
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Mayo 18, 2023
Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 16:16–20
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sandali pa at hindi n’yo na ako muling makikita, at sandali pa at makikita n’yo rin ako.” At sinabi ng kanyang mga
Pagninilay:
Ano kaya ang ibig sabihin ni Hesus sa mga salitang, “kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, at pagkaraan nang kaunti pang panahon, ako’y inyong makikitang muli.” Para bang namamaalam na si Hesus, pero sa kabila nang pagpapaalam niya, siya naman ay nangangakong babalik, at muli siyang makikita nang kanyang mga alagad. Ang mga salitang ito ay tungkol sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Siya ay mawawala sa kanilang piling, pero siya’y babalik at muli nilang makakasama. Ang kanyang kamatayan ay magdadala nang kalungkutan, at pagkatakot, pighati at madamdaming pagkawala, sa kanyang mga minamahal na mga alagad. Pero, sa kabilang dako naman, mauuwi ito sa kasiyahan at kaligayahang dala nang kanyang muling pagkabuhay. Magbibigay ito nang bagong lakas, sigla at pag-asa. Ang kanyang muling pagkabuhay, ay hudyat nang lakas sa pananampalataya, na walang anumang hahadlang o sisira sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos at ng Diyos sa atin. Ang presensya ni Hesus ay laging may dalang kagalakan, lalo na sa ating mga puso. Ang malaking hamon sa atin, ay kung papano natin mapapanatili ang presensiya ni Hesus sa ating buhay; at mapalago ang ating pakikipag-ugnayan sa kanya. May mga araw na para bang lumulubog o nawawala ang Diyos sa ating buhay. Bunga ito marahil nang maling kaisipan, maling kagustohan at maling kapasyahan. Mga kapatid, kung nasa ganito tayong sitwasyon, lalo pa nating pagsumikapang panatilihing makita ang buhay na pag-ibig nang Diyos
-Fr. Joe-Nelo Penino – St. Francis Xavier Parish, Archdiocese of Caceres
A Thought A Day | May 18, 2023
Mabuting Balita l Mayo 17, 2023
Miyerkules sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 16:12–15
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa sana akong sasabihin sa inyo subalit hindi ninyo mauunawaan ngayon. Darating naman S’ya, ang Espiritu ng katotohanan, at maghahatid sa inyo sa buong katotohanan. Wala na S’yang sasabihin mula sa ganang sarili kundi ang lahat n’yang maririnig ang kanyang bibigkasin at ang mga bagay na darating ang ibabalita niya sa inyo. Ibabalita n’ya sa inyo ang tatanggapin n’ya mula sa akin, at sa gayon n’ya ako luluwalhatiin. Ang tanang sa Ama ay akin. Dahilan dito kaya ko sinabing ‘Mula sa akin s’ya tatanggap at magbabalita sa inyo.’”
Pagninilay:
Mga kapanalig, ibinahagi ni Hesus sa atin, at sa buong sangkatauhan ang biyaya ng kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa pamamagitan nya at ng Banal na Espiritu, nagiging mga tunay na anak din tayo ng Diyos. “Datapwa’t ang lahat ng sa kanya’y tumatanggap, at sumasampalataya sa kanyang pangalan, ay bibigyan niya ng kapangyarihan na maging mga anak ng Diyos” (Jn1:12) Dahil yan ang ating pagkakakilanlan. Pero, sa ating pang araw- araw na buhay, paano ba natin naisasabuhay ang pagiging mga anak ng Diyos? Ang Espiritu ng Katotohanan ang mag-aakay sa atin upang makilala ang Diyos bilang Ama nating lahat. Kung kaya’t pinadala sa atin ang Espiritu ng kanyang bugtong na Anak bilang patunay sa katotohanang ito. Ito ang pahayag ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Galatia. “Sapagkat kayo ay kanyang mga anak, sinugo ng Diyos ang Espiritu ng kanyang Anak sa inyong mga puso, na sumisigaw: “Abba Ama!” (Gal.4:6)
Mga kapanalig, Si Kristo ay muling nabuhay at nananahan sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sikapin nawa nating maging sensitibo sa
Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 17, 2023
Mabuting Balita l Mayo 16, 2023
Martes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 16:5-11
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad “Ngayon nama’y pupunta ako sa nagpadala sa akin at wala sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako papunta. Kundi tigib ng lungkot ang iyong puso sa pag sasabi ko nito sa inyo. Ngunit sinasabi ko ang katotohanan. Makabubuti sa inyo’y
Pagninilay:
Nakakalungkot ang mawalay sa mga mahal sa buhay. Yan ang karanasan ng nakararaming Pilipino sa paglisan ng ama, ina, o anak para maghanap-buhay sa ibang bansa. Hindi sila umaalis para sa sarili kundi para matustusan ang pangangailangan at kinabukasan ng mga anak at pamilya. Malaking sakripisyo ito, pero handa silang gawin ang lahat – magtiis ng kalungkutan, hirap sa trabaho, at manirahan sa isang bayang banyaga. Pero iba ang dalamhati dahil sa kamatayan. Sa Mabuting Balita ngayon, alam ni Hesus na nalalapit na ang kanyang oras, at inaalo niya ang mga alagad sa pangako na: “Ang pag-alis ko ay sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo.”
