PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023 – Biyernes

    Mabuting Balita l Hunyo 9, 2023

    Biyernes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Marcos 12:35-37

    Sa pagtuturo ni Hesus sa Templo, sinabi niya: “Ano’t sinasabi ng mga guro ng Batas na Anak ni David ang Mesiyas? Sinabi nga ni David nang magsalita siya sa Espiritu Santo: ‘Ang sabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Umupo sa aking kanan hanggang ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa.’ Kung tinatawag siya ni David mismo na Panginoon, puwede bang anak siya ni David?” Nasisiyahan ang bayan sa pakikinig sa kanya.

     

    Pagninilay:

    Sa Mabuting Balita,narinig nating tinatanong ni Hesus kung bakit sinasabi ng mga Eskriba na ang Mesiyas ay Anak ni David. Kasi, si David mismo ang tumawag sa Mesiyas na Panginoon. Hindi nakikipag-away si Hesus sa mga Escriba kundi nagtatanong tungkol sa kanilang pangangatwiran. Ang tinatalakay na teksto mula sa Lumang Tipan ay ang unang bersikulo ng Salmo 110: “Winika ng Panginoon sa aking Panginoon, maupo ka sa aking kanan hanggang sa ipailalim ko sa iyong mga paa ang mga kaaway mo.”  Yung unang Panginoon ay tumutukoy sa Diyos, at ang ikalawa ay sa Mesiyas. Kung tinawag ni David na

    Panginoon ang Mesiyas, ibig sabihin, mas nakahihigit siya kay David at hindi lang siya anak ni David. Hinihintay ng mga Hudyo ang pagdating ng Mesiyas na
    siyang magpapalaya sa kanila mula sa imperyong Romano at magpapa-numbalik ng kaluwalhatian ng paghahari ni David. Pero ang kaharian ni Kristo ay taliwas sa kanilang inaasam. Si Hesukristong Mesiyas ay Anak ng Diyos!  Ipinapaalala ni San Marcos na si Hesus na Mesiyas ay ipinagkanulo, pinabayaan ng kanyang mga kaibigan, at ipinako sa krus hanggang kamatayan. Mula sa Krus mamamalas ang kaharian ng pag-ibig, pagpapatawad at pagtanggap sa lahat ng tao. Si Hesus na Mesiyas ang Panginoon ng Pag-ibig. Sinasabi din sa pagbasa ngayon na “malugod siyang pinakikinggan ng makapal na tao.” Kapanalig, nalulugod ka rin ba habang pinakikinggan mo si Hesus sa Banal na Kasu-latan? Katulad ng dalawang disipulo na sinabayan ni Hesus nang sila’y papunta sa Emaus, “mag-alab nawa ang ating puso habang pinakikinggan natin ang kanyang salita” sa Banal na Biblia. Sige na, kunin mo na ang Biblia
    mong matagal nang naka-tago, o naka-display sa iskaparate. Baka nababalot pa iyan ng plastic para hindi maali-kabukan. Buksan mo at basahin, pagnilayan at
    dasalin ito. Gusto kang makausap ng Panginoon: magliliwanag, gagabay, at magbibigay-lugod ito sa iyong buhay araw-araw.

    Manalangin tayo: Panginoon, salamat sa iyong tanglaw at sa pagpapadala Mo sa amin kay Hesus na aming Mesiyas. Nawa’y maging bukas kami sa pag-akay niya sa amin tungo sa iyong kaharian ng pagmamahal at kapayapaan. Amen.

    - Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul




    5 min
  • A Thought A Day | June 9, 2023

    A Thought A Day | June 9, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 8, 2023 - Huwebes

    Mabuting Balita l Hunyo 8, 2023

    Huwebes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Marcos 12:28-34

    May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una: ‘Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong nating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas.’ At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa sa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.

     

    Pagninilay:

    Pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Lagi nating naririnig ang paalalang ito, ang pinakamahalagang utos, na hindi mapaghihiwalay at laging magkaugnay. Paulit-ulit na ipinapaalala dahil madalas tayong makalimot at lagi nating pinaghihiwalay. Madali nating sabihing mahal natin si Lord. Madali tayong magsabi na God loves us at we love God. Pero patuloy naman nating kinamumuhian ang ating kapwa. Patuloy tayong nagkakasakitan, patuloy na nanghuhusga ng iba. Sa totoo lang alam nating hindi madali. Alam natin, buhat sa karanasan na may mga pagkakataong mahirap ibigin ang ating kapwa. Pero ito ang hamon ni Hesus sa atin sa Mabuting Balita sa araw na ito. Ang magmahal, ang mahalin ang Diyos at ating Kapwa.Alalahanin natin na ang tunay na nagmamahal, kumikilos, nagtataya, hinihigitan ang sarili - maging ang kanyang mga kahinaan, higit sa lahat nagsisikap ipakita at ipadama ang kanyang pagmamahal. Mga kapanalig, Kung tunay nating mahal ang Diyos, mamahalin din natin ang mga mahalaga sa Kanya: ang kanyang mga nilikha, ang daigdig, mga hayop, mga karagatan, ang kalikasan, lalo’t higit ang ating kapwa tao. Sa pagpapahalaga natin sa lahat ng nilikha ng Diyos, naipadarama at naipakikita natin sa Diyos na mahal natin Siya. Dagdag pa rito, nagbubunga ito ng kaligayahang hindi mapapantayan. Sabi nga sa isang awit: ‘Di ba’t sadyang may kapwa ang sariling dapat hainan ng pagsisilbi. At mamangha ligaya’y dadalisay pag sa kapwa buhay mo ay naalay. Bawat galing gamitin sa paglingap, laging damhin kung may naghihirap, at tandaan ganyang pagmamahalan, unang-unang atas ng kabanalan.  At sa patuloy na pag-uulit, patuloy na

    pagmamahal, dumadalisay ang ating pag-ibig sa Diyos at kapwa, hanggang sa maging banal at tunay tayong maging mga Anak ng Diyos.

     

     - Rev. Buen Andrew Cruz, SSP l Society of Paul

     

    5 min
  • A Thought A Day | June 8, 2023

    A Thought A Day | June 8, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Hunyo 7, 2023

    Miyerkules sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Marcos 12:18-27

    Lumapit kay Hesus ang mga Sadduseo. Sinasabi ng mga ito na walang pagkabuhay na muli kaya nagtanong sila: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may magkakapatid na lalaki at mamatay na walang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa upang magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. Kaya kinuha ng ikalawa ang kanyang asawa, at namatay ring walang anak. Ganito rin ang nangyari sa pangatlo. Silang pito nga ay namatay nang hindi nagkaanak. At sa huli’y namatay din ang babae. Ngayon, sa muling pagkabuhay—kung mabubuhay silang muli—kanino sa pito siya magiging asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.” At sumagot si Hesus: “Hindi kaya bunga ng hindi ninyo pagkaunawa sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos ang inyong pagkakamali? Sa muling pagkabuhay nga nila, hindi na mag-aasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa Langit. At tungkol naman sa mga patay at sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo inunawa ang sinabi sa inyo ng Diyos sa aklat ni Moises, sa kabanatang palumpong: ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob’? Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo.”

     

    Pagninilay:

    “Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Kayo’y talagang nagkakamali.”  Isa sa mahalagang bagay na dapat nating unawain sa ating buhay pananampalataya ay ang katotohanan na may kabilang buhay. Ang buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, ang Panginoong Hesus, ang Mahal na Birhen, mga Santo at Santa at lahat ng pinagpala ng Diyos na makapiling Niya sa langit. Mga kapanalig, ito ang bunga ng ating mga pagsisikap na mabuhay ng may

    dangal, katapatan sa utos ng Diyos, may pagmamahal at kawanggawa. Anumang bagay na pinagsikapan nating yakapin sa kabila ng paghihirap at pagdurusa kung itinataas natin ito sa ating Diyos, nagiging tulad ito ng mga hagdan na maghahatid sa atin sa langit. Masarap isipin, at harinawang mangyari sa atin
    na matulad tayo sa mga anghel sa langit. Sa kabilang buhay wala ng mag- asawa at hindi na pag-aasawahin ang mga tao. Lahat ng pinagpala at nagsikap
    ay matutulad sa mga angel. Mga pinagpalang sa Diyos nagpupuri. Mga pinagpalang wala nang kamatayan. Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, harinawang maging karapat dapat kaming magkamit ng buhay na walang hanggan. Tulungan mo po kaming tumupad sa iyong mga utos. Matulad nawa kami sa mga anghel, na sa langit, walang hanggang nagpupuri sa iyo. Amen.

