PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A Day | May 14, 2023

    A Thought A Day | May 14, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 13, 2023 - Sabado

    Mabuting Balita l Mayo 13, 2023 - Sabado

    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


    Ebanghelyo:  Jn 15:18-21

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin

     

    Pagninilay:

    Pagtahak sa daan ng krus, ang tunay na pagsunod sa Panginoong Hesus. Pebrero ngayong taon, nabalitaan nating hinatulan ng pagkakakulong ng dalawamput-anim na taon, at pagtanggal sa kanyang karapatan bilang mamamayan ng Nicaragua, ang isang katolikong obispo, na si Rolando Álvarez, dahil sa kanyang paninindigan sa katotohanan laban sa mga katiwalian ng pamahalaan. Isa itong konkretong patunay sa Mabuting Balitang ating narinig.  Binalaan ng Panginoong Hesus ang kanyang mga alagad: “Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung tinupad nila ang aking salita, tutuparin din nila ang salita ninyo.”   

    Mga kapanalig, ang pagpanig sa katotohanan, ang pagsabuhay ng Salita ng Diyos, at ang maging kinatawan ni Hesus sa mundong ito, wala mang pangakong buhay na katanggap-tangap sa lahat --- ang hamon ng Mabuting Balita sa araw na ito.  Marahil naranasan na natin ang tanggihan o itatwa, hindi lang ng

    ating mga kaibigan, kundi ng ating mismong pamilya, dahil nanindigan tayo sa katotohanan at tama. Sa karanasan din ng ating Mahal na Birheng Maria, nabago ang lahat, nang kanyang tanggapin na maging ina ni Hesus. Anong hirap at sakit ang kanyang dinanas nang sundan niya ang kanyang pinakamamahal na anak na inuusig, hanggang sa ito’y mamatay sa krus. Ano ang nagdala kay Hesus sa krus? Ang kasinungalingn o fake news! Ang mga kasinungalingang walang ka-abog-abog na tinatanggap ng karamihan, na sa kalauna’y nagmumukhang “katotohanan” na. Pero, ano pa man ang hugis ng isang kasinungalingan,
    paikot-ikutin man ito, mananatili itong isang kasinungalingan. 

    Mga kapanalig, patuloy ang paghikayat ni Hesus sa ating lahat, na manindigan sa katotohanan, sa lahat ng panahon at pagkakataon; maging kaaya-aya man ito o hindi, sa mga taong nakapaligid sa atin. Nawa’y patuloy tayong mamuhay, bilang buhay na patotoo ng Panginoong Hesus, ang Katotohanan, sa ating pagsasabuhay ng Kanyang mga turo at salita.  Taos-puso nawa tayong magpasalamat sa biyaya ng pagiging Kanyang kinatawan; at panghawakan ang kanyang pangakong, “Magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, dahil kasama na ninyo ako buhat pa sa simula.”

     

    -Sr. Deedee Alarcon, fsp l Daughters of St. Paul

     

    6 min
  • A Thought A Day | May 13, 2023

    A Thought A Day | May 13, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 12, 2023 - Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 12, 2023 - Biyernes

    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Jn 15:12-17

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”

     

    Pagninilay:

    Nakakatuwang marinig sa isang tatay ang “baby, I love you already” habang kinakausap ang baby na nasa sinapupunan pa lang ng asawa niya. Ang ibig po kasing sabihin ng “I love you already”, mahal na kita, kahit hindi pa kita nakikita. Ito ay galing sa puso na masasabi niya, sa bunga ng pagmamahalan nilang mag-asawa. Sa social media, malimit na gamitin ang expression na ito, kung nakaka-enjoy ang kausap o di kaya’y nagustuhan ang sinasabi niya. “I love you already”, kahit hindi siya kilala ng nagsabi nito. Dito siguro, merong konting kalituhan sa paggamit ng “love” at “like.” Kung nagustuhan mo lang, mas tamang sabihin na “I like what you said” o “agree ako diyan.” Walang feelings na involved. Ang love puwedeng mag-umpisa sa – “gusto kita.” At habang tumatagal na nakakasama mo ang taong ito, nade-develop sa pagmamahal. Kasi may nararamdaman ka na sa kanya.  Puwedeng magustuhan natin ang isang tao, na hindi kinakailangang mauwi sa pagmamahal. Pero ang pagmamahal, natutunang tanggapin ang anumang hindi natin gusto sa taong iyon. Ang true love, nag lelevel-up pati yan at nasusubukan, kapag tinatama nito ang mali kahit masakit, para sa ikabubuti ng mahal mo.  Ang true love, hindi nang-iiwan lalo’t sa oras ng krisis ng relasyon at panghihina ng taong mahal mo. May mga taong mahirap mahalin, nakakapagod. Mahal ko siya, pero suko na ako!  Kapanalig, nung sinabi ni Hesus na “magmahalan kayo” sinabi rin niyang “tulad ng pagmamahal ko sa inyo.” Kaya’t, oo, mapapagod ka lang, pero ang napakahirap na hindi sukuan ang taong mahal mo, ay magagawa mo – kasi hindi ka sinukuan at minahal ka muna ng Diyos, kaya’t kinaya mo at kakayanin mong magmahal ng lubos.


    Manalangin tayo:

    Panginoong Hesus, turuan mo po akong magmahal tulad ng pagmamahal mo sa akin. Amen.

     

    -Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul

     

     

     


    6 min
  • A Thought A Day | May 12, 2023

    A Thought A Day | May 12, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 11, 2023 - Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 11, 2023 - Huwebes

    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay





    Ebanghelyo:  Jn 15:9-11

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.”

