
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Mayo 27, 2023
Sabado sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: JUAN 21:20-25
Pagninilay:
Sa pagbasa kahapon, tatlong beses tinanong ni Hesus si Pedro: “” Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Binigyan siya ng pagkakataong makabawi sa makatatlong beses niyang pagtatatwa kay Hesus. “Panginoon, alam nyo ang lahat ng bagay, alam ninyong mahal ko kayo.” Ibinalik siya ni Hesus bilang tagapamuno ng mga alagad na magpapakain at mangangalaga sa kawan ng Panginoon. Pero, ipinahiwatig din ni Hesus na maghihirap siya hanggang kamatayan. Kaso, paglingon ni Pedro, nakita niya si Juan, at inusisa niya si Hesus: “Panginoon, paano naman ang taong ito?” Parang nagbibirong sumagot si Hesus “Kung nais kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.” Para bang sinasabi niya, “Hay naku, Pedro, huwag ka ngang usisero. Gawin mo na lang ang nakatoka sa iyo, at huwag ka nang manghimasok sa kapalaran ng iba. Ang mahalaga ay sundan mo ako.”
Mga kapanalig, minsan, para tayong si Pedro – aligaga sa mga updates ng ating friends, pamilya, kung ano ang trending sa social media at showbiz. At dahil
-Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 27, 2023
Mabuting Balita l Mayo 26, 2023
Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 21:15-19
Nagpahayag si Hesus sa kanyang mga alagad nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”
Pagninilay:
Narinig natin sa Mabuting Balita na tatlong ulit na tinanong ni Hesus si Pedro, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Patay ang pagmamahal na nakapaloob lamang sa damdamin at hindi isinasagawa. Tunay na nabibigyang buhay lamang ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod. Sa pagtiyak ni Pedro kay Hesus ng kanyang pagmamahal, may kaakibat itong responsibilidad ng paglilingkod sa kanyang kawan. Binibigyan din tayo ng inspirasyon ng santong ang kapistaha’y ipinagdiriwang natin ngayon, si San Felipe Neri, upang mamuhay ng banal sa pamamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa kapwa, na kanyang masayang isinabuhay sa paglilingkod. Matindi man ang pag-uusig na naranasan ni San Felipe Neri at ng Apostol na si Pedro, hanggang sa kamatayan na patiwarik na krus, natanggap naman nila ang tunay na kagalakang nagmumula lamang sa dakilang pagmamahal ni Hesus.
Mga kapanalig, hinahamon tayo ng Mabuting Balita ngayon, na pagsikapang mamuhay ng banal, sa papamagitan ng pagmamahal sa Panginoon at sa ating kapwa, sa paraan ng masayang paglilingkod ayon sa malasakit na ipinamalas ni Hesus. Nawa sa ating paglilingkod, napapabuti ang buhay ng ating pinaglilingkuran at nailalapit natin sila kay Hesus.
-Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 26, 2023
Mabuting Balita l Mayo 25, 2023
Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 17:20-26
Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.”
Pagninilay:
Narinig natin SaMabuting Balita, ang mensahe ng Panginoon na mahalaga sa ating mga tao ang pagkakaisa, upang magkaisa tayo sa kanya. God wants Teamwork. He works with the team. Nais ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay nagkakaisa. Simula pa noong una, nakiisa na ang Diyos sa tao. Sa pagpili Niya kay Maria na maging ina ng kanyang Anak na nagkatawang-tao, upang iligtas ang santinakpan. Sa tagpong ito, nakita natin na nakiisa ang Diyos at nakipagtulungan sa atin para sa ating kaligtasan. Noong nagsimula si Hesus ng kanyang ministeryo, tumawag siya ng labindalawang alagad na makakatuwang niya sa misyon. (Kasama niya sila sa paglalakbay upang mangaral ng Salita ng Diyos, gumawa ng mga himala, magpagaling at anyayahan ang mga tao na magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Maging sa tagpo ng Transfiguration sa Bundok ng Tabor, may kasama siyang mga alagad na nakasaksi ng kanyang pagbabagong-anyo.) Mga kapatid, kung may pagkakaisa, pinagpapala ng Diyos. Kung may pagkakaisa ang isang komunidad, may magandang resulta ang mga proyekto; nagiging madali ang mga gawain dahil nagtutulungan at maraming nakukuhang blessing. Ang Kristiyanismo ay tungkol sa pagkakaisa. Pagkakaisa nga, ang direksyon ng pag-ibig. Kaya ito ang ipinapanalangin ng Panginoong Hesukristo sa Kanyang Ama, na magkaisa tayong lahat sa Ngalan Niya. Ginagamit ng Panginoon ang bawat isa sa atin upang magkaisa tayo sa kabutihan at sa pagkakawang-gawa. Idalangin natin na maghari nawa ang pagkakaisa sa bawat pamilya, komunidad, bayan at sa buong mundo, Amen.