     

    - Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul



    5 min
  • A Thought A Day | June 7, 2023

    A Thought A Day | June 7, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 6, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Hunyo 6, 2023

    Martes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Marcos 12:13-17

    Gustong hulihin ng mga Judio si Hesus sa sarili niyang mga salita. Kaya pinapunta nila kay Hesus ang ilan sa mga Pariseo kasama ng mga kampi kay Herodes. Nilapitan nila siya at sinabi: “Guro, nalalaman naming tapat ka at hindi napadadala sa iba. Hindi ka nagsasalita ayon sa kalagayan ng tao kundi tunay na itinuturo ang daan ng Diyos. Kaya ayon ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar?” Nang makita ni Hesus ang kanilang pagkukunwari, sinabi niya sa kanila: “Bakit n'yo ako sinusubok? Akin na ang isang denaryo.” Iniabot nila sa kanya ang isang denaryo at sinabi sa kanila ni Hesus: “Sino ang nakalarawan dito, na narito rin ang kanyang pangalan?” “Ang Cesar.” “Ibigay nga sa Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Lubha silang namangha sa kanya.

     

    Pagninilay:

    Legit daw ba na magbayad ng buwis sa Cesar?  Balak siluin ng mga Pariseo at kampon ni Herodes ang ating Hesus Maestro. Kaya, mula sa Wisdom and Truth ng ating Panginoon buong confident siyang tumugon. Matatalo ba ng mga kampon ng manlilinlang ang Makalangit na Karunungan? Di nga ba ang

    Katotohanan ng Diyos ang nagpapasinag ng ating budhi? Siya ang nagbibigay sa atin ng maayos na pag-iisip, matuwid na pagpili at tamang pagkilos. Handog Niya ito sa atin para makayanan nating pangasiwaan nang may katatagan ng loob ang bawat realidad na kinakaharap natin. Ang nakakalungkot, may mga lumalason at sumisilo sa karunungan at katotohanan. Nagiging mansanas ang bayabas. Mali, di ba? Naalala ko ang greatest gathering ng TST o The Satanic Temple, noong April sa Boston, Massachusetts. Nakaka-attract ang kanilang misyon. Pakikiramay daw sa kapwa, pag-reject sa mga malulupit na namamahala, itinataguyod nila ang practical common sense and justice, humihikayat sa human conscience para mamahala sa marangal na hangarin. Heads up, mga kapanalig, lalo na ang mga kabataang Pilipino, they serve the will of Satan not God’s. May templo rin sila dito sa ating bansa. Nagbabalat-kayo sila na concerned sa kapwa. Mag-ingat tayo. Ipagdasal din natin ang mga cyber criminals, scammers at hackers, online harassment at pananakot. Sana, mapagtanto nila na nasa loob na sila ng bitag. Tayo naman, sa biyaya ng Katotohanan at Karunungan ng Diyos, ireject natin ang mga tuso. Besides, “we gain more if we say NO to lies.”     

    -  Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul



    5 min
  • A Thought A Day | June 6, 2023

    A Thought A Day | June 6, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Boniface, Patron Saint of Germania | June 5

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Boniface, Patron Saint of Germania | June 5


    St. Boniface, the “APOSTLE OF THE GERMANS.” Boniface worked to root out paganism in Frisia, a place in the northwestern part of Europe, now Germany, and to restore its Christian faith. Numerous writers wrote about him and thus, there are many legends and traditions written, one of which is his cutting of the oak tree which served as idol for the pagans in Frisia. But there are also many information lacking in the story of his life. He was born in England in 680 to a Christian family and his baptismal name was Winfrid. At an early age, he followed a monastic life in his own home though his father gave his consent only later. He studied in a Benedictine monastery. Later, he taught in that abbey school and at age 30, he became a priest. Around 716, when his abbot died, he was offered and was expected to assume the position. Winfrid, however declined the position and set out in a missionary expedition to Frisia. But he stayed only one year because of the war in that city. He went to Rome and the pope renamed him Boniface, after a martyr named Boniface of Tarsus. He was appointed Bishop for Germania, but there was no place to exercise his ministry because the Church was not properly organized.  In 732, Boniface went again to Rome and reported to Pope Gregory III about his evangelization in Germany. He was conferred the pallium of an archbishop with the jurisdiction over the whole of Germany but still there was no real place for his jurisdiction. He went to Rome and for sometime, worked particularly for the unity between the Church of Rome and the Frankish church (composed of a Germanic tribe) who paid very little to the authority of Rome. In 738, he went back to Rome and this time he was made papal legate for Germany. Boniface found help in Charles Martel a good Christian. Charles Martel established four dioceses in Germany and gave them to Boniface. In 745, he was given Mainz as metropolitan See. In742, one of his disciples founded an abbey and gave Boniface the freedom to evangelize the place. According to German historian Gunther Wolf, the high point of Boniface’s career was the so-called Concilium Germanicum. He was able to establish strict guidelines for the Frankish clergy. He had the support of the papacy and of the rulers of Bavaria..By appointing his own bishops in Wurzburg and Erfurt he was able to retain some independence from the rulers of those places. He was intent in converting the Frisians, but after baptizing many of them, a group of armed robbers came and killed him. The Frisian bandits, ransacked their possessions but did not find the riches they were expecting. Instead, they found pages of sacred texts. It was June 5, 754. There was a report that at the moment of death, Boniface held up a Gospel as protection. Boniface’s remains were moved from Frisia to Ultretch, and then to Mainz. The body was eventually buried in the abbey church of Fulda. Veneration of Boniface began immediately after his death. The grave and the relics became the center of the abbey. Every Monday, the monks could be seen praying and prostrating before his tomb. In honor of St. Boniface many works of art and memorials were created and grand celebrations took place in 1805, 1855, 1905, 1954, 11980, 2004. St. Boniface is particularly remembered in connection with the Christian rule: TO FOLLOW CHRIST IS TO FOLLOW THE WAY OF THE CROSS. His feastday is

