
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Mayo 9, 2023 - Martes
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:27-31a
S inabini Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan. Hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong mga puso; huwag kayong matakot. Narinig ninyong sinabi ko sa inyo: ‘Paalis ako, subalit pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa Ama, sapagkat mas dakila sa akin ang Ama. Ngunit sinasabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari, upang maniwala kayo kapag nangyari ito. Hindi ko na kayo kakausapin nang mahaba, sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Wala siyang inaari sa akin, ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at kung anong iniutos sa akin ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.”
Pagninilay:
Radikal na mga salita ang ating napakinggan sa Mabuting Balita sa araw na ito. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo”, wika ng ating Panginoon. Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Ito ba ay ang kawalan ng gulo o hindi kasiya-siyang mga bagay? Matatawag ba nating mapayapa ang ating Buhay dahil ang lahat ay nasa ayos naman? Mga kapanalig, ang kapayapaan na tinutukoy ng Panginoon Hesus ay higit sa pamantayan ng mundo. Ano nga ba ang tunay na kapayapaan? Ito ba’y nakikita? Ito ba’y nararandaman? Ang kapayapaan na galing kay Hesus ay hindi lamang panlabas kundi, nagsisimula ito mula sa loob. Ang kapayapaan ay nagsisimula kung mayroon tayong tunay at matibay na relasyon sa Diyos. Kamusta ang relasyon mo sa Diyos, kapatid? Lumalalim ba ito? Tumitibay ba? Sa panahon ng pasko ng pagkabuhay, nasaksihan natin ang hindi maikukumpara, at hindi
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Pachomius the Great, The Founder of Christian Cenobitic Life l May 9
According to the Pontifical Yearbook, the annual directory of the Catholic Church, there are now a million priests, brothers and nuns living in communities in various religious institutes. This is excluding the diocesan priests who serve in parishes. How religious life began to be lived in communities is what we shall discover in the biography of our saint today, St. Pachomius the Great. St. Pachomius was born in 292 A.D. in Thebes, now Luxor, Egypt. His parents were pagan but they gave him an excellent secular education. At twenty years old, he was conscripted in the army of Roman Emperor
After a few years following this kind of life, he went to a desert and there he heard a voice ordering him to start a monastery. He and Palaemon believed that this voice came from God. They went to a certain spot and built a small monastic cell, but soon Palaemon died. Yet God did not abandon him. An angel came to Pachomius, disguised as a monk, and gave him a Rule of monastic life. It is this rule that both St. Benedict and St. Basil based and developed their Rules. Pachomius’ brother came to join him. Gradually, other men began to follow him because of his love for prayer, love for work, his task of giving guidance and counselling and service to others, especially the sick. He introduced a cenobitic monasticism. Cenobitic life is life lived in common, with strict discipline, regular daily worship and manual work. The monks fulfilled the work assigned to them through obedience, they were not allowed to possess their own money and those who disobeyed were punished. Pachomius’ sister Maria came for a visit, but observing the strict Rule, he did not see her. He only blessed her and asked her to enter monastic life, promising to help her. The monks built her a hut on the opposite side of the Nile River. Other women began to join Maria and soon a women’s monastery was formed with strict monastic Rule furnished by Pachomius. Pachomius was not a priest. When he was to be ordained by St. Athanasius, he fled. But he was severe and strict upon himself, kind condescending to the other monks. He taught them monastic obedience, chastity, humility, fasting, austerity, prudence, to avoid judging others, to fulfill their assigned tasks and to treat the sick with special care. He instructed them to rely more on the mercy and help of God. The Lord granted Pachomius the gift of miracles, yet he suffered much from the wickedness of the devil. When he died in 348, there were eight monasteries and several hundred monks living cenobitic life. They spread from Egypt to Palestine, North Africa and Europe. He is remembered as the founder of Christian cenobitic life. His feast is celebrated on May 9.
Virtue: piety, humility, austerity, prudence, chastity, obedience, fidelity, kindness and austerity.
Prayer: St. Pachomius, we pray that all who live monastic cenobitic life may be faithful to the vows they profess.
A Thought A Day | May 9, 2023
Mabuting Balita l Mayo 8, 2023 - Lunes
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:21-26
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga Alagad “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nag mamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas (hindi ang Iscariote), “Panginoon, Paano mangyayaring na sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hind isa mundo? Kung may nag mamahal sa akin, isakatuparan niya ang aking salita, at
Sinabi ko na sa inyo ang mga ito, habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng tagapag tanggol ang lahat. Siya ang Espirito Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko. At ituturo nya sa inyo ang lahat, at ipapaalala niya sa inyo ang lahat na sinasabi ko sa inyo.
Pagninilay:
“Ang nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad ng mga ito ay umiibig sa akin; at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya ay iibigin ko at ako'y
Manalangintayo:
O Diyos Ama, ibinigay mong halimbawa ang pagsunod ng aming Panginoong Hesus. Ipagkaloob mo po, na sikapin naming matularan ang halimbawang ipinakita Niya sa amin. Sa mga sandali ng aming kahinaan, mabigyan nawa kami ng lakas ng Banal na Espiritu na magtuturo ng lahat ng sinabi sa amin ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesus. Amen.
-
A Thought A Day | May 8, 2023
Mabuting Balita l Mayo 7, 2023 – Linggo
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: JUAN 14:1-12
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na
Pagninilay:
Mga kapanalig, ipinapaalala sa atin ng ating Mabuting Balita ngayong ika-limang Linggo ng Pagkabuhay na sa mga panahon ng pagsubok, ang ating Panginoon ay palaging gumagabay sa atin. Sinasabi niya sa atin, "Huwag magulumihanan ang inyong puso. Manampalataya kayo sa Diyos, manampalataya rin kayo sa akin." Ang mga katagang ito ay makapangyarihang mga salita na maaari nating itanim sa ating puso habang tayo’y naglalakbay sa hamon ng buhay.
Sa talatang ito, inihahanda ni Hesus ang kanyang mga alagad sa kanyang nalalapit na pag-alis. Alam niya na sila’y nababahala at nag-aalala sa kung anong mangyayari sa hinaharap. Pero, pinapangako niya sa kanila na hindi sila dapat matakot dahil siya ang daan, katotohanan, at buhay. Sinasabi niya na
-Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
A Thought A Day | May 7, 2023
Mabuting Balita l Mayo 6, 2023 – Sabado
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 14:7-14
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala, Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”
Pagninilay:
Noong bata ako, nangarap akong magkaroon ng superpower gaya ni Mary Poppins na sa isang iglap ay nakakalinis ng buong bahay, o ni Superman na lumilipad at bumubulusok para tulungan ang mga nangangailangan. Pero higit sa lakas at galing nila ang kapangyarihan ng Panginoong Hesus. Sa Mabuting Balita natin ngayon, ipinagbilin niya: “Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.” Hindi ba nagpagaling si Hesus ng maysakit, iminulat niya ang mga mata ng bulag, binuksan ang bibig at tenga ng pipi at bingi, at binuhay niya ang patay. Magagawa daw natin lahat ito, at higit pa rito! Kung kailangan mo ng milagro, hilingin natin ito sa ngalan ni Hesus, at gagawin niya
Manalangin tayo: Panginoon, bigyan mo kami ng lakas at kababaang-loob upang lumapit sa iyo at tanggapin ka sa Banal na Eukaristiya. Amen!
- Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul
A Thought A Day | May 6, 2023
Month of May – Dedicated to Mary | Word and Songs Podcast with Sr Lines Salazar, fsp
#WordAndSongs #MonthOfMary #MamaMary #PaulinesPH
From the publisher's feed