Hindi lang kalungkutan ang mararanasan ng mga alagad paglisan ni Hesus. Itatakwil sila, kapopootan, aapihin at parurusahan hanggang sa kamatayan. Pero
Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 16, 2023
Mabuting Balita l Mayo 15, 2023 – Lunes
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 15:26,16:4
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin. Kaya naman sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang pagdating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko ito sa inyo.”
Pagninilay:
Mga kapanalig, ngayong ika-labing lima ng buwan ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni San Isidro Labrador, isang simpleng magsasaka na taga
Mga kapanalig, di ba, karanasan din ng ilan sa atin, na kapag may ginagawa tayong kabutihan, may mga taong pinagdududahan ang ating intensyon. Nakakarinig tayong di magagandang comments o masasakit na pasaring. Pero, hahayaan ba natin ang mga negative comments na ito, na pigilan ang ating mabubuting gawain? Kung isa man tayo sa nakararanas ng pag-uusig dahil sa ating mabuting ginagawa –tumingala tayo sa kabutihan ng Diyos; at ating mararanasan na totoo ang sinabi ni Hesus sa mga sumusunod sa Kanya: “Kapag dumating ang Paraklito, Siya’y magpapatotoo hinggil sa Akin.” Mga kapanalig, hindi tayo pababayaan ng Diyos; kapit lang.
Sa ating mga magsasaka, at sa lahat ng mga nangangailangan ng paggabay ng Espiritu ng Katotohanan, para sa ikabubuti ng ating mga kaisipan, lalo na kung may mga naka-ambang na tukso sa ating buhay…idalangin natin: O Hesus, higit ka naming kailangan, at ang ipinangako Mong Paraklito, upang patuloy kaming maging saksi ng iyong kabutihan. Amen.
-Sr. Susan Penaflor, fsp l Daughters of St. Paul
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Isidore, the farmer l Patron Saint of the Farmers | May 15
It is related that when this son was just a small boy, he fell into a deep well, and his parents prayed hard for his safety. Miraculously, the water of the well rose to the level of the ground bringing the child with it. The couple was greatly thankful to God, and in thanksgiving vowed sexual abstinence and lived in
Other miracles happened even while Isidore was still alive. Before he and his wife vowed (abstinence) continency and took separate lodgings, Maria
St. Isidore died on May 15, 1130. He was beatified on May 2, 1619 by Pope Paul and was canonized on March 12, 1622. He is venerated as the patron saint of Madrid, of farmers, peasants and of the US National Catholic Life Conference. Many churches in the Philippines are named after him.
Virtue: piety, humility, charity, generosity, continence, confidence
Prayer: “Pray for us St. Isidore that we may love God the way you did and our neighbors as ourselves.”
A Thought A Day | May 15, 2023
Mabuting Balita l Mayo 14, 2023 – Linggo
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: JUAN 14:15-21
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, isakatuparan ninyo ang mga kautusan ko. At hihiling ako sa Ama at ibibigay niya sa inyo ang ibang Tagapagtanggol upang manatiling kasama ninyo magpakailanman: Siya ang Espiritu ng katotohanan na hindi matatanggap ng mundo sapagkat hindi siya nakikita nito ni nakikilala. Kilala ninyo siya sapagkat kapiling ninyo siya at nasa inyo siya. “Hindi ko kayo iiwang ulila; pabalik ako sa inyo. Konti pang panahon at hindi na ako makikita ng mundo; ngunit makikita ninyo ako sapagkat buhay ako at mabubuhay din kayo. Sa araw na ‘yon malalaman ninyo na nasa Ama ako, at nasa akin kayo at nasa inyo naman ako. “Ang tumutupad sa tinanggap ninyong mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.”
Pagninilay:
Mga kapanalig, sa Mabuting Balita ngayong araw, narinig natin si Hesus na nagsasabing kung mahal natin siya, dapat nating sundin ang kanyang mga
Nangako rin si Hesus na magpapadala siya ng Espiritu Santo, ang Tagapagtanggol, na lagi nating kasama. Ang Espiritu Santo ay ang ikatlong persona ng Banal na Santatlo, at siya ang tumutulong sa atin upang mamuhay ayon sa mga utos ni Hesus. Nagbibigay ang Espiritu Santo sa atin ng tapang at lakas
Huwag nating kalimutan na hindi tayo nag-iisa, bagkus, mayroon tayong kasama na Espiritu Santo sa ating buong buhay. Mahalin natin si Hesus sa
-
From the publisher's feed