha na tayong mahina sa paningin ng iba. Kaya malimit sinasabi sa atin, wag kang magpadala sa kahinaan mo, wag kang umiyak, magpakatatag ka, wag kang mag appear na weak, lalo na sa harap ng mga kumakalaban sa’yo. Pero kapanalig, pakinggan natin ang tinuran ni Hesus sa ating Mabuting Balita ngayon. Parang sinasabi niyang, okey lang ang hindi maging okey, “It’s okey not to be okey.” Ika pa nga nya: "mapapalad kayo". Aba’y, hirap ka na nga, umiiyak ka na nga, wala ka na ngang silbi sa iba, tapos sasabihin pa ni Hesus, na mapalad tayo? Kapanalig, ikaw ba’y maniniwala sa mga salitang ito ng ating Panginoon? Sa tingin ko, dapat tayong maniwala, hindi dahil sinabi ito ng Panginoong Hesus; kundi maniwala tayo, na sa mundong ginagalawan natin, sa totoong mga bagay na nangyayari sa ating buhay, kasama na dito lahat ng pasakit at pighati – may Diyos tayong kasa-kasama. Oo, mga kapanalig! Mapapalad tayo hindi dahil sa umiiyak o inaapi tayo. Mapapalad tayo, dahil hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Panginoong Hesus, ang Emmanuel, “God with us” sa pagharap sa lahat ng hamon ng buhay.
- Sr. Niña Lorilla, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 12, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 11, 2023
Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)
Ebanghelyo: JUAN 6:51-58
Sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.” Nagtalu-talo kong gayon ang mga Judio at nagsalita: “Paano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne para kainin?” “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakanin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo, at ibabangon ko siya sa huling araw. “Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama at may buhay ako dahil sa Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. “Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.”
Pagninilay:
Minsan, isang katekista ang nagtanong sa mga estudyante. “Class, magbigay nga kayo ng mga katangian ng Diyos?” Sabi ng unang estudyante, “Ma’am,
Mga kapanalig, maaaring nakakatawa ang kuwento, pero iyon ang pinakadiwa ng Eukaristiya. Ang Diyos ay hindi lamang mahilig magpakain; siya mismo naging pagkain sa atin, dala ng dakilang pag-ibig at karunungan niya. Alam ng Diyos na kung minsan ang ating isip at puso ay nasa ating tiyan, kaya
- Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP l Society of St. Paul
A Thought A Day | June 11, 2023
Mabuting Balita l Hunyo 10, 2023
Sabado sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 12:38-44
Sinabi ni Hesus sa kanyang pagtuturo: “Mag-ingat kayo sa mga guro ng Batas na gusting lumakad na nakabarong at batiin ng mga tao sa liwasan, at mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga handaan at sa sinagoga. Nang-uubos sila ng mga bahay ng mga biyuda, at nagdarasal nang mahaba para may idahilan. Napakatindi ng magiging hatol sa mga ito.” Naupo si Hesus sa tapat ng kabang-yaman at tiningnan ang paghuhulog ng mga tao ng pera para sa Templo. At may dumating na isang pobreng biyuda na naghulog ng dalawang barya. Kaya tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Talagang sinasabi ko sa inyo na pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng biyudang ito sa kabang-yaman. Naghulog nga ang lahat mula sa sobra nila ngunit s’ya nama’y mula sa kanyang kasalatan. Inihulog nga n’ya ang lahat ng nasa kanya—ang mismong buhay n’ya.”
Pagninilay:
Napanood n’yo na ba ang short film from Singapore na “Give”? Bata pa noon si John, na nagtanong sa tatay niya. “Father, why are we not rich?” Sumagot ang tatay: “John, being rich is not about how much you have but how much you give. When you give you will be happier.” Sa murang isip ni John, hindi nya ito maintindihan. To be honest, mahirap maintindihan kapag nagbigay ka, kahit walang-wala ka na. Paano ka nga ba magbibigay? Ikaw din naman, may pangangailangan. Let us trust the Lord sa kakaibang turo Niya. Ito ang maging bukas-palad. Bukal daw dapat sa ating kalooban na mag-share. Ang
- Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | June 10, 2023
Pondering Jesus’ Real Presence in the Eucharist | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp #CorpusChristi
From the publisher's feed