PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Mayo 31, 2023 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 31, 2023

    Miyerkules sa Ika-walong Linggo saKaraniwang Panahon





    Ebanghelyo: LUCAS 1:39-56

    Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. “Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman.  Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, tatlong letra ng P ang nais kong bigyang diin at pagnilayan sa ating pagbasangayon. Unang P- Pagbati. Binati ng Mahal na Ina si Elisabet. Pagbati nang may pagmamahal at hangaring tumulong sa kanyang pinsang si Elisabet, na sa kanyangkatandaan ay naglilihi ng sanggol. Ikalawang P- Pagtatagpo. Ang kwentong ito ng mag pinsang Sta. Maria at Sta. Elisabet ay hindi lamang kanilang pagtatagpo, kundi pagtatagpo din ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan. Narinig natin na sinabi ni Sta. Elisabet, na sa oras na marinig niya ang pagbati ng Mahal na Ina, lumukso sa tuwa ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ikatlong P- Pagpupuri. Sa tagpong ito, winika ng Mahal na Ina ang Pagpupuri o “magnificat”. Pagdakila niya ito at pagkilala ng kanyang kaluluwa sa Panginoon, dahil lubos siyang kinalugdan ng Diyos, na maging Ina ng tagapagligtas. Sa ating buhay-pananampalataya, meron bang pagkakataon na nagpuri din tayo sa Diyos dahil naging kalulugod- lugod din tayo sa kanya? Kapanalig, anumang mabuting ating gawin sa kapwa ay kalugod-lugod sa Diyos.  

     Manalangin tayo: 

    Panginoon, ipagkaloob Mo po, na maging kalugod- lugod kami sa Iyo, sa pamamagitan ng aming pagsisikap na maisabuhay ang Iyong mga salita.

    Patatagin Mo po kami, sa panahon ng kalungkutan, at kasakitan ng buhay, dulot ng karamdaman. Maitaas nawa namin Sa’yo ang pagsasakripisyong dulot nito, upang makamit ang kaligtasan, at buhay na walang hanggan. Amen.

     

    -       Sr. Edith Ledda, fsp l Daughters of St. Paul


    5 min
  • A Thought A Day | May 31, 2023

    A Thought A Day | May 31, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Mayo 30, 2023 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 30, 2023

    Martes sa Ika-walong Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Marcos 10:28-31

    Nagsalitasi Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n’ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”

     

    Pagninilay:

    Sabi daw, ang mga terminal ng bus o jeep o kaya ang mga paliparan o “airports” ay mga lugar ng “paalam” at “pagwelcome”.  “Paalam” sa mga taong aalis, at “welcome” sa mga taong darating.  Ang pagsunod kay Hesus ay parang pagpunta sa isang terminal o kaya paliparan: may mga bagay na kailangan nating iwan, pero may mga bagay din na kailangan nating “iwelcome”.  May isang kwento tungkol sa isang bata na lumapit sa isang matandang nagdadasal. Tinanong ng bata ang matanda, “Ano po ba ang iyong nakuha sa pagdadasal?”  Sagot ng matanda, “Wala”. “Pero,” pagpapatuloy ng matanda, “pwede kong sabihin sa’yo

    kung ano ang nawala sa akin, sa aking pagdadasal: ang galit at poot sa aking kapwa, pagmamataas, pagiging makasarili, takot, at kasalanan. Sa pagdarasal,
    minsan hindi naman talaga mahalaga kung ano ang iyong nakukuha, kundi kung ano ang nawawala sa iyo.”  “Sometimes, the answer to our prayers is not gaining, but losing; which ultimately is the gain."  Mga kapatid, sa ating pagsunod kay Kristo, may mga bagay na dapat nating iwan: ang ating mga kasalanan,
    takot, pagdududa, galit, at iba pang makakahadlang sa atin sa pagsunod sa Kanya.  Pero, tandaan natin, hindi hahayaan ng Diyos na bumalik tayo sa “wala”. Kung sinuman ang sumunod sa Kanya, ay tiyak na magkakaroon ng “lahat”, dahil na sa Diyos na ang lahat, ang lahat na inaasam-asam ng puso ng tao.

    Sabi nga ni Santa Teresa de Avila, “Let nothing disturb you, let nothing frighten you, All things pass away: God never changes. Patience obtains all things. He who has God Finds he lacks nothing; God alone is enough.”  Pag may buhay, may pag-asa, pag may pag-asa, may buhay.