-Bro. Heribert Ma. Carbonara, MMHC (Marian Missionary of the Holy Cross)
A Thought A Day | May 25, 2023
Mabuting Balita l Mayo 24, 2023
Miyerkules sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 17:11b-19
Tumingala si Hesus sa Langit at nag salita “Wala na ako samundo, ngunit nasa mundo pa sila. Habang papunta ako sayo. Amang Banal, ingatan mo sila sa ngalan mo, na ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya natin. Nang kasama nila ako iningatan ko sila sa ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak, maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili. Marapat ngang makaganap ang kasulatan. At ngayon bago ako pumunta sayo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita: at mapoot sa kanila ang mundo, sapagka't hindi sila mula sa mundo, gaya ng hindi ako mula sa mundo. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, Kundi pangalagaan mo sila sa masama. Hindi sa mundo sila galing, gaya ng hindi ako sa mundo galing. Pabanalin mo sila sa katotohanan: ang wika mo ay katotohanan. Kagaya ng ako’y sinugo mo sa mundo, gayon din naman sinugo kosila sa mundo. At alang alang sa kanila'y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.”
Pagninilay:
Ang Mabuting Balitang narinig natin, ay bahagi ng huling panalangin ni Hesus para sa kanyang mga alagad at sa ating lahat, upang ipahayag ang Katotohanan. Isang panalangin na puno ng pagmamahal at pananampalataya. Pero hindi ito madali, dahil may kaakibat na paghihirap at hamon na haharapin ang kanyang mga alagad. Batid ni Hesus, na ang kanyang paghihirap at kamatayan sa krus ay magdudulot ng takot, pangamba at kalungkutan sa kanyang mga alagad. Kung kaya’t hiningi niya sa Ama na sila’y patnubayan, sa kanilang gawaing pagpapahayag, italaga sila sa katotohanan, at ingatan sila sa masama.
Mga kapanalig, sa mundo natin ngayon, itinalaga din tayo ng Panginoong Hesus, bilang mga Kristiyano, na ipahayag ang katotohanan sa pamamagitan ng
-Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Pual
A Thought A Day | May 24, 2023
Mabuting Balita l Mayo 23, 2023
Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 17:1-11a
Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang makaluwalhati sa iyo ang Anak; ipinagkaloob mo nga sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao at gusto mong pagkalooban niya ng walang hanggang buhay ang lahat ng bigay mo sa kanya. Ito naman ang buhay na walang hanggan: ang kilalalanin ka, ang tanging totoong Diyos at ang sinugo mong si Jesucristo. Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang trabahong ipinagawa mo sa akin. At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa akin na katabi mo ang luwalhating akin sa tabi mo bago pa man nagkaroon ang mundo. Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ipinagkaloob sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ipinagkaloob, at tinupad nila ang iyong salita. At nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ipinagkaloob mo sa akin. Talaga, ipinagkaloob ko sa kanila ang mga salitang ipinagkaloob mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang tunay na sa iyo ako galing, at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin. “Ipinagdarasal ko sila. Hindi ang mundo ang ipinagdarasal ko kundi ang mga ipinagkaloob mo sa akin dahil iyo sila. Iyo ang lahat sa akin, at akin din naman ang sa iyo, at naluwalhati ako sa kanila. Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin.”
Pagninilay:
Narinig natin ang maalab na pagsamo ng ating Panginoong Hesus sa Diyos Ama. Bilang paghahanda, bibigyan na Siya ng parangal hindi lang
- Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 23, 2023
From the publisher's feed