     

    Pagninilay:

    Kapanalig, nakaranas ka na ba ng true love?  Naniniwala ako na ito ang dream nating lahat. Ang maging true love ng minamahal natin. Ang hangarin nating ito, nakaugnay sa layunin ng Diyos para sa atin “ang hangarîn ang tapat at wagas Niyang pag-ibig.” Likas sa Diyos ang magmahal dahil ito ang

    Kanyang pangalan. Ito ang Kanyang proof of identity. Nakikilala natin Siya, sa pagmamahal Niya sa atin. Sa Mabuting Balita na narinig natin, nakakamanghang
    pakinggan ang tatlong beses na pagbigkas ng ating Hesus Maestro. Manatili sa aking pag-ibig. Mananatili kayo sa aking pag-ibig. At ang pang-huli? Manatili
    kayo sa Kanyang pag-ibig. Dahil tapat ang pagmamahal Niya sa atin, ibig Niyang manatili tayo sa Kanyang panawagang magmahal. How can we remain in this call to love? Ang tumupad sa Kanyang mga Utos na magmahal. Sa number One na lang na commandment, doon na nakasulat ang tunay na tugon. “Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.” Ito ang sentro at pundasyon sa susunod pang siyam.  Gaano natin Siya dapat mahalin? Nasusulat, hindi tayo sasamba sa mga diyus-diyosan. Halimbawa, sa diyus-diyosan ng kapangyarihan, kayamanan, o ng pagkahumaling sa kapwa. Mangilin tayo tuwing Linggo. Sa araw ng Panginoon, alin ang inuuna natin, ang mag-relax at chill lang, o ang taimtim na pagsimba? Sa susunod na pitong utos, tungkol ito sa pagmamahal sa ating kapwa. Nananatili tayo sa pagmamahal ng Diyos kapag iginagalang natin ang ating mga magulang, ang buhay ng ating kapwa, ang ugnayan ng mag-asawa, ang yaman ng ating kapwa, at ang katapatan natin sa ating sinumpaan. Sa pagtupad natin dito, tayo ang nagiging channels of true love ng ating Panginoon. Kapag tinutupad natin ito, ating matatagpuan ang hiwaga ng lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Kaya’t punuin natin ng pag-ibig ang ating paligid. Balang araw, mapapawi na ang digmaan, ang pagtataksil, ang suklam, ang kawalan ng katarungan, dahil bawat isa sa atin, may naiabot na ambag na tapat na pag-ibig mula sa Diyos.

     

    -Sr. Gemmaria Dela cruz, fsp l Daughters of St. Paul

     


    5 min
  • A Thought A Day | May 11, 2023

    A Thought A Day | May 11, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min
  • Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 10, 2023 - Miyerkules

    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Jn 15:1-8

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga. Malinis na kayo dahil sa wikang binigkas ko sa inyo. Manatili kayo sa akin, ako naman sa inyo. Hindi makapamumunga ang sanga mula sa ganang sarili, malibang manatili ito sa puno ng ubas; gayundin naman, hindi kayo makapamumunga malibang manatili kayo sa akin. Ako ang punong ubas, kayo ang mga sanga. Kung may nananatili sa akin at ako naman sa kanya, namumunga siya ng sagana; ngunit kung hiwalay sa akin ay hindi ninyo kayang gumawa ng anuman. Kung may di nananatili sa akin, itatapon siya sa labas gaya ng sangang natuyo, na tinitipon at iginagatong sa apoy at nagliliyab. Kung mananatili kayo sa akin at mananatili naman sa inyo ang aking mga salita, hilingin ninyo ang anumang loobin ninyo at gagawin ko para sa inyo. Sa ganito pararangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.”

     

    Pagninilay:

    Mga kapanalig, marahil marami sa atin ang nakaka relate sa Balitang ating narinig, dahil patungkol ito sa isang gawain o libangan ng mga mahilig sa pagtatanim; mga “plantitas at plantitos,” ika nga. Pinapa-alalahanan tayo ng Panginoong Hesus ngayon, na siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga.

    Kung mananatili tayo sa kanyang mga salita, at sumusunod sa kanyang mga utos, mamumunga tayo ng masagana.  Dahil kung wala ang Diyos sa buhay natin,
    wala tayong magagawa kahit ano man. Mga kapanalig, madalas may mga bagay tayong gustong gawin sa buhay, o mga pangarap na gustong abutin, pero pakiramdam natin, hindi tayo umuusad o dili kaya’y hindi nagtatagumpay dito. Marahil, naniniwala lang tayo sa pansarili nating kakayahan at abilidad. Pero, kulang sa pananampalataya sa Diyos na siyang pinagmumulan ng grasya at kapangyarihan, upang magtagumpay at mamunga ng masagana. Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon, “Kapag manatili kayo sa akin, at manatili naman sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang ano mang maibigan at ipagkakaloob sa inyo.” Paano nga ba tayo mananatili kay Kristo upang makapamunga nang masagana? Kung tayo’y mananatili sa Simbahan at sa mga Sakramento, palalimin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng mga panalangin, namumuhay sa pag-ibig, patibayin ang ating pananampalataya at isabuhay ito. Lahat nang ito’y mga bukal kung saan dumadaloy ang grasya ng Diyos sa buhay natin bilang mga
    Kristiyano.

     

     -Sr. Gemma Gamab, fsp l Daughters of St. Paul

    5 min
  • A Thought A Day | May 10, 2023

    A Thought A Day | May 10, 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection#Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.