        

    Fr. Brian Victor de Castro – Diocese of Sorsogon


    5 min
  • A Thought A Day | May 30, 2023

    A Thought A Day | May 30, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Mayo 29, 2023 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 29, 2023

    Lunes sa Ika-walong Linggo sa Karaniwang Panahon




    Ebanghelyo: Jn 19:25-27

    Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. umagos ang dugo at tubig. Ang nakasaksi ang nagpapatunay, at totoo ang kanyang patunay. At siya ang nakaaalam na totoo ang kanyang sinasabi kaya maniwala kayo.

     

    Pagninilay:

    Naranasan nyo na ba ang matamis na pagkalinga ng isang ina? Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ng ating Mahal na Birhen, bilang Ina ng Simbahan.  Noong 2018, itinalaga ni Pope Francis ang kapistahang ito, upang mapayabong sa ating mananampalataya, ang pagkilala sa Mahal na Birheng Maria, bilang Ina ng ating Simbahan at sambayanan.  Itinakda ang pagdiriwang na ito, sa araw ng Lunes, matapos ang Pentekostes, kung saan, bumaba ang Banal na Espiritu sa mga alagad ni Hesus, at kasama nila ang Mahal na Birheng Maria. Dito nagsimula ang ating Simbahan; mula sa isang maliit na komunidad ng mananampalataya, habang sila ay nananalangin sa Upper Room. At dito, ginagampanan ni Maria ang kanyang role o papel bilang Ina, nang siya’y ibinilin ni Hesus, sa minamahal na alagad; at ang alagad naman, ibinilin sa kanyang ina.  Simula noon, si Maria ang naging matibay na sandigan ng mga taga-sunod ni Hesus, dahil siya ay napupuspos ng pagpapala ng Banal na Espiritu Santo! Mga kapanalig, kung paminsan, nahihirapan tayong maunawaan ang nangyayari sa ating buhay, alalahanin natin na nandidiyan si Maria, ang ating Ina at Ina ng Simbahan. Gayundin, alalahanin natin, na maraming mga taong nagdarasal sa atin,

    araw at gabi, na laging nasa paanan ni Hesus. Minsan, sa aking pagsakay sa eroplano, nakaranas ako ng isang pampalipas ng oras o trivia question and answer quiz, habang nagbibiyahe. Tumayo ang isang stewardess sa unahan ng eroplano at nagtanong ng ganito: “Sino ba ang merong picture o photo ng kanyang biyenang babae?” May isang gentleman na biglang tumayo at ipinakita ang nasabing larawan, na aking ikinatuwa at ng mga kasamahan kong pasahero. Nagpalakpakan kami, at nakatanggap siya ng isang pabuya. Kapanalig, di ba, bihira ang ganun, na mahal ng manugang, ang nanay ng kanyang asawa?
    Kaya, sa mga biyenang nanonood sa ngayon, malaki po ang inyong role bilang spiritual guide sa asawa ng inyong anak. 

    Manalangin tayo: Mapagpalang Ama, patuloy po ninyo kaming gabayan sa landas na aming tinatahak. Inang Maria lagi po ninyong ipaalaala sa amin, ang iyong walang sawang pagkalinga at pagmamahal. Amen.

     

    - Sr. Susan Penaflor, fsp l Daughters of St. Paul

     

     


    5 min
  • A Thought A Day | May 29, 2023

    A Thought A Day | May 29, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    7 min
  • Mabuting Balita l Mayo 28, 2023 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 28, 2023

    Linggo sa Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentekostes




    Ebanghelyo: Jn 20:19–23

    Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi n’ya sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan!” Pagkasabi n’ya nito, ipinakita n’ya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli n’yang sinabi sa kanila: “Sumainyo ang kapayapaan! Gaya ng pagkakasugo sa akin ng Ama, gayun ko rin kayo ipinadadala.” At pagkasabi n’ya nito, hiningahan n’ya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at panatilihin naman sa sinuman ang inyong panatilihin.”