    June 5.
    Virtue: piety, humility, courage, obedience, perseverance, charity, simplicity

    Prayer: “St. Boniface, help us, especially the youth to know and follow the will of God for us.”

    6 min
  • Mabuting Balita l Hunyo 5, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Hunyo 5, 2023

    Lunes sa Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: MARCOS 12:1-12

    Nagsimulang magsalita si Hesus sa talinghaga. “May nagtanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang panahon na ng anihan, pinapunta niya ang isang katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang bahagi niya sa ani. Ngunit sinunggaban nila ito at pinaalis na walang dala. Nagpadala uli sa kanila ang

    may-ari ng isa pang katulong pero hinampas ito sa ulo at hinamak. Nagpadala rin siya ng iba ngunit pinatay naman ito. At marami pa siyang ipinadala; hinampas ang ilan sa kanila at pinatay ang iba. “Mayroon pa siyang isa, ang minamahal na anak. At pinadala niya siyang pinakahuli sa pag-aakalang 'igagalang nila ang aking anak.' Ngunit nang makita siya ng mga magsasaka, inisip nila: 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang mana.' Kaya hinuli nila siya at pinatay, at itinapon sa labas ng ubasan. “Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Darating siya't lilipulin ang mga magsasaka at ibibigay ang ubasan sa iba. Hindi ba ninyo nabasa ang Kasulatang ito? Naging panukulang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon, at kahanga-hanga ang aking nakita.” Huhulihin na sana nila siya pero natakot sila sa mga tao. Naunawaan nga nila na sila mismo ang tinutukoy niya sa talinghagang ito. Iniwan nila siya at lumayo.

     

     

    Pagninilay:

    Matindi ang karahasan sa talinhagang ibinahagi ni Hesus sa Mabuting Balita ngayon. Napakasasama ng mga magsasakang hindi lang nakuntento sa hindi pagtanggap sa mga alipin, pinatay pa nila ang mga ito, at pinatay din nila ang minamahal na anak ng nagmamay-ari ng ubasan. 

    Mga kapanalig, iba’t-ibang uri din ng karahasan ang nakikita natin sa ating kapaligiran, at napapanood natin sa telebisyon at social media - bunga ng pagtanggi o pagsasawalang bahala ng ilan, sa pagkatao ng kanilang kapwa. Pero, lingid sa ating kaalaman, may mga karahasan ding nangyayari sa ating puso: katulad ng pagtanim at pagkimkim ng galit, pagtangging magpatawad, paghangad ng masama, laban sa mga taong umuusig

    o hindi tumatanggap sa atin, pagsira ng reputasyon ng iba, pagkalat ng maling impormasyon o “fake news” – mga karahasan ito na umaalipin sa atin. Hinihikayat tayo ngayon ng Panginoong Hesus na wakasan ang mga karahasang ito, una’t higit, sa ating mga puso, sa pamamagitan ng pagdesisyong putulin ang kasamaan - sa pagharap dito nang may kahinahunan at kabutihang loob. Walang imposible, sa tulong ng Maykapal.

    Manalangin tayo:

    Panginoon, hilumin Mo po ako sa mga negatibong pag-iisip at saloobin na lumalason sa aking puso’t kamalayan.  Tulungan nawa ako ng Iyong Banal na Espiritu na maging tapat sa pagbabahagi ng kapayapaang handog ni Kristo, Amen.

     

    -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

     

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.