     

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, ngayong Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, ipinagdiriwang natin ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostol at ang pagkabuo ng

    Simbahan. Araw ito ng malaking kagalakan dahil inaalala natin kung paano pinuspos ng Banal na Espiritu ang mga Apostol, upang ipahayag ang mabuting balita ni HesuKristo sa mga tao, ng bawat lahi at wika. Sa ating Mabuting Balita ngayon, narinig natin kung paano nagpakita si Hesus sa mga alagad sa gabi ng kanyang muling pagkabuhay. Nagtipon sila sa loob ng isang saradong silid, takot sa mga mangyayari. Binati sila ni Hesus: "Sumainyo ang kapayapaan”.  Lubos na nagalak ang mga alagad sa pagkakakita kay Hesus na nabubuhay, at huminga si Hesus sa kanila at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu." Sa sandaling ito, ipinagkaloob ni Hesus sa kanyang mga alagad ang Banal na Espiritu, ang parehong Espiritu na ipinagdiriwang natin ngayon. Ang Banal na Espiritu ay ang ikatlong persona ng Santisima Trinidad, ang Espiritu ng Diyos, na ipinadala upang gabayan tayo, patatagin, turuan, at palakasin. Ang Espiritu ay pinagmumulan ng ating pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Pero, ano ang ibig sabihin para sa atin, na tanggapin ang Banal na Espiritu? Kapanalig, nangangahulugan itong, hindi tayo nag-iisa. Ang Banal na Espiritu ay lagi nating kasama at nagbibigay gabay at tulong sa atin upang mabuhay bilang mga alagad ni HesuKristo. Nangangahulugan ito na binigyan tayo ng isang misyon, tulad ng mga Apostol. Ang misyong ipahayag ang mabuting balita
    ni HesuKristo sa lahat ng tao, ibahagi ang pag-ibig ng Diyos sa mga nangangailangan, at maging saksi sa Kanyang kapangyarihan. Amen.

     

    - Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila

     


    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Mariana, Patron Saint of Jesuits and Franciscan | May 28

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Mariana, Patron Saint of Jesuits and Franciscan | May 28




    Our saint today, St. Mariana, is called the “Lily of Quito.” We shall discover here how she became the flower of Quito and its beloved patroness. St. Mariana was born Maria de Paredes Flores y Granobles y Jaramillo in the city of Quito, then part of the Viceroy of Peru, on October 31, 1618 to noble parents. She was the youngest of eight children and her birth was extraordinary. On the night she was born, glimmering above their house, there appeared a cascade of stars in the shape of a palm leaf, reminiscent of the blessed star above the stable in Bethlehem. It was as if God was indicating that the new born baby had angelic qualities. In fact, she was not an ordinary child. It is said that during her babyhood she already started to fast. She was taking nourishment from her mother’s milk only two times a day. Her mother tried everything to make her interested in sucking milk for her nourishment, but to no avail.

    At the age of four her mother died and she was raised by her sister, Jeronima and her husband. Even at a young age, Mariana was inclined to a life of prayer, solitude and ascetical life. She also gave little time to play with her cousins, but they were religious games like preparing an altar for Mass, praying before an improvised altar, etc.  Her sister and brother-in-law allowed her to live in seclusion in their house and in order not to attract the criticism of their neighbors and friends for the kind of life she was living, they suggested that she enter a religious convent. But something went wrong when she applied, as if to indicate that she was not meant for convent life. Mariana asked the advice of her confessor who suggested to the family that she be allowed to continue living in seclusion in their house. Deep in her heart, it was what Mariana wished she should live. Many people were shocked to see her receiving Communion daily at a very young age. The priest who allowed her was reported to the Bishop, but in the end, the wish of Mariana prevailed. Mariana suffered so much due to the gossip of the people, but she offered everything to imitate the suffering Jesus.

    Mariana wore the habit of a Jesuit and also the cord and scapular of the Franciscan Third Order. Her confessor decided that she spend five hours of prayer and spiritual reading daily, one hour for weaving and sewing, to earn something, and to rest for four hours. The money earned from her work was given to the

    poor. She also spent time in works of mercy. Mariana founded the first free clinic in Quito and a kindergarten for the Indian and African children. She
    gave special attention to these children, bathed, clothed, fed them, and took good care when they were ill. She taught them how to read and write and to play the flute and the guitar. Mariana offered also her life for the salvation of her country. When an earthquake, followed by an epidemic, shook Quito in 1645, she
    offered herself publicly as a victim for the salvation of her city. God accepted the sacrifice. The epidemic abated and she died on May 26. Her funeral
    and burial took place in the church of the Jesuits. But both Jesuits and Franciscans claim her as their saint. She was beatified by Pope Pius IX on November 10, 1853 and canonized by Pius XII on July 9, 1950. She is venerated in the Church of the Society of Jesus in Quito. Her feast day is on May 28.

    Virtue: faith, humility, chastity, charity, innocence, integrity, honesty, generosity and commitment

    Prayer: “Lord God, grant us the necessary graces to imitate the virtues of St. Mariana.

    6 min
  • A Thought A Day | May 28, 2023

    A Thought A Day | May 